Author Topic: The Nora Aunor Thread  (Read 266408 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Noel_Vera

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 12,403
  • I'm afraid of the quiet man
  • Liked:
  • Likes Given: 88
How was Nora Aunor day, by the way? I heard it was a success, but no reactions to the films themselves?

Offline pinoymovies

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 365
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Care Home
« Reply #1021 on: Mar 22, 2006 at 10:42 AM »
The latest Nora Aunor movie Care Home will be shown on April 23, 2006 at Palace of Fine Arts Theater in San Francisco, California. Call 650-834-1006 now for tickets and more info. Or visit the movie's website:

http://www.carehomethemovie.com/

If you are not from the Bay Area and you have relatives there, please let them know.

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Mga Kuwento sa Likod ng Nora Aunor Day

     Maaga akong nagising last Saturday, February 25 at talagang malakas ang kabog ko tungkol sa Nora Aunor Day natin.  Previous day ay ginulantang ang 'Pinas ng proclamation ng State of Emergency na sinundan ng ilang warrantless arrests.  Nagkita-kita din kami nila Albert, Nestor, Glorina, Marc etc. the night before sa Dusit Hotel at dumiretso kami sa Marina sa Glorietta para sa isang despedida dinner para kay ICONian Jojo Garcia who will be leaving for Chicago the following day.  Sa dinner na 'yun ay pinag-usapan namin ang mga possible contingency plans kung sakaling magulo pa din ang situation sa 'Pinas the following day.  Nagkaroon din ng ilang tampuhan dahil nga siguro sa stress ng bawa't isa pero agad namang na-resolba ang kaunting gusot sa grupo.

     Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako kaagad sa upisina hindi para magtrabaho kung hindi para tapusin ang script ng awards night.  Earlier ay ipinagawa namin ng draft si Jonathan pero kailangan ko itong i-adjust dahil nga sa mga recent development ukol sa mga inimbitahang awardees and guests.  Nagkausap din kami ni Albert sa phone at natuwa naman kami dahil mukhang wala nang kaguluhan.  Nalungkot lang kami dahil nakatanggap ng tawag si Albert kay Gil, ang contact person sa University of Santo Tomas, na nagsabing hindi makakarating ang kanyang mga estudyante dahil they advised them against it.  Ang siste nito ay nasa kanila na ang 75 tickets at wala nang way para mabawi ang mga ito.  Ibig sabihin lamang ay at the most ay 225 katao lang ang dadalo sa event sa araw na 'yun.  Mabuti na din kaysa wala, ang nasambit namin.

     Pagkatapos kong i-print ang script ay dumiretso na ako sa Dangwa Terminal upang magpagawa ng mga lei at bouquet of flowers.  Mga dalawang din akong naghintay para dito at nakakatuwa naman dahil nagkataong Noranian din ang pinagpagawaan ko kung kaya't hindi ako nainip dahil sa kuwentuhan.  Nang matapos ang mga bulaklak, ang sumunod kong naging problema ay kung sa ako tutuloy dahil 2PM pa ang usapan sa Gateway at maga-alas-dose pa lang.  Hindi naman ako puwedeng dumiretso king Albert dahil umalis din siya for some coordination with the GANAP and Federation members.  Mabuti na lamang at nang tawagan ko si Glorina at okey lang sa kanya na sa boarding house nila ako tumuloy sa may Camp Aguinaldo.  Pagdating ko sa boarding house ay ginawa namin ni Glorina ang mga cue cards at inayos ang mga iba pang paperworks.  Nang mag-a-alas dos na ay naghanda na kami para pumunta sa Gateway.

Paglipat ng Venue atbp.

     Pagdating namin sa Gateway ay dumiretso kami kaagad sa Cinema level.  Taliwas sa inaasahan, maraming tao sa mall at mukhang walang pakialam ang lahat sa mga nangyayari sa kapaligiran.  Pagdating namin sa may exhibit area ni Ate Guy ay lumapit na sa amin sina Nestor at Don.  Nagpakilala din sa amin si Bernard Lopez na isa sa mga aktibong kasapi ng Queen of Philippine Cinema e-group.  Nag-offer ng tulong si Bernard at siya muna ang ginawa naming taga-bantay ng mga gamit namin habang paroo't parito kami dahil nga sa dami ng coordination na dapat gawin.

      Napag-alaman namin kay Bernard na nakabili siya ng ticket ng Tatlong Taon sa takilya at nagulat kami dahil nga supposedly ay hawak namin lahat ng 300 tickets para sa showing at hindi na dapat nagbebenta sa takilya.  Agad naming hinanap si Barnard ng Mowelfund at nang makita namin siya ay sinabi niya sa aming ang isang balita --INILIPAT DAW NG VENUE ang ating Nora Aunor Day.  Gateway daw ang nag-desisyon at mula sa 300-seater Cinema 1 ay inilipat tayo sa pinakamalaking sinehan nila, ang 500-seater Cinema 5.  Hindi namin alam kung matutuwa kaming maiinis dahil nga sa ang worry nga namin ay hindi na nga kayang punuin ang 300-seater dahil nga sa political situation ay dinagdagan pa tayo ng 200 seats.  We approached the festival director, Nick Deocampo, ang sabi niya sa amin na hindi rin nila na-control ang nasabing move ng Gateway.  Mukha malakas daw ang confidence ng Gateway that Nora Aunor will deliver dahil nga earlier before they decided ay ang dami nilang na-receive na inquiries for tickets.

     Dahil wala na kaming magawa, tinanggap na lang namin ang deceision and crossed our fingers na sana ay hindi tayo mapahiya.  While we transferred the exhibit from Cinema 1 to Cinema 5 lobby si Don naman ay pumunta sa ibaba kung ipa-xerox ang mga press kits.  Ngarag na din si Glorina dahil marami-rami na din ang nag-i-inquire ng tickets eh wala pa si Albert.  Dumating finally si Vonnel dala ang mga trophies at plaque -- at isa pang bad news --kailangang ibalik ang trophy sa susunod na Linggo dahil nagkamali ng gawa at ang nailagay na bolang kristal ay 'yung pang-sports event.  Finally ay dumating si Marites at si Albert kasama si Ate Alice at Ate May kaya't dagli naming inayos ang ticket selling/distribution area.  Maya't maya din ay pumupunta kami sa Pelikula at Lipunan booth to check ang status ng selling ng extra 200 tickets.

     Bandang alas tres ay dahan-dahan nang dumadagsa ang mga Noranians.  Kitang-kita ang mga Federation members dahil sa suot nilang neon green shirt.  Dumarating na din ang GANAP na naka-blue shirt naman.  Karay-karay din nila ang kanilang mga kasama dahil nga sa bring-a-friend program.  Dumating na din sina Nanay Ester at Lady Guy.  Kapansin-pansin din ang pagkakagulo ng mga kabataan sa exhibit lobby and it turned out na sila pala ang mga estudyanteng padala ng Araneta University Foundation.  Katulad ng ipinangako ng ICONian na si Leovi, more than 130 students ang dumating upang manuod ng monumental na Tatlong Taong Walang Diyos.  Nakakatuwa dahil maisasakatuparan din ang ating layunin na ipakilala ulit ang sining ni Nora Aunor sa bagong henerasyon ng manunuod.  Makikita sa mukha ng mga kabataan na ito ang paghanga habang tinitignan ang mga international trophies ni Ate Guy.

     Pasado alas kuwatro nang i-turnover ng Gateway sa grupo ang Cinema 5.  Tumulong kami sa pag-aayos at nag-technical rehearsal para sa awards night.  Paglabas namin ay lalong naramdaman ang init ng kasabikan para sa Nora Aunor Day.  Marami nang ICONian na nagtumpok-tumpok sa isang tabi habang ang mga Federation at GANAP naman ay nakahanap na din ng puwesto nila.  Nagkakagulo na din sa pagpila ang mga estudyante.  Nakita na din namin si Ricky Lee na palakad-lakad gayundin ang mga critics sa pangunguna ni Mr. Patrick Flores.  Ibinulong na din sa akin ni Albert na si Smokey Manaloto na ang mag-ho-host ng event.  Menos diyes para alas sais nang simulan nang papasukin ang mga tao sa sinehan para sa first screening.

Mapupuno Ba Natin o Hindi?

     Malakas ang kabog namin ni Albert habang nagtutulakan kami papasok sa sinehan upang tignan visually ang crowd turnout.  Dahan dahan ay sumilip kami at laking gulat namin to find out na almost 90% full ang sinehan.  Hindi talaga ako makapaniwala at mukhang may mga dumating din from UST gayundin from Ateneo de Manila and UP.  We immediately ran to the Pelikula at Lipunan booth and there we validated na halos wala na ngang tickets na natitira from the extra 200 that they were selling for Tatlong Taong Walang Diyos.  Nakakatuwa at ika nga ni Direk Nick, "The Noranians has delivered."  Nang magsimula ang screening ay nag-gather naman ang staff para sa pre-production meeting.

     Sa pre-production meeting ay na-assign si Raffy at Marites bilang trophy girls while si Athan naman ang assigned sa Visuals at si Glorina for Sounds.  Ako ang naging floor director.  Earlier ay bumili na din kami ng mga gifts sa Rustan's, pang-giveaway sa mga guests.  Habang nagmi-meeting kami ay dumating na si Kenneth na sinundan naman ni Matet who came with her very beautiful daughter and her in-laws.  Dumating na din si Lotlot kasama sina Tita Angge, Smokey at Shyr Valdez.  Sumunod ding dumating si Ms. Aster Amoyo at si Teri Onor.  We gathered them to a cafe habang hinihintay ang tapos ng screening.  They were also given their cue cards and briefed on the program flow.  Maya't maya pa ay dumating na din ang mga awardees na sina Ms. Gloria Sevilla at Direk Mario O' Hara.  After a few minutes, it's time to go inside the theater for the First ICON Awards.

Ang Unang ICON Awards

     The awarding started some fifteen minutes late dahil hindi natapos on time ang screening ng Tatlong Taon.  Nagsimula nang magbabaan ang ibang tao dahil medyo gutom na din sila pero mas marami pa din ang nag-decide to stay even among the students of Leovi.  Smokey made the introduction then he called on Direk Nick to give the opening remarks.  In his speech, he mentioned his being a Noranian and shared his lament on the fact that there are no more existing copies of the classic Nora movies save for some like Himala.  He made a promise that for next year, the Mowelfund will work for the return of the prints of Bona.

     After his short speech ay pumasok naman si Pit Maliksi upang i-introduce ang video segment na Nora's Shining Moments.  Ito po 'yung compilation ng mga unforgettable Nora scenes na buong tiyagang ginawa ni Albert together with a film editor in Cubao.  More than 6 hours niyang binuno ang nasabing 18 minute segment.  Nagsimula ang video with the "Walang Himala" scene na sinundan ng  "My brother is not a pig."  Kasama din sa ipinakita ang ilang eksena from "Bakit May Pag-ibig Pa?, "Babae," "Bilangin ang Bituin sa Langit," "Naglalayag," "Nakaw ng Pag-ibig," "Kastilyong Buhangin," "Minsan May Isang Ina," at "Kung Ako'y Iiwan Mo."  Pinagkatuwaan din ang titigan scene ng "Ikaw ay Akin."  For this video alone ay tingin ko, na-achieve na natin ang pag-re-introduce ng artistry ni Nora Aunor.  Makikita kasi sa mukha ng mga kabataang nanuod ang paghanga sa bawa't eksenang ipinakita.  Very warm din and sincere ang applause na ibinigay ng audience after the said video.

     Immediately after the video ay ipinakilala ni Vonnel si Teri Onor na umawit naman ng "This is My Life."  Earlier, sa isang pag-uusap with me and Albert, sinabi ni Teri na hinding-hindi niya gagawing babuyin ang Superstar sa kanyang impersonation skits.  Naniniwala siya kasi na sagrado ang pagkakahawig niya kay Ate Guy and dapat lamang na igalang at irespeto ito.  After his number ay sumunod na iginawad ang Natataning Noranian Award kay Estrella "Nanay Ester" Puesca ng Federation.  Nanay Ester turned 96 years old last January.  Iniabot sa kaniya ni Albert kasama si Willy Yabut (Federation) at Tony Que (GANAP) ang isang plake at bouquet of roses.  Ang cash prize naman para sa kanya ay iniabot ni Glorina sa kanyang mga alalay.  Binasa na lang ni Albert ang thank you speech ni Nanay Ester dahil nahihirapan na itong magsalita.  Nakita ko na maraming Noranians ang misty-eyed habang iginagawad kay Nanay Ester ang nasabing award.

     After the awarding ay tinawag naman si Lady Guy upang umawit ng "Missing You."  Nakakatuwa dahil wala pa ding kupas ang kanyang boses at bumagay sa kanya ang gold gown na suot niya.  Pagkatapos ng kanyang awitin ay sumunod na tinawag si Ms. Aster Amoyo at Shyr Valdez upang basahin ang mga citations ng apat na awardees ng Lifetime Achievement for Excellence in Film Acting.  Sayang at hindi nakarating nang personal sina Perla Bautista, Nova Villa, Bella Flores at Caridad Sanchez.  Si Tita Nova kasi ay mas shooting out-of-town at nakiusap na lang siya kay Albert na dalhin sa bahay niya ang trophy at magsama daw ng photographer upang makitang she really appreciates the recognition.  Si Tita Caring naman ay maysakit while sina Tita Bella at Tita Perla ay out-of-town din.  Hinayang na hinayang si Tita Bella dahil gusto niya talagang siya ang tumanggap nang personal ng award niya.

     Pagkatapos ng reading of citations, Tumayo naman si Ricky Lee na sinamahan ni Lotlot upang igawad ang Lifetime Achievement Award ni Tita Gloria Sevilla.  Maraming natuwa sa speech ni Tita Glo lalo na 'yung mga recollections niya with Ate Guy.  After the said segment ay tinawag na si Patrick Flores upang i-present ang Lifetime Achievement Award ni Mario O' Hara kasama si Matet.  Habang binabasa ni Patrick ang citation ay napatawa pa si Direk dahil sa pagkakabanggit ng kanyang pagkapanalo ng Best Actor Award para sa Halimaw sa Banga.  Marami din ang natuwa sa kanyang acceptance speech lalo na at sinabi niya ang mataas na respeto niya kay Nora Aunor bilang aktres at alagad ng sining.  After the awarding ay nagpasalamat na si Vonnel sa mga dumalo at nag-aanounce ng 10 min. break bago ang screening ng Bulaklak sa City Jail.

After the Event

     Pagkatapos ng programa ay dinala muna lahat ng guests sa Superbowl of China for dinner.  Iniwan na lang namin duon sina Vonnel at Albert para umistima sa bisita at bumalik kami kaagad sa Cinema 5 para sa screening ng Bulaklak.  Katulad ng inaasahan ay medyo nabawasan ang bilang ng manunuod dahil nga masyado nang gabi.  Mga around 65 to 70% full na lang ang sinehan pero sabi nga ng Mowelfund ay more than acceptable ito considering na nasa mas malaking venue tayo.  Pagkatapos ng screening ay tumulong kami ulit sa pagbalik ng Nora Aunor exhibit sa Cinema 3 lobby kung saan ipalalabas ang mga iba pang pelikula ng festival.  Pagod man kami ay nakangiti ang lahat dahil sa success ng Nora Aunor Day.  Matapos ang paglilinis ay pumunta ang staff sa Oyster Boy para sa isang late dinner dahil pasado alas dose na ng gabi nuon.

     Katulad na ng nasulat ni Nestor dito sa board, maaari nating sabihin na nakamit natin ang ating layunin para sa event na ito.  Mula pa nuong simulan ang Nora Aunor exhibit kung saan hindi lang libong tao na ang nakakita nito dahil nasa lobby lang ito ng sinehan, masasabi nating tagumpay tayo na ipakilala sa bagong henerasyon ang sining ni Nora sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Tatlong Taong Walang Diyos, Nora's Shining Moments at Bulaklak sa City Jail.  Sabi ko nga nuon, kung gusto natin ng positive news, ito po ang pinaka-positive na maaari nating gawin for Ate Guy.  Hindi magkamayaw ang Mowelfund sa pag-congrats sa atin at sabi nila na sana ay maulit ito.  We assured them na ang ICON Awards ay taun-taong gaganapin at humingi na din kami ng tulong upang ma-schedule ang aming film appreciation workshop at ilang plano pa para sa Mayo sa kaarawan ni Ate Guy.

     Mga kapatid, simula pa lamang po ito kung kaya't patuloy po kaming nananawagan para sa pag-suporta hindi lamang financial kung hindi higit sa tulong moral.  Mabuhay po tayong lahat!!!

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
ISANG PASADONG KARANASAN


Nostalgia sa Paanan ni Benavidez

            I finally arrive in UST ten minutes before 6PM.  Bumaba ako ng FX at pumasok sa may España gate.  There was an air of nostalgia and talagang nanibago ako sa itsura ng alma mater ko.  Iba na ang layout ng garden patungong Main Building, bukod sa covered court ay may ginagawa pang multi-level parking sa harapang ng UST Hospital.  Nakahiwalay na din ang Architecture building mula sa Engineering.  Nakakita ako ng bakanteng bench malapit sa paanan ni Benavidez, ang istatuwang nakaturo lagi sa FEU, at duon ay nag-obserba ako sa kilos ng mga estudyante na karamihan ay pauwi na galing sa kanilang klase.  Natandaan ko na on the same spot ay madalas kaming tumambay ng barkada ko nuong first year college kami dahil duon kami gumagawa ng plates para sa Visual Techniques – ‘yun bang ido-drowing mo ang mga puno at dahon at ang iba’t ibang building sa loob ng campus habang nakasalampak ka sa lapag na puno ng alikabok kapag tag-init at ginagapangan naman ng mga bulate, kung hindi baha, kapag tag-ulan.  I texted Albert and Mandy Diaz para alamin kung nasaan na sila dahil malapit nang mag-alas sais.  Nag-reply naman sila – putcha ang Albert, pasakay pa lang daw ng taxi from Cubao at si Mandy ay on the way na daw na usually ang ibig sabihin ay palabas pa lang ng bahay o baka naliligo pa lang .  Text back ko sa kanila na may pagkasuya – “akala ko ba alas sais???”  Demanding hindi ba?

            Itinuloy ko ang student-watching, paminsan-minsan ay nangingiti ako kasi nakikita ko ang sarili at mga classmates ko nuon sa mga barkadang naglalakad papunta ng España.  Biglang vibrate ang cellphone ko as I received a text message from Vonnel telling me na nasa area na din pala siya.  Alas sais y medya na sa relos ko nuon so I texted him back and asked him na magkita na lang kami sa harap ng Medicine Auditorium.

Sa Harap ng Medicine Building

            Finally, nagkita kami ni Vonnel at naupo kami sa may shed para hintayin ang mga kasama naming manunuod.  Isa-isang nagdatingan ang mga taga-ICON gayundin ang ilang members ng GANAP at Federation.  Dumating finally si Albert at pinaalalahanan ang bawa’t isa na ihanda ng entrance fee na P 200.00.  Habang naghihintay ay ang gulo ng grupo at todo ang tawanan at landian.  Andun si Glorina, si Raffy, Marc, Henry, Gary at ang kanyang bestfriend na si Manny, at si Joel.  May sampu ding miyembro ang dumating from Federation at ang galing GANAP naman ay walo.  Dumating din si Mandy finally at iniabot ko sa kanya ang hinihiram niyang Sampaguita movies ni Ate Guy.  Nakita din namin ang ilang kaibigan sa press katulad ni Oghie Ignacio at William Reyes.  Dumating din ang television crews ng Dos at Siyete.

            Nauna kaming umakyat ni Albert at Vonnel sa fourth floor ng Medicine Building kung saan andun ang auditorium upang makipag-ayos sa PASADO.  Ipinaalam namin sa kanila na marami-rami din ang dumating mula sa grupo and assured them na may tatanggap ng Natatanging PASADOng Artista Award for Ate Guy.  Kinuha din namin ang mga tickets at agad kaming bumalik sa ibaba upang ipamahagi ang mga ito.  Isa isa na ding nagdaratingan ang mga artista at panauhin ng event at sinabihan kaming magsisimula na ang programa by 8:30 PM.

Sa Loob ng Auditorium

            Finally ay umakyat ang grupo and we converged at the right side corner of the auditorium facing the stage para mas solido ang dating.  Simple lamang ang stage ng PASADO.  Sa gitna ng auditorium ay andun ang set-up ng coverage – katulad kasi last year, ang PASADO ay handled ng Airtime Marketing ni Tess Celestino at malamang na maipalabas ito sa Studio 23 next month.  Nakita namin si Maribeth Bichara na abala sa booth dahil siya pala ang direktor ng programa.  Halos puno ang auditorium at kapansin pansin na karamihan sa mga manunuod ay mga kabataang estudyante na naka-uniform pa – malamang ay required sila ng kanilang mga guro.  J

            At exactly 8:30 PM, nag-parade na ang mga gurong miyembro ng PASADO mula sa likod ng auditorium papuntang stage.  Mistulang graduation ceremony – kulang na lang ng itim na toga.  Tumayo ang lahat para sa Pambansang Awit – mabuti at hindi ito ni-lead nu’ng babaeng kumanta sa laban ni Pacquiao, hehehe.  Then pasok ang opening dance number ni John Wayne Sace at Maja Salvador.  Sabi ko sa sarili ko, sayang at wala si Alipaktong, crush pa naman niya si John Sace.  Pagkatapos ng kanilang number, ipinakilala ang mga host for the evening – si Ciara Sotto at Paolo Paraiso.

            By that time, bulungan na kami nang bulungan nila Albert – sino nga ba ang tatanggap ng award for Ate Guy?  Si Lotlot kasi ay manggagaling pa sa taping out of town and though paalis na daw siya sa set eh malamang na hindi siya umabot dahil napakabilis ng pacing ng programa ng PASADO – tatluhan kasi sila kung mamigay ng mga awards para madali – siguro dahil may klase pa ang mga guro at estudyante kinabukasan.  I was assured by Albert that in case na hindi makaabot si Lotlot ay nasabihan na din si Pit Maliksi na lumuwas pa from Sto. Tomas, Batangas para tumanggap ng tropeo.  Kinakabahan na kami nang magsimulang mamigay ng awards.  Mabilis talaga ang pacing at mabuti na lang at nagkaroon ng sandaling technical problem at in between sets ay may mga musical numbers na galing kina Christian Bautista at Pinoy Pop Superstar winner Ana Baluyot who was from FEU.

            Nang banggitin na kasama sa susunod na set of awardees ang isang special award, tumbling na kami nila Albert.  Nag-desisyon ang grupo – sa kabila ng matinding pag-ayaw ko – kung hindi darating si Pit ay ako daw ang tatanggap ng tropeo.  Nanahimik na ako mula nuon at sinimulan nang lamigin ang kamay ko at dumagundong ang dibdib ko.  Mabuti na lang at katabi ko si Glorina kaya may nasasakal-sakal ako para pang-alis tensyon, hehehe.  Manggagaling pa daw kasi si Pit sa head office ng Inquirer pero on the way na daw ito.  Lahat na yata ng santo ay natawag ko at nakahinga lang ako nang maluwag nang ang tawagin ay si Peque Gallaga bilang Natatanging PASADOng Guro.  Last year, si Direk Maryo delos Reyes ang nakatanggap ng karangalang ito.

            Habang patuloy ang programa ay sige ang tanungan namin kung darating pa ba si Pit.  Then Albert told me with finality – be ready Marlon dahil ikaw na talaga ang tatanggap ng award.  Para akong binuhusan ng tubig na malamig at hindi ko alam kung hihimatayin ako o kung ano.  Naninikip ang dibdib ko habang nirerepaso ko ang acceptance speech na inihanda ni Nestor ayon sa nais ipaabot ni Ate Guy sa mga taga-PASADO.  

             Finally ay naibigay na ang award for supporting actor at actress na nakopo ni John Lloyd Cruz (Dubai), ang kanyang kauna-unahang acting award for movies, at Jaclyn Jose (Masahista), na nakakaapat na from PASADO – sa uulitin daw ika nga niya na ikinatawa ng mga audience.  Resigned na ako sa fact na susunod nang tatawagin ang Natatanging PASADOng Artista katulad nang nangyari last year and ako na nga ang aakyat ng stage dahil ni anino ni Pit ay wala pa.  Never in my wildest dreams na pinangarap kong umakyat ng stage para tumanggap in behalf of Ate Guy.  It’s an honor definitely pero kakayanin ko ba?

(itutuloy)

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
ISANG PASADONG KARANASAN

(conclusion)


Kaya Ko Ba?

            Nagsimulang magtilian ang mga Noranians nang basahin ni Angelu de Leon ang citation para sa Natatanging PASADOng Artista Award.  Sinabi niya na ang PASADO ang unang nagparangal sa Naglalayag at ito nga ay kinilala din sa Brussels International Film Festival.  Bago igawad ang tropeo ay ipinalabas ang ilang excerpts ng Naglalayag.  Kilig factor talaga at pati mga kabataan ay nagre-react duon sa mga sweet moments ni Dorina at Noah.  Sayang at hindi isinama ang burol scene para mas nagulantang ang mga estudyante.  At natapos ang film clip.  Palakpakan ang mga tao.  And finally, ang kinatatakutan ko.  Feeling ko ay maiihi na ako sa kaba at hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko.  Tinawag ang pangalan ng awardee – si MS. NORA AUNOR.

            Lingunan ang mga estudyante sa lugar na pinanggagalingan ng tilian habang nakikisabay sila sa pagpalakpak.  Tumayo ako, huminga ng malalim – feeling ko talaga ay aatakihin ako ng rheumatic heart ko – at taas noong lumakad papuntang stage.  There was no turning back for me.  Mabuti na lang at my friends are cheering for me kung hindi baka tumakbo ako palabas ng auditorium.  Sa hagdanan paakyat ng stage ay sinalubong ako ni Pit – dumating pala siya just in time for the announcement.  Saglit akong huminto at nag-usap ang aming mga mata kung sino ang aakyat.  Mistulang Ikaw ay Akin ang eksena hanggang tapikin niya ako at sabihin ako na ang umakyat.

            Pumunta ako sa gitna ng stage ay tinanggap ang tropeo mula sa isang officer ng PASADO.  Pumunta ako sa rostrum at nakita nang malapitan ang gurong naka-ternong dilaw.  Tama ang aking sapantaha – siya nga ang aking beloved teacher sa Pilipino at homeroom adviser sa Laboratory High School ng PUP nuon, si Mrs. Isabela Mangonon.  Nakilala din niya ako at dagling niyakap.  Hindi mahirap sa kanya ang matandaan ako kahit malaki ang itinaba ko dahil isa ako sa paborito niya nuon.  Sabi nga niya sa backstage sa ibang members ng PASADO, bright student daw ako na nagdulot ng kaunting kilig –  ‘yun bang kilig-high school na nagpi-pink ka na kaka-blush.  Matapos nang mahigpit na yakapag, hinarap ko na ang madla para sa aking sariling sermon at the mount, ikanga ni Jonathan Catunao patungkol sa huling yugto ng buhay ni Elsa.  Hindi ko na nahalikan si Angelu kahit handa na itong makipag-beso beso sa akin  – inisnab ko nga daw sabi ni Vonnel – sabi ko naman, ‘sencia na, kabado lang talaga, hehehe.

            Inikot ko ang aking paningin at mula sa stage ay wala akong maaninaw sa audience kung hindi ang mga nakaupo sa unahan katulad ni Direk Peque.  Umaalingawngaw pa din ang tilian sa dulo ng auditorium pero wala akong maaninag.  Ibinaba ko sa rostrum ang tropeo, hinarap ito sa mga tao, binuksan ko ang nakatiklop na papel na puti kung saan ay babasahin ko ang speech para kay Ate Guy.  Huminga ako nang malalim, lumingon kay Mrs. Mangonon katulad nang paglingon ni Elsa sa kanyang ina, at saka nagwikang:  “Teacher ko po siya nuong high school.”  Napangiti at napapalakpak ang mga gurong nakaupo sa unahan.

Sapi ni Ate Guy

            Sa kabila ng hindi ko mapakaling mga kamay na pabalik balik kong isinusuot sa bulsa ng aking itim na pantalon at boses na may garalgal nguni’t malinaw at modulated sabi nga ni Glorina, binasa ko ang speech.  Sa unang dalawang paragraphs ay halata ang pagkapos ng aking hininga – aatakihin na talaga yata ako.  Nguni’t nang simulan kong basahin ang puntong nagsasabing si Nora Aunor ay hindi lamang magaling na artista kung hindi isa ding supporter ng independent film making, nakaramdam ako ng kakaibang init – init na nagmumula sa aking dugong-Noranian – and I started speaking confidently and with pride. 

             Sinapian yata ako ni Ate Guy, sabi ko nga kay Albert. 

             Proudly, inisa-isa kong basahin ang accomplishments ni Ate Guy at buong pagmamalaki itong ibinahagi sa mga kabataang nanunuod – as if I was giving them a lecture – and nakakatuwang makita na tumatango ang mga guro sa harapan gayundin si Direk Peque (lalo na nang mabanggit ang Tatlong taong Walang Diyos kung saan isa siya ay may mahalagang papel bilang kaibigan ni Masugi) tanda ng pagsang-ayon sa aking mga sinasabi.  Nang nasa huling paragraph na ako kung saan binati ko ang tatlong main organizations ng mga Noranians, finally I felt at ease with what I am doing – dapat lang ‘no dahil patapos na, hehehe.  After my last statement ay nagpalakpakan ulit ang mga tao.  Bibirit sana ako ng Greatest Performance Medley dahil feeling gabi ko iyon ay hinila ako ng aking guro sa backstage at duon kami nagkumustahan habang sa background namin ay kumakanta si Josh Santana.

Mga Intrigang Nilinaw sa Backstage

            Sa backstage, nagkaroon ako ng pagkakataong makadaupang palad ang presidente ng PASADO.  Niyakap niya ako at paulit-ulit niyang sinabing deserving talaga si Ate Guy sa karangalang nabanggit.  Nakakita ako ng pagkakataon kaya’t tinanong ko siya kaagad kung totoo bang may mga umaapela mula sa grupo nila tungkol sa award na ito.  Kesohada pang marinig ng ibang mga members na nakapaligid sa amin.  Siyempre matapang na ako kasi hawak ko na ang tropeo, hehehe.  But the president assured me that the decision to give Ate Guy the award was unanimous and there was no appeal or whatever.  Ang inamin niya ay ito – nuong early part ng deliberations, all the while the members thought that what they gave to Ate Guy last year was the Natatanging Artista at hindi Best Actress for Naglalayag.  Until dumating ang time na mismong presidente pa ang nag-clarify na Best Actress ang ibinigay nila last year kung kaya’t immediately they acted and approved as a body to give Ate Guy the said special award.

            After Josh’s number ay bumaba na kami ng guro ko at nagpaalamanan.  Hindi matapos ang beso beso namin dahil talagang tuwang-tuwa kami at nagkita kami after almost twenty years.  After ihatid ko si ma’am sa labas ng auditorium (dahil umuwi na siya agad after she presented the special award), nakita ko si Albert at binanggit ko dito na hindi totoong may umapela from the members of PASADO.  He then shared with me ang totoong story base sa nakalap din niya kakatanong sa mga ibang kasapi ng grupo:

             Apparently, nuong presscon ng grupo last week, ay may isang reporter (mahaba kaya ang baba nito??? – tanong ni Albert) na nagmaganda.  Sinabi nito sa mga members ng PASADO during the open forum kung bakit bibigyan si Ate Guy ng Natatanging Artista Award gayung may kaso ito sa Amerika at dapat ay maging huwaran ng moralidad ang choice ng mga guro dahil taga-akademya sila.  Buong tapang itong sinagot ng isang taga-PASADO.  Sinabi nila na kung moralidad ang magiging basehan ng PASADO sa pagbibigay ng karangalan tulad nito, eh ‘di sana ay hindi nila ginawaran nuong mga nagdaang taon ang mga artistang maraming na-link na lalake, naiskandalo o nakakadalawang asawa o ‘yung maraming mga anak sa labas.  They reiterated na hindi moralidad ang basehan ng Natatanging Artista kung hindi ang katangi-taning galing ng honoree sa sining ng pag-arte.  Hindi ito Best in Conduct Award, in short.  Supalpal, nanahimik na lang daw ang nagtanong, itinuloy ang pagkain at hindi na humirit muli.

Sa Pagtatapos ng Awards Night

            Natapos ang awards night nang itanghal nila Cesar Montano (na pumayag maging presentor para siguro makabawi sa PASADO sa hindi pagsipot ng grupo niya last year sa Aliw Theater kahit alam na nilang maghahakot ng awards ang Panaghoy sa Suba) na Best Actor at Actress si Aga Muhlach (Dubai) na tinanggap ni Arlene Muhlach at Claudine Barretto (Nasaan Ka Man), respectively.  Taliwas sa nakaugalian for the last seven years kung saan isinisiwalat agad ng grupo sa press ang mga gagawaran sa kanilang Gabi ng Parangal, sa ikawalo nilang pamamahagi, PASADO decided to keep the thrill by just announcing the nominees during the press conference and declaring the winners on the night itself.  Mukhang they learned their lessor well last year at siguro payo na din ng Airtime ito para mas dumugin sila ng artista.  Takot ko lang ay baka maging simula na din ito ng pagiging commercial ng kanilang awards.

            Masayang bumaba ang mga Noranians at sama-samang nilisan ang UST Medicine Auditorium.  Hindi pa din ako mapakali at sige ang tanong ko kung ano ang dating ko sa stage.  It was really a night to remember for me – hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ito.  Dahil pasado po ako sabi ng mga tunay na kaibigan ko.  Subukan nilang sabihin sa aking hindi nang ‘di ibinato ko sa kanila ang glass trophy na hawak ko, hehehe.

Offline Noel_Vera

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 12,403
  • I'm afraid of the quiet man
  • Liked:
  • Likes Given: 88
Belongs here, I think:

Favorite Nora performances:

1. Tatlong Taong Walang Diyos
2. Bakit Bughaw ang Langit
3. Bona
4. Bulaklak Sa City Jail
5. Condemned
6. Kastilyong Buhangin
7. Ina Ka Ng Anak Mo
8. Himala
9. Tatlong Ina, Isang Anak
10. Esperanza segment of Fe, Esperanza, Caridad
11. Ikaw Ay Akin

Maybe my favorite cameo appearance of hers is in Tisoy.

Offline keating

  • Trade Count: (+77)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,293
  • Liked:
  • Likes Given: 0
I liked her cameo appearance in Gallaga's BAD BANANAS SA PUTING TABING.  ;)

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Belongs here, I think:

Favorite Nora performances:

1. Tatlong Taong Walang Diyos
2. Bakit Bughaw ang Langit
3. Bona
4. Bulaklak Sa City Jail
5. Condemned
6. Kastilyong Buhangin
7. Ina Ka Ng Anak Mo
8. Himala
9. Tatlong Ina, Isang Anak
10. Esperanza segment of Fe, Esperanza, Caridad
11. Ikaw Ay Akin

Maybe my favorite cameo appearance of hers is in Tisoy.

great choices Noel!

but here's mine...

1. 'Merika (Gil M. Portes, 1984)
2. Himala (Ishmael Bernal, 1982)
3. Tatlong Taong Walang Diyos (Mario O'Hara, 1976)
4. Bona (Lino Brocka, 1980)
5. Kung Ako'y Iiwan Mo (Laurice Guillen, 1980)
6. Bakit Bughaw Ang Langit? (Mario O'Hara, 1981)
7. Ina Ka Ng Anak Mo (Lino Brocka, 1979)
8. Lollipops & Roses At Burong Talangka (Elwood Perez, 1975)
9. Atsay (Eddie Garcia, 1978)
10. Bulaklak Sa City Jail (Mario O'Hara, 1984)
11. Minsan, May Isang Ina (Maryo J. de los Reyes, 1983)
12. Wanted Ded Or Alayb (Warlito M. Teodoro, 1976)
13. T-Bird At Ako (Danny L. Zialcita, 1982)
14. Bakit May Pag-Ibig Pa? (Ishmael Bernal, 1979)
15. Annie Batungbakal (Maryo J. de los Reyes, 1979)
16. Ibilanggo Si Neneng Magtanggol (Tito C. Sanchez, 1977)
17. Pag-Ibig Ko'y Awitin Mo (Luis Enriquez, 1977)
18. Ikaw Ay Akin (Ishmael Bernal, 1978)
19. Carmela (Danny Holmsen, 1973)
20. Nakaw Na Pag-Ibig (Lino Brocka, 1980)
« Last Edit: May 06, 2006 at 06:37 PM by Jojo Devera »

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
I liked her cameo appearance in Gallaga's BAD BANANAS SA PUTING TABING.  ;)


i would think it's more than a cameo... maybe a guest appearance, and if you'd notice she had topbilling in the movie's opening credits. Ate Guy's role was supposed to be longer... she had scheduling problems. i was thrilled of the thought of her in a Peque Gallaga movie. a couple of years later the two of them worked in an episode of Pira-Pirasong Pangarap with Joel Torre & Vivian Velez.

Offline keating

  • Trade Count: (+77)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,293
  • Liked:
  • Likes Given: 0
I think she worked also with Peque in CHAMPOY during the 80's. I also want her to do a full-length movie with Peque. What movie was she doing during that time, that's why her sked didn't worked out when she was filming BAD BANANAS, Jo?

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
she was doing a series of shows that time... i think you're right i remember Ate Guy guesting in Champoy. as far as i know Peque is still in owe of her greatness as an actress. i remeber him mentioning that in an interview once.

Offline keating

  • Trade Count: (+77)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,293
  • Liked:
  • Likes Given: 0
That makes Peque more of a Noranian, hehehe. But hey, he always wanted to work with Nora but the problem always is the schedule.

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
That makes Peque more of a Noranian, hehehe. But hey, he always wanted to work with Nora but the problem always is the schedule.

i'm not certain if he's indeed a Noranian but Peque's just mesmerized by her.

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
i was watching Eddie Garcia on Persona and when asked which of the 25 films he directed are his favorites he mentioned in this order:

Atsay
Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig?
Abakada Ina

interesting choices... he's never duplicated his excellent work in Atsay. Saan Nagtatago was good but the storyline was a rehash of Mario O'Hara's outsanding Bakit Bughaw Ang Langit?

Offline Noel_Vera

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 12,403
  • I'm afraid of the quiet man
  • Liked:
  • Likes Given: 88
I saw Abakada Ina; I'd say Atsay was his best work.

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Abakada Ina was written by a fellow-ICONian, Ramon Bayron, and he won several awards for this movie.  The role of the mother was originally intended for Ate Guy but things did not materialized and it landed on the lap of Ms. Lorna Tolentino who gave justice to the role in her own way.  Thanks!

Offline Noel_Vera

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 12,403
  • I'm afraid of the quiet man
  • Liked:
  • Likes Given: 88
Lorna was pretty good. Didn't like the script, though.

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
that's ok...   ;)

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
since it's Ate Guy's birthday month i always celebrated her natal day with a retrospective of her best films. this year, we'll be watching the following movies:

BONA (Lino Brocka,1980)
TATLONG TAONG WALANG DIYOS (Mario O'Hara, 1976)
ATSAY (Eddie Garcia, 1978)
HIMALA (ishmael Bernal, 1982)
BANAUE (Gerry de Leon, 1975)
NAKAW NA PAG-IBIG (Lino Brocka, 1980)
BAKIT BUGHAW ANG LANGIT? (Mario O'Hara, 1981)
and
KUNG AKO'Y IIWAN MO (Laurice Guillen, 1980)

Happy Birthday, Ate Guy!!!

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
NORA AUNOR Live At The First Showbiz Festival In New York!

COMING SATURDAY JULY 29, 2006, NEW YORK, NY, 12 Noon to 8PM The biggest gathering of stars & celebrities in NY! The 1st SHOWBIZ FESTIVAL / Ang Himig Natin 2006 Featuring: NORA AUNOR, WILLIE NEPOMUCENO, LLOYD UMALI, BOOTS ANSON ROA, BERNARDO BERNARDO, ANTHONY CASTELO, JENNIFER BAUTISTA, BESSIE and lots more... WE WELCOME PRODUCT EXHIBIT BOOTHS (Corporate, Small Business, Nonprofit Product) First Come-First Serve on booth location, LIMITED SPACE AVAILABLE! For tickets please call 201-993-1365 and 914-433-9344 Part of the proceeds will benefit MOWELFUND. Brought to you by: Carousel Pinoy Entertainment, Bistro Castellvi, Newstar Philippines, Edsun Entertainment


Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
a scene from Tatlong Taong Walang Diyos (NV Productions, 1976) directed by Mario O'Hara


Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
here's the Superstar in Ibalik Ang Swerti (NV Productions, 1981) directed by Maryo J. de los Reyes





Offline RMN

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,312
  • Liked:
  • Likes Given: 0

Looking for: Uod at Rosas. Anyone with a copy? Thanks :)

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
PM mo ako Ramon...

Offline loonzhaus

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 85
  • born to love NORA AUNOR
  • Liked:
  • Likes Given: 0
kagabi lang ay pinaguusapan namin itong movie na ito ng ate ko...tawa kami nang tawa lalo na kasi naaalala namin kung ilang beses namin itong pinanuod sa sine kasama ang maid namin nuon...naitulad nga ito ng sister ko sa amelie dahil very intelligent daw ang pagkakagawa ng comedy...wish ko one day na mapanuod ulit ito.  thanks for the memories...God bless po!

here's the Superstar in Ibalik Ang Swerti (NV Productions, 1981) directed by Maryo J. de los Reyes






Offline butsoy

  • Trade Count: (+4)
  • Collector
  • **
  • Posts: 260
  • Liked:
  • Likes Given: 0
The whole country is terribly missing our one and only Ate Guy.. Sana makagawa ulit siya na movie dito sa atin..  ;D

Offline butsoy

  • Trade Count: (+4)
  • Collector
  • **
  • Posts: 260
  • Liked:
  • Likes Given: 0
@ Jojo

I sent you a PM.  :)

Offline pinoymovies

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 365
  • Liked:
  • Likes Given: 0
ICON's Nora Aunor Website was launched Saturday, October 28. Check it out. Here's the url:

http://www.nora-icon.com/


Offline Noel_Vera

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 12,403
  • I'm afraid of the quiet man
  • Liked:
  • Likes Given: 88

Offline jdv1229

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,478
  • Movie Fan
  • Liked:
  • Likes Given: 0
here's Noel Vera's review of Bona

http://www.criticine.com/review_article.php?id=17
« Last Edit: Nov 12, 2006 at 08:57 PM by Jojo Devera »