Ang daming issue hahaha
Will try to answer the best way I can. Although i have to admit in not in the best position(knowledge and vocabulary wise to do so) yun pinsan ko magaling at malwanag sumagot. Mahinahon pa. Pwede siguro ako sabihan na blund follower pero minsan masalita din ako at tinitimbang ko din kung ano mawawala sa akin kung susunod ako.
- sa pag aabuloy, hi di totoo yung may percent ng kita mo. Ni minsan wala magdidikta syo kung magkano dapat mo ibigay. Malaki or maliit it does not matter basta maluwag lang sa puso at kalooban mo. Minsan kami na nga magkakapatid (siblings) hindi namin compare nor ask magkano ihahandog namin kasi bawal mo ipagmalaki yon.
- pag babautismo, matagal na ako nabautismuhan 13yo lang ako pero tandang tanda ko pa. Napaka solemn ng act, medyo sad ako kasi parang minadali yung process(ang dami kasi namin at that time). Lubog sabay ahon na at bihis. Bawal ngumiti or magkwentuhan. Tama na patihaya ka ilulubog pero once lang at mabilis parang pisil ko pa ilong ko para wag pasukan ng tubig. HINDI TOTOO na lulunurin ka. Nor tatanungin ka kung nakita mo ang Diyos. Labag sa aral yon.
- pakikipag tipan sa taga ibang relihiyon(pag gf/bf) yes bawal yon, lalo na ang pag aasawa. Bawal pre marital sex din . Dati ang biro namin ok lang mag gf ng hindi INC kasi bunga na namin yon pag nagkatuluyan (foul yon) ngayon pag may nag ulat syo na nakikirelasyon ka sa hindi INC, kakausapin ka at pag papayuhan(hindi tiwalag agad) napaka maunawain ng pamamahala sa mga nagkakamali, papayuhan at papaliwanagan ka talaga para iwan mo yun masamang gawa. Matitiwalag ka lang pag talagang hi di ka nagbago and may nag uulat pa din syo.(nagsusunbong)
- ni minsan hindi nanlait at bawal manlait ng ibang tao lalo na with regards to belief. Nagiging point of conparison lang talaga yun practice ng katoliko kasi yon ang nakagisnang religion ng nakakarami and most ng inaakay namin eh katoliko. Again bawal manlait pero I have to admit may pailan ilan na sadya yatang iba tabas ng dila. Masakit magsalita at minsan may kayabangan. Pero it does not mean na ganoon lahat. Pasensya na kung may
Mga narinig kayo ganyan magsalita, hindi ko alam bakit may ganoon.
- sa pagboto naman, nag ugat ito sa pagkakaisa. Bilang INC dapat mag kaisa kami sa lahat ng gagawin namin.hence pag boboto dapat parepareho kami. Ang nagdedesisyon ang tagapamahala, sya nasa tamang lugar at kapasidad paa magdedisyon kasi bukod sa alam nya yun plataporma(presented to them
By the politician themselves) eh ipinagpapanata din nila yon. For the last number of elections halos yung nakalalamang naman ang dinadala namin. Bihirang bihira kami bumoto ng hindi sure winner. Alam nyo na siguro kung bakit. Ngayon may pailan ilan na hindi sumusunod, sya na magdadala noon at sya lang din nakaka alam
Ng dahilan kung bakit ayaw nya sumunod. Sabi nga nila ikaw lang at ang Ama makakaalam ng ibinoto mo.
- also just found out na bago ikasal ang parehong INC member eh may pregnancy test. Pag buntis lagot kayo pareho. Meaning pms yon which is bawal di ba.
- bawal makipaghiwalay sa asawa, divorce at legal separation. Pero kung kung talagang hindi pwedrng iwasan meaning hindi na talaga kayo mag kasundo eh papayagan kayo pero bawal ka naman makipag relasyon/makisama at lalo na magpakasal sa iba hanggang buhay pa dati mong asawa.
Sana kahit papaano eh nasagot ko yung ibang haka haka nyo. Again hindi lahat ng tao
Pare parehong kumilos at magsalita. Minsan may exagerated minsan naman walang kalatoy latoy.
Swerte lang ako na sa pamilya ko(kami ng mga anak ko) ay pareho ng pananaw sa nangyayari ngayon. Idadaan na lang namin sa matinding panalangin ang lahat. Yan kasi ang turo sa amin na lubos na magtiwala sa Ama at wag susuko. Manalangin lang na mataimtim.