patulong po sana ako sainyo. baguhan lang po kasi saka wala masyado alam sa mga audio connections.
hindi ko po mapalabas yung audio ng mga speakers (5.1). im using po H1055.
ito po yung ginawa ko:
1. kinabit ko lahat ng audio connectors sa DVD player
2. kinabit ko yung 3 colors (red, yellow, white) between DVD player and H1055
3. nilagay ko po sa Raw (audio setting ng h1055)
4. nilipat ko po sa Audio System yung TV.
naka-connect through HDMI yung H1055 to LCD TV.
Next base po pala yung DVD and Speakers na gamit ko.
thanks po in advance sa tulong nyo.