sir rustyns good pm, pareho po tayo ng mixer... tanong ko lang po... hindi po ba nagki-clip (umiilaw yung red na LED) yung mixer pag naka-todo yung effects? sa akin kasi nasa zero lang kasi pansin ko pag naka 2 oclock na settings eh nagki-clip na, takot ako baka masira...
thanks!
Cy
Hi,
Yan ang bago kong natutunan nung bumili ako ng mixer.
Ang purpose pala nung clipping indicator is-para almost never magclip yung mic input na ipinapasa nung mixer sa power amp. Pag properly set up yung mic, kahit magsisigaw yung singer, hindi pa din madidistort ang boses. Ganito ang usual na steps na ginagawa ko:
-timplahin ang effect at tone ng mic according to your taste (when in doubt, ilagay muna sa middle yung knobs then start making small changes)
-ilagay sa minimum ang mic level, music source at main volume
-yung mic trim, usually iniiwan ko lang sa center
-habang kumakanta or nagsasalita ng malakas sa mic, unti unti mo lakasan yung mic level hanggang sa umilaw yung clipping indicator. Tapos hinaan mo nang kaunti para hindi na iilaw yung indicator kahit malakas na ang boses mo.
-ipareho mo ng level yung music source sa mic level
-timplahan mo na yung music source at main volume depende sa tastes mo(at this point, di mo na dapat galawin yung individual mic level)
i also make sure na naka-on yung 80hz high pass button
Hope that helps,
Rusty