sorry Jojo, nasa Davao ako. kaya ako nakakamura dito kasi sa warehouse ako diretso. ang bentahan nila sa warehouse "as is", hanggang power lang ang testing. pero since, may kausap ako sa loob na technicians, pag may gusto akong bilhin, pinatatago ko sa kanila tapos testing nila sa gabi. kinabukasan, kukunin ko kung okay sa "as-is" price of P800 to P900 for CDP (sa price list nila P350 to P600 lang pero hindi ganun pag nakita nilang maganda ang hawak mo). binibigyan ko ang technician ng P100 to P200 per unit depende kung maganda ang nakuha ko. yung isang contact ko, na-buking na kaya nilipat, pero may kapalit naman. sa retailers ng surplus dito, presyong Maynila din, ang CDP from P1.5K to P3.5K. pero konting abilidad, ang laki ng savings, plus free servicing pa dun sa technician na nag-test ng unit.