Author Topic: Pinoy Action movie STANDARDS=)  (Read 6482 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline anchit

  • Trade Count: (+46)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,809
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Pinoy Action movie STANDARDS=)
« on: Jan 23, 2009 at 11:58 AM »
Natatawa ako habang binabasa ko sabay sabi lagi sa sarili ko " oo nga ano!" ;D


Mag-sisigawan ang bida at kontrabida bago mag patayan at dito madalas nasasabi ang title ng pelikula.nagiging KULOT ang buhok ng nagiging mayaman.

Lahat sila BIGOTILYO.

laging pansit ang pasalubong ng bida sa hindi pa kumakaing pamilya.

may eksenang makakatitigan ang bida at leading lady na kung saan sila mag kaka inlove-an.

pag nabagok ang ulo ng bida mag kaka amnesia at kailangang mabagok ulit para bumalik ang ala ala.

kapag nagbabakbakan,sabog ang mga palamig at mga gulay na tinitinda.
yung chedeng na ginagamit sa car chase pag pinasabog nagiging GEMINI NA LANG!!!

tumitingin sa baril ang bida kapag nauubusan siya ng bala. may bigote palagi ang kontrabida. mahirap ang bida, mayaman ang leading lady.

di siya napapagod kahit 20 kalaban na ang pinatulog nya o pinatay nya.
di rin sya tinatamaan ng shrapnels kahit sumabog sa likod nya ang granada at laging delay ang granada sa pagsabog dahil kailangan nyang tumalon.

kahit tumalon galing sa 2nd floor ang bida, di sya nababalian ng buto, nakakatakbo pa rin at di naapektuhan ang kanyang accuracy.

mahilig bumaril sa hangin ang mga kalaban.

pag sinabing "nagkapalitan ng putok", literal, di nagbabarilan ng sabay ang bida at mga kalaban, palitan talaga.

di marunong mag-cover ang mga kalaban kaya napapatay.
at higit sa lahat, mabagal ang kanilang reflexes kaya nauunahan ng bida.

pag nagpasabog ng sasakyan paulit ulit mga sampung beses ipapakita ibat ibang angulo lang at may slow motion pa.

malalaman mo na kung malapit nag end ang movie, ang bida at kontrabida na lang na iiwan, tapos mag sisigawan, tapos magka tutukan ng baril, yun pala parehong nauubusan na ng bala, kaya magsusuntukan.

di nawawala sa suntukan yung pompyang sa tenga technique

pag hawak ng bida, ang thompson kayang pumatay ng dalawang truck na hapon
pwedeng ikasa ang .45 sa ere or ikiskis lang sa pantalon ang slide kasado na
pwedeng i-field strip ang .45 kahit nakatutok sa bida

pag dalawa kalaban at isa na lang bala, ilagay ang sharp edge ng itak sa dulo ng handgun barrel para mahati ang bala at sabay tamaan ang dalawang kalaban!

Bulletproof ang mga kahon at barrels

Sideways ang pag-hawak sa mga baril parang glock sa kamay ng gangsters,di ginagamit ang iron sights ng mga kontra bida. (kaya pala di na tama hehehe)

Mga magikero ang mga bida. (San sila nakuha ng extra magazines at di pa nauubusan ng bala?)

Parang de-silencer ang M203...*Pa-Tyuv*

Halos 10 minuto ang itinagal bago sumabog yung nagliliyab na van,nakapag daldalan pa nga ang mga bida.

pag nagsusuntukan, nauuna yun salag bago suntok..
laging may sidekick na komedyante yun bida..

nabubugbog/namamatay yun sidekick na komedyante..

laging me extrang tambay na nag-iinuman sa kanto..

laging meron mga iskalawag na pulis..

pag pulis ang bida, laging 'dinadala sa kama' yun leading lady..

pag-tinamaan ng bala yung mga kalaban nangingisay muna bago bumagsak at mamatay.

Laging senador, governor, congressman or mayor ang kontrabida

Laging kasabwat ang hepe ng pulis ng kontrabida


pag sinaksak ang kalaban, patay agad! ang bida, nakakatakbo pa!

ang mga side-kick na komedyante, madalas, hihirit sa leading lady, tapos kundi sasampalin, bubuhusan ng tubig, isusubsob sa cake, babasagan ng itlog sa mukha, tapos titingin sa camera yun side-kick at magme-make face!

ang mga heredera or anak-mayaman na babae, mahilig sa bad boy image na lalake.

dedma ang mga manliligaw na mayaman samantalang sa bad boy na bida bumibigay agad!

pag tapos mag sex, tatayo ang lalake, magyoyosi, habang ang babae nasa kama at natatakpan ng puting kumot.

maraming tuta ang kalabang bosing..lahat hindi marunong gumamit ng baril

Laging may L300 na punung-puno ng mga kalalakihan na may tig-isang M16 na dala dala.

Ang M203 ang pinakamalakas na armas. Kayang pasabugin ang isang palapag ng gusali.
The handsomest and the happiest ;b

Offline tikboy90

  • Trade Count: (+7)
  • Collector
  • **
  • Posts: 170
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #1 on: Jan 23, 2009 at 01:37 PM »
Hahaha! Meron pa yung kikidnapin yung pamilya, girlfriend o kaibigan.

Offline ricky

  • Trade Count: (+68)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 4,128
  • Duh?
  • Liked:
  • Likes Given: 544
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #2 on: Jan 23, 2009 at 02:02 PM »
Nice ;D ;D ;D ;D

Offline ivannn

  • Trade Count: (+6)
  • DVD Addict
  • ***
  • Posts: 996
  • Liked:
  • Likes Given: 5
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #3 on: Jan 23, 2009 at 02:22 PM »
kapag ang bida is pulis:

laging part ng movie na kikidnapin ang girlfriend or wife niya ng mga masasamang loob tapos papatayin, tapos afterwards ang bida eh all about revenge na ang story :)

* okay ito a. nakakatuwa basahin :)

Offline anya618

  • Trade Count: (+3196)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 21,712
  • it PAYS to be patient ;D
  • Liked:
  • Likes Given: 2607
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #4 on: Jan 23, 2009 at 02:26 PM »
idagdag mo pa
lagi late dumadating ung mga pulis ;D
viber/cp# 09175040694 (PLS INDICATE USERNAME)

Offline anchit

  • Trade Count: (+46)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,809
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #5 on: Jan 23, 2009 at 02:44 PM »
heto pa dagdag, pagnamamasyal yung bidang lalake at babae, sa park, sa beach biglang magkakaroon ng kantahan at sayawan! yung back up dancers yung mga tindera ng bbq o fishball biglang bibitawan yung paninda para  sumayaw! ;D
The handsomest and the happiest ;b

Offline indie boi

  • Kapitan
  • Trade Count: (+31)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,807
  • Twitter: @indieboi
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #6 on: Jan 23, 2009 at 08:08 PM »
Laging may out of town trip ang bida at leading lady kasama ang mga pamilya.

Offline viperkid

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 372
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #7 on: Jan 25, 2009 at 01:22 AM »
Hahaha...

Offline allanmandy

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 3,497
  • Mathematical!
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #8 on: Jan 25, 2009 at 03:37 AM »
* Kahit maraming mga kalaban, laging paisa-isa lang silang tumira sa bida. Hinihintay muna nilang mapatay o mabugbog yung kasama nila bago sila umatake.

* Di man lang tinatamaan ng bala yung bida kahit 30 yung kalaban nya, pero sya laging on-target kung tumama.

* Laging sa kalsadang walang ibang sasakyang dumadaan (tsaka puro damuhan yung mga lote sa paligid) nagaganap ang habulan ng sasakyan.

* Kapag na-corner na ang bida sa gubat o bundok, laging may waterfalls o ilog na pwedeng talunan nung bida para makatakas. Madalas na aakalain ng mga kalaban na nalunod na yung bida.

* May kaibigang pari o matanda yung bida na handang umalalay sa kanya lalung-lalo na pag tinutugis sya ng kalaban o ng mga pulis (kung napagbintangan sya na gumawa ng isang krimen).

* Palaging may mga batang iniidolo ang bida na gusto syang tularan pag laki nila.

* May kaguluhang kinasasangkutan palagi ang bida kapag pumapasok sya sa beerhouse, bar o bilyaran.

* Makikipag-taray-tarayan muna ang leading lady sa bida bago mahulog ang loob nya dito.

* Matapos mag-lakwatsa o mag-goodtime yung bida kasama ang pamilya, kaibigan o girlfriend nya, may di kanais-nais na pangyayari ang magaganap sa susunod na eksena.

* Kadalasang isang owner-type jeep ang service ng bida.



« Last Edit: Jan 25, 2009 at 09:23 AM by allanmandy »

Offline poypoy

  • Trade Count: (0)
  • Apprentice
  • *
  • Posts: 39
  • Hi, kumusta na mo!
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #9 on: Jan 25, 2009 at 05:24 AM »
nasa factory palagi na puno ng mga drum ang setting ng huling barilan
alrhino@

Offline anya618

  • Trade Count: (+3196)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 21,712
  • it PAYS to be patient ;D
  • Liked:
  • Likes Given: 2607
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #10 on: Jan 25, 2009 at 06:36 AM »
asintado ang bida, madalas one shot kill ;D
viber/cp# 09175040694 (PLS INDICATE USERNAME)

Offline indie boi

  • Kapitan
  • Trade Count: (+31)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,807
  • Twitter: @indieboi
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #11 on: Jan 25, 2009 at 10:24 AM »
Kahit may leading lady yung bida, laging may isa o dalawa pang babaeng makakasex nya or kung yung leading lady asawa nya, siguradong may other woman yung bida.

Offline indie boi

  • Kapitan
  • Trade Count: (+31)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,807
  • Twitter: @indieboi
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #12 on: Jan 25, 2009 at 10:27 AM »
Kung mga "beteranong" action director ang hahawak ng pelikula, sigurado lahat ng scene parang stage play. For example, kung ang eksena nasa living room, may ginagawa ang leading lady or ang nanay ng bida papasok ang bida (enter stage right) mag-uusap silang dalawa, at lalabas ulit ang bida (exit stage right). Kahit na pitong minuto mag-usap yung artista, hindi gagalaw ang camera.

Offline allanmandy

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 3,497
  • Mathematical!
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #13 on: Jan 25, 2009 at 12:39 PM »
* Kapag nakikipagbakbakan din ang komedyanteng sidekick, palaging comedy mode din yung hoodlum na kapares nya. Yung aanga-anga ba. Samantalang pag sa bida sila nakipaglaban, killer mode sila.

* Kapag may bugbugang mangyayari sa isang resort, bet tayo laging may taong mahuhulog sa swimming pool.

* Ang iba't-ibang mukha ng Pinoy action movie leading lady:
   ** Sosyal o mayaman na babae na ubod ng reklamadora kapag nadehado sya at kinailangang makitira o makisama sa bida
   ** Isang mabait na babaeng anak o kamag-anak ng kontrabida na handang talikuran ang kamag-anak na kontrabida para sa leading man.
   ** Isang babaeng mahinhin na larawan ng dalagang Pilipina
   ** Isang mataray o matun-matonan na babae na kayang-kayang awayin ang bida

* Iba pang mga lugar na madalas pangyarihan ng shootout:
   ** Sa sementeryo (laging may hoodlum na mababaril at mahuhulog sa hukay o bakanteng libingan)
   ** Abandonadong mid- o high-rise building
   ** Sa simbahan (bet tayo may hoodlum na mahuhulog mula sa tore)
   ** Sa party, sayawan, diskuhan,  (kung saan parang lahat ng bystanders ay himalang nakakatakas)

* Laging slow motion pag tumatakbo ang bida palabas o papalayo ng isang gusali o sasakyang malapit nang sumabog.

* Alam ng bida kung kelan eksaktong sasabog yung gusali o sasakyan kaya alam nya kung kelan sya dapat tumakas.

* Kapag napatay na ng bida ang punong hoodlum ng kontrabida (right-hand man nya), di na kalayuan ang katupasan ng kontrabida.

* Kapag nag-uusap na ang bida at kontrabida sa kanilang huling eksena, at kapag pabor ang sitwasyon sa kontrabida, laging makakabawi ang bida at mapapatay ang kalaban. Kung ang kontrabida naman ang dehado, lagi syang may huling panggulat sa bida. Buti na lang mas mabilis bumunot ng baril yung bida.


« Last Edit: Jan 25, 2009 at 12:52 PM by allanmandy »

Offline tikboy90

  • Trade Count: (+7)
  • Collector
  • **
  • Posts: 170
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #14 on: Jan 25, 2009 at 12:49 PM »
Kapag may naghagis ng granada o anumang pampasabog, laging may tumatumbling pagkasabog.

Offline anya618

  • Trade Count: (+3196)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 21,712
  • it PAYS to be patient ;D
  • Liked:
  • Likes Given: 2607
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #15 on: Jan 26, 2009 at 07:48 PM »
kotse ng kontrabida chedeng, pagtaob nagiging ford ;D ;D ;D
viber/cp# 09175040694 (PLS INDICATE USERNAME)

Offline kimosabe

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 335
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #16 on: Jan 27, 2009 at 09:03 AM »
laging nabubugbog sa early part ng movie yung bida.

sa suntukan laging bugbog muna yung bida pero panalo pa rin in the end
if life has failed you, leave the cross you nailed to

Offline pyeponce

  • Trade Count: (+8)
  • Collector
  • **
  • Posts: 76
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #17 on: Jan 27, 2009 at 10:26 AM »
laging naka jacket ang kontrabida at ang mga "bata" nito...kahit gano kainit...madalas denim yung jacket.

Offline bumblebee

  • Trade Count: (+1)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 4,371
  • Liked:
  • Likes Given: 2
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #18 on: Jan 27, 2009 at 10:30 AM »
Yung kontrbidang stuntman, laging umiikot sa ere kapag nara-roundhouse kick.

Offline Fat Makoy

  • Trade Count: (+21)
  • Collector
  • **
  • Posts: 322
  • I Love PINAS!
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #19 on: Jan 30, 2009 at 01:39 PM »
Yung kontrbidang stuntman, laging umiikot sa ere kapag nara-roundhouse kick.


hahahaha!  :D :D :D
Bless d man if his heart & his land r 1, d 3 stars & a sun. - FM

Offline R2

  • Trade Count: (0)
  • Collector
  • **
  • Posts: 122
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #20 on: Feb 01, 2009 at 02:33 PM »
V amusing thread, this is. Sadly, Filipino action movies are already extinct (I've read an interesting article by Nestor Torre on this topic). :(

Offline indie boi

  • Kapitan
  • Trade Count: (+31)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 6,807
  • Twitter: @indieboi
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #21 on: Feb 09, 2009 at 05:09 PM »
Never believe everything Torre writes.

Here's one more -- in a Filipino movie, pag nagsasalita na ang mga tao nagiging "high Filipino" na ang dialogue. For example, ang nanay or mommy nagiging inay or ina. Same goes with Tatay, nagiging itay. You'll also hear a preponderance of archaic words like subalit, kinakailangan, datapwat -- you get the drift. :)

Offline SiCkBoY

  • Trade Count: (+31)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 4,498
  • Liked:
  • Likes Given: 47
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #22 on: Feb 09, 2009 at 05:41 PM »
In short, walang standards and Pinoy action movies  ;D

Offline markcrenz

  • Trade Count: (+194)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 4,293
  • Liked:
  • Likes Given: 8
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #23 on: Feb 09, 2009 at 05:48 PM »
pag dalawa kalaban at isa na lang bala, ilagay ang sharp edge ng itak sa dulo ng handgun barrel para mahati ang bala at sabay tamaan ang dalawang kalaban!

si lito lapid yun! walang sinabi si chuck norris!  ;D

eto pa:
> sa beach ang ending, sabay-sabay tatalon ang cast at biglang freeze ang scene.
> ang tawag ng kontrabida sa henchmen nya, "mga bata"
Sent from my Pentium 166MMX using PS/2 keyboard

Offline simonzaide

  • Trade Count: (+56)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,730
  • "anything is possible"
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #24 on: Feb 09, 2009 at 05:52 PM »
palaging may sound effetcs pag sumuntok ang bida

may scene lagi sa beerhouse kung saan nagkakaaway at madalas bote ng plae pilsen ang binabasag

bihira magreload ng baril ang bida

ang kontrabida laging magsasalita ng pagkahaba haba bago tangkain barilin ang bida kaya minsan nauunahan siya

nakakatama ng long range ang shotgun

kumakasa ng baril gamit maong


Offline bumblebee

  • Trade Count: (+1)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 4,371
  • Liked:
  • Likes Given: 2
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #25 on: Feb 09, 2009 at 06:13 PM »
kumakasa ng baril gamit maong



Si FPJ yata, kaya sa ere ikasa.

Offline anya618

  • Trade Count: (+3196)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 21,712
  • it PAYS to be patient ;D
  • Liked:
  • Likes Given: 2607
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #26 on: Feb 09, 2009 at 07:48 PM »
Si FPJ yata, kaya sa ere ikasa.

minsan nga sa mukha nung kontrabida kinakasa ung baril ;D
viber/cp# 09175040694 (PLS INDICATE USERNAME)

Offline thegoodbyeguy

  • Trade Count: (0)
  • DVD Guru
  • ****
  • Posts: 1,425
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #27 on: Feb 10, 2009 at 01:17 AM »
minsan nga sa mukha nung kontrabida kinakasa ung baril ;D

      Now that is hilarious considering the scene is supposedly hardcore action.:D


Offline ramsey

  • Trade Count: (+19)
  • Collector
  • **
  • Posts: 381
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #28 on: Feb 10, 2009 at 07:42 PM »
Yung buhok ng bida di nagugusot kahit makipagsuntukan sa 10 goons.
Yung bida at boss ng kontrabida Laging  naka leather jacket at boots .
Pamilyar na linya: Mabuting kaibigan, masamang kaaway.
Tight fit na maong ang suot ng mga bida, di ba sila mahilig sa loose jeans? 
Tamaan man ng bala ang bida, kadalasan sa balikat lang daplis pa.  
« Last Edit: Feb 10, 2009 at 07:47 PM by ramsey »

Offline allanmandy

  • Trade Count: (0)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 3,497
  • Mathematical!
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Pinoy Action movie STANDARDS=)
« Reply #29 on: Feb 10, 2009 at 10:39 PM »
Actually, napansin ko na mas madala naka-maong jacket ang bida at ang mga hoodlum.