Boring na kasi Heavyweight, ang bagal kasi ng laban...
Nasa charisma talaga ng fighters yan. Pag hindi gusto ng tao ang personalities sa weight division, lalangawin.
Noong panahon ni Ali, heavyweight lang ang pinapanood ng tao. Pag nasanay ang mata mo sa heavyweight, wala nang kuwenta ang tingin mo sa lower weight divisions, parang mga batang maliit lang ang naglalaban.
Imagine those days, no home videos, no cable TV, no internet, no video games. Everyone knew who Ali was. Pag may laban ni si Ali, everybody sees it, kiddies and grannies included.
Ngayon, ni hindi nga alam ng mga tao kung sino ang heavyweight champion. Hindi interesado ang mga tao, matagal na kasing walang heavyweight na may dating.