@macko2519, happy ka ba sa pj mo?
sa mga nag-aabang, sige na nga aaminin ko nauna akong umiskor nito hehe...
out of the box - nakakapawis ng singit! “di ba ako nagsayang ng 10,800?
kaya no way na ma appreciate mo sakaling magpa demo sa store. lakasan ng loob at pikit-mata na lang ang ginawa ko noon at "bahala na".
- PQ: not bad,
only after paulit ulit na calibration and don’t forget mag-imbita ng kasama kasi iba pa rin ang maraming mata. Wag ka lang mag-imbita ng pinya ha haha! Panis ang presets ng color at temperature. In my case, kinailangan ko pang iadjust ang color ng Mede8er. In fact, ang labo na ng display ng player pero ok sa movies. May mga times lang na medyo namumutla ang mga mukha esp pag outdoors kaya para ayusin binabaan ko ang brightness at contrast. Tapos binawasan ko ang saturation sa player kasi walang saturation adjustment sa pj.
- Power consumption: 93-105 watts (using watt meter), para ka lang naka 32” lcd tv.
- Lamp: no way macheck ang usage so isipin mo na lang e para kang bumili ng tv. Sana lang totoo nga na 50k hours.
- TV: (although kailangan mo ayusin kada channel manually after mag auto search at yun ay wala sa manual.)
- Built-in player: Ayos. Supported ang malalaking files.
- Built-in speakers: pwede namang wala pero oks na rin at least dalhin mo man kahit saan makakapanood ka na. plug a thumb drive then dagdagan mo lang ng maski na pc speakers aba eh, may mapapasaya ka nang mga kaibigan esp sa probinsya.
- Fan noise: parang same lang sa ax200 o baka less pa, baka nasa +/- 30 dB. Wala na rin palang cooling down kasi pag off mo sabay off na rin ang fan. Ewan ko lang kung walang negative effect yun. Kumbaga para lang syang tv. Dahil kaya ito ay LED? Hindi rin gaanong umiinit.
- Remote: low class. Parang yung mga tig 100 na generic sa bangketa.
- Buttons (unit): ang ingay pindutin
- Focusing: di nakakatuwa pihitin
For its price, solve na kami. Better kung controlled lighting. Sabi ng bunso ko, “papa, parang mas ok pa yan sa dati.” HA?! Sabi ko, baka nalimutan mo na yung dati. Hehehe..
http://www.dealsmachine.com/best_165232.html