Galing ako sm appliance store kahapon, may mga pinagpipilian ako smart tvs
sony KDL-48w600B - 57,299
LG 47LB5820-APH - 44,992.50. smart tv, non 3D, wi fi ready. Non webOS. Hindi kasama sa bundle yung magic remote, basic remote lang ang kasama, which is may mga numbers at arrows para mag-click. Unlike yung magic remote, parang mouse ng computer ang gamit mo.
LG 47LB6310 - 51,992.04. Smart tv, non 3d, wi fi ready. With webOS. Magic remote bundled. Ang advantage lang naman ng webOS, pwedeng mag multi task. Pero ang multi tasking nya ay, for example, naka play ang isang movie mo, pwede ka mag browse sa net for the meantime habang naka minimize yung naka play na movie. Pero hindi mo sya pwedeng gawin ng magkasabay sa screen. Kelangan naka minimize yung iba. Ang pinagkaiba ng webOS sa non webOS ay kapag naka play ang isang movie at mag open ka ng isa pang program, magminimize yung move at tuloy tuloy lang sa pag play. Yun non webOS, mag exit yung naka play na move at kapag gusto mong balikan yung movie, i-search mo ulit kung saan naputol yung movie na pinapanuod mo. Wala syang memory na play kung saan lang naputol. Parang d sulit ang webOs kung ganun lang. Ang magic remote ay 4,999 daw. At pwede rin naman gamitan ng magic remote yung Lb5820. Kung 5820 na lang at mag add ako ng magic remote, mas makakamura ako. Btw, kung gagamit ka ng magic remote sa Lb5820, dongle pa yun sa likod. Unlike sa LB6310, internal na ang dongle.
Pinag iisipan ko pa kung anong kukunin ko talaga. Ang disadvantage pala ng samsung na similar specs dito at nearly same price ay yung IPS panel ng LG. matigas ang IPS panel, compared sa Non-IPS panel. Kaya LG na lang siguro ako
Btw, ang prices pala nito ay 12months to pay sa sm. Malaki ibababa pag cash