Ganyan din idea ko recently lang na dust covers para sa speakers at amp.
Maalikabok kasi dito sa amin ngayon andaming naka palibot na ongoing construction project.
Wala kasi akong mahanap na nagbebenta dito kaya nagpasadya ako sa local tailoring shop. Ako na nag supply ng fabric at diagram with measurements.
Yung fabric galing sa South Korea na pinabili ko sa kakilala. Anti-static microfiber siya.
So far so good. Walang gasgas yung piano gloss finish ng speakers ko, at parang nililift pa nga nung covers yung dust habang tinatanggal. Para sigurado pinalalabhan ko sa washing machine once a month.