Sinimulan nila as DIY pero since pinasok na nila ang mass production, DIY pa rin bang ituring ang gawa nina Marco at Anthony?
Anyways, mapa branded/imported, locally made man yan o DIY nasa bawat tao ang pasya. Meron talagang makilatis hindi lang sa SQ kundi pati na ang porma. May iilan namang kagaya kong praktikal na nakukontento sa simple at mura. Kanya-kanyang hugot. Hugot sa isip at impluwensya ng barkada. Hugot sa lalim ng bulsa.
Iba iba tayo ng panlasa, iba iba din ang ating room condition. Kahit gaano pa yan ka mamahalin ang gears kung ilalagay mo naman sa untreated room, hindi mo rin mamaximize o maachieve ang full potential ng mga ito. Maganda talaga nyan mag side by side (blind) test ka.
In my case, yung 12" DIY sub + BASH amp vs. 15" Velo ay halos di naglalayo ang performance. Yes!
Paanong nangyari yun? Posibleng dahilan ay ang kahinaan ko sa pandinig o pakiramdam. Untrained ears 'ika nga. Good for me dahil hindi ako mahirap i-please.
Para kang naghahanap ng aasawahin... imumungkahi mo sa barkada. Iba iba ang kanilang sinasabi. Ang tanong, kasama mo ba ang barkada sa kama?
To you Jaythan, SALMO (Sundin Ang Loob MO). Don't rush. Lapit na Pasko at ang haba pa naman ng bakasyon.