Author Topic: Stark3's audio DIY  (Read 16518 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #30 on: May 11, 2012 at 02:09 PM »
Sa wakas, may update. :D

Natapos ko na din sa wakas yung internal bracing para sa isang speaker. Mga unang attempt ko, based sa published specs nung driver sa Madisound (para malaman yung depth), or sa mga marka na gawa ko based on line of sight. Parehong may mga mali, indi maganda ang fit.

Buti na lang, may dumating ako na mga tools na inorder ko dati pa. Kasama dun sa tools na dumating, dial caliper na fractional ang display.


Parang ganyan. (Naiwan ko memory card ng camera sa bahay, bukas or mamayang gabi na lang ang pics)

Since meron na akong accurate na pang measure, para sigurado (at indi na magsayang ng kahoy), ginawan ko na sya ng model sa Sketchup.


From there, madali na lang sya gawin. Pinaka matagal na ata yung pag butas ng mga bilog bilog, mga forstner bit kasi ang gamit ko pang butas ng bilog. Sa susunod siguro, gamitin ko yung circle routing jig, baka mas mabilis.
« Last Edit: May 11, 2012 at 02:10 PM by Stark3 »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #31 on: May 11, 2012 at 02:26 PM »
Anyway, since natapos na yung bracing ng isang speaker, internal lining na lang yung kulang, pwede na isarado ang enclosure for finishing. Pero .... na tempt ako, sinubukan ko sya na naka clamp lang na muna yung side saka top panel. Ang isip ko na lang sa sarili ko, kailangan ko malaman ang tunog nya ng walang lining para malaman kung paano ko timplahin yung dami ng lining na ilalagay ko.... Yeah right.  ;D

Kung malaki na ang ngiti ko nung una kong narinig yung drivers during break in, mas malaki ang ngiti ko ngayon. Kahit isa lang sa driver yung nasa enclosure at yung isa e nsa carton pa din, ang laki na ng improvement. Dun ko napansin na may pagkanipis pala yung tunog kung wala sa enclosure. Maganda, pero manipis. Ibang usapan na nung nasa loob na ng enclosure yung isa. :D

Actually, medyo nagugulat ako sa bass na nakukuha ko, considering na 4" lang yung driver at saka isa pa lang ang nasa enclosure. Wala na sa akin kaya indi ko ma direct AB comparison, pero sa pagka alaala ko either kaparehas nya or mas tight pa sa bass yung mga bulinggit kesa sa ProAc clones na nagpasimula sa akin ng audio addiction ko. Sa lagay din na yun, meron din akong napapansin na air leak kasi naka clamp lang naman ang pagka sarado. Excited na tuloy talaga ako na matapos na yung kabila.

Will post more pics later tonight.

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #32 on: May 13, 2012 at 02:12 AM »
Indi na pala ako nakapag post kagabi, nagkayayaan na manood ng Avengers ang barkada e. 2nd time na pinanood, pero panalo pa rin ang comedy scenes ni Hulk. :D

Anyway, madami naman na updates. Post ko na muna yung ilang pictures nung kahapon:



Ito yung dumating na tools na inorder ko mga ilang linggo na rin nakalipas. Panalo yung Freud na Ultimate plywood and melamine blade. Medyo indi na flat kasi yung blade na kasama ng table saw ko, kaya halata  yung difference nung yung Freud na yung gamit. Ang tahimik na mag cut ngayon, dati e kailangan talagang naka ear protection ako kung mag cut ako ng wood. Ngayon, kahit indi, ok lang. Combination siguro nang talim ng blade, pagka flat nya, saka anti vibration design.



Yung fractional na dial caliper. 1/64" kada linya dun sa dial. Ok na ka combo sa incra na fence; Kayang i match ng fence yung precision nung caliper, kaya madali na lang na gumawa ng cuts na sakto.


Picture ng loob ng enclosure na naka kabit na yung bracing. Sakto lang talaga yung brace sa pagkalapat nya sa enclosure, pati na din sa pwet nung speaker driver.




Picture nung isang speaker na naka clamp lang na muna. Wala pang lining sa loob nung una ko sinubukan, kaya medyo maririnig mo pa yung mga internal reflections ng sound sa loob. Indi pa rin sya ganun ka sealed, halata na may ibang lugar na pinaglalabasan ng hangin kaya bawas sa bass. Pero kahit ganun, ang ganda pa rin ng tunog. :D
« Last Edit: May 13, 2012 at 02:14 AM by Stark3 »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #33 on: May 13, 2012 at 02:45 AM »
Ok, so yun yung pics nung kahapon. Ngayong araw naman ...

Una sa lahat : tapos na yung speakers, finishing na lang (sa wakas!) :D

Ang dami ko rin oras na naubos kanina sa paglagay ng rockwool sa loob ng speakers. Ilang beses rin kasi ako pabalik balik sa workshop saka sa kwarto ko para i-timpla yung kapal ng ilalagay ko na lining. Actually, kaya rin napatagal kasi ang tagal ko din i-audition yung speakers kada timpla. 1 or 2 songs lang dapat kada attempt ang ginawa ko e, pero natuwa ako pakinggan pa, umaabot tuloy ng 1 hour listening time kada attempt.

Side note lang pala : ang hassle gumamit ng rockwool na internal lining ng speakers. Ang kalat nya kung yung kapal na kailangan mo e indi sakto dun sa kapal ng rockwool na board na meron ka. Ang kati pa pati sa balat. Kung indi lang mas effective ang rockwool kesa polyester batting or fibreglass insulation, yun na ang ginamit ko. Sa sunod, bili ako ng hiwalay na rockwool board para sa speakers, para indi yung para sa gagawin ko na acoustic panel ako kukuha ng pang lining.

Indi ako agad naka kuha ng pics ng loob ng enclosure na may kasamang lining, nung naisara ko na sya na  kuhanan.




Roughly 3/8" na layer ng rockwool sa lahat ng panel sa loob. Meron lang mga 15mm na space na clear dun sa may bukanan ng internal vent.


Now playing, Alpair 6s in micro Onken enclosure (uMarKen). :D
Ngayong tapos na lahat yung speakers pwera sa finishing, wala na talaga ako masabi sa tunog nya. To hear is to believe. :D Indi mo maiisip na ganun klaseng tunog e manggagaling sa ganun kaliit na speaker. Halata ko yung mga indi ganun ka ganda ang pagka record na track. Syempre, halata din kung oks ang pagka record. :D

Dun ko lang napansin na dun sa track na Rewind (by Paulo Nutini, These Streets na album), yung parang gitara sa simula, sa kaliwa mo madidinig. Yung boses naman nya, solid na nasa gitna ang dating. Tapos habang tumutuloy yung kanta, unti unting dumadagdag yung mga instruments, sa kanan naman nanggagaling. Nakapikit ako nung buong track, hanggang sa dulo ang ganda ng separation ng instruments, parang pwede kong ituro kung saan sa harap ko yung pwesto ng mga tumutugtog. :D

Dun naman sa Can't Take My Eyes Off of You (Best Audiophile Voices 2), parang nasa harap ko lang talaga yung kumakanta. Hanggang sa paghinga nung singer, dinig na dinig mo.

Ngayon lang ako nakarinig ng speakers na nakakatalo sa imaging ng headphones. For reference, ang gamit ko, yung KRK KNS8400. Studio type headphones, very neutral, maganda ang reviews sa head-fi. Plan ko ngayon na bumili pa ng full range drivers (baka yung mas mura naman kesa sa Alpair 6, yung Fostex FF85wk), alam ko na kung ano ang ipang regalo ko sa relatives ko na mahilig sa sounds. ^^


Headphone product pic
« Last Edit: May 13, 2012 at 02:57 AM by Stark3 »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #34 on: May 13, 2012 at 03:08 AM »
Sobra ako napatagal sa listening session ko nung natapos na yung speakers, inabot na rin ako ng umaga. Pero kailangan at least ma simulan na yung finishing.


Speakers after first layer of primer.

Masyado na late para i airbrush yung paglagay ng primer, madami na ma istorbo, kaya handbrushed lang na muna ang layer na ito. Yung blue na nakadikit, painter's tape, ayaw ko kasi magulo pa yung ginawa kong pag paint na sa loob nung internal vent.



Ang plan ko dito, bukas pagtuyo, wet sand with 220 grit, tapos lagyan ng thin coating putty. Tapos, i-sand uli yun, isa pang layer ng primer. Kung may mga marka pa, isa pang layer ng putty, otherwise tuloy ako sa paglagay ng mga 2-3 coats pa ng primer. Pagkatapos nun, black na basecoat, 6 coats, may rest time dapat kada 3 coats para mag cure yung paint. Kada 3 coats din, wet sand ng 320 grit. Pagkatapos nun, hi gloss clear laquer. Subukan ko maka 9 coats, 320 grit sanding uli kada 3 coats. Pagkatuyo nung last coat overnight, wet sanding ng 1000 grit hanggang 2000, tapos i-rub ng finishing compound with 0000 steel wool. Hopefully, piano black finish ang kinalabasan. :D

Offline timber715

  • Trade Count: (+29)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,998
  • join us at www.cab1net.com
  • Liked:
  • Likes Given: 16
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #35 on: May 13, 2012 at 06:20 AM »
nice work, looking forward to your finishing... where do you get your 0000 scrub pads? and anong spraygun outfit mo brader?

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #36 on: May 13, 2012 at 01:27 PM »
nice work, looking forward to your finishing... where do you get your 0000 scrub pads? and anong spraygun outfit mo brader?

Yung 0000 steel wool, nakuha ko sa ebay, kasama ng shellac flakes at saka mga alcohol based na pigment / stain. May pinaghandaan kasi ako dati na DIY project na ngayon ko lang din matutuloy. Kung interested ka sir, ito yung ebay store nya : http://stores.ebay.ph/Endless-Green?_trksid=p4340.l2563. Marami silang benta na products na pwede pang finishing.

Yung spraygun ko ... nakalimutan ko na tatak, pero binili ko sa Tools From Us kasabay ng air compressor ko.   Gravity fed design, not sure kung HVLP or indi. 1 HP lang yung compressor, medyo parang bitin pala.

Offline timber715

  • Trade Count: (+29)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,998
  • join us at www.cab1net.com
  • Liked:
  • Likes Given: 16
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #37 on: May 13, 2012 at 07:38 PM »
Yung 0000 steel wool, nakuha ko sa ebay, kasama ng shellac flakes at saka mga alcohol based na pigment / stain. May pinaghandaan kasi ako dati na DIY project na ngayon ko lang din matutuloy. Kung interested ka sir, ito yung ebay store nya : http://stores.ebay.ph/Endless-Green?_trksid=p4340.l2563. Marami silang benta na products na pwede pang finishing.

Yung spraygun ko ... nakalimutan ko na tatak, pero binili ko sa Tools From Us kasabay ng air compressor ko.   Gravity fed design, not sure kung HVLP or indi. 1 HP lang yung compressor, medyo parang bitin pala.
thanks for the info, I do get my stuff mostly from amazon and other ww stores, was kinda hoping it was locally available.
with your compressor, you might want to check these out... http://www.spraygunworld.com/products/Asturo/WB%20Kit/IndexWBII.html

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #38 on: May 14, 2012 at 02:23 AM »
thanks for the info, I do get my stuff mostly from amazon and other ww stores, was kinda hoping it was locally available.
with your compressor, you might want to check these out... http://www.spraygunworld.com/products/Asturo/WB%20Kit/IndexWBII.html

Thanks for the link. :D Right now, wala pa na muna sya sa mga priority ko (ang daming pwede pagka gastusan T_T ), but will definitely revisit in case tumaas ang requirement ko for airbrush finishing.

Anyway, progress report: Tapos na yung pag putty, additional primer coats na lang bago mag base coat. Natagalan ako sa putty, first time ko kasi gumamit ng thin coating putty, indi ko agad na realize na indi normal na sobrang lapot nya (kahapon din ng 4am nung una ko nilagay, kaya sabog na din. Hahaha). End result : ang KAPAL ng unang layer ng putty na nailagay ko, indi pa even. Natuyo na pala yung putty kaya ganun, so nilagyan ko na lang ng lacquer thinner uli.

Nadaan naman sa pag sand uli using 80 grit. Pagkatapos, check kung may visible pa na butas galing sa brad nail, or grain pattern, etc. Lagay uli ng putty (thin coat na talaga this time), then sand. Nang matakpan na lahat, sand to 120 grit, then 180.

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #39 on: May 14, 2012 at 11:13 AM »
Medyo optimistic pa pala ako kanina na tapos na ang puttying work dun sa speaker enclosures. Nung i-wipe ko ng mineral spirits to prepare for the next primer layer, may mga problema pa akong nakita. So, mamayang gabi na pagkauwi ko ang unang primer, patuyo na muna uli ng putty.

Yung speakers nga pala na gawa ko ngayon, pina commission sa akin ng ka office ko. Kasama sa pina commission nya, amplifier na pwede nya gamitin pang power nung speakers. Simple lang naman ang gusto nya (ayaw nya mag class A, hehe), so ang pinili ko is yung Hifimediy T2 Special Edition. Class D amp na maganda ang reviews sa DIYAudio, uses STA510a output chip instead of the more normal STA505.



Sayang, nung sinilip ko yung website, default na pala ngayon sa mga bagong unit nya ang Mundorf MCAP na input coupling cap. Ang nakuha ko, ang gamit pa is yung Epcos B32774 na 3.3uF. Pwede naman siguro mapalitan later kung na-tripan ng ka office ko na ipa-mod yung unit. Default na power capacitor na nya yung Nichicon Gold Tune 10000uF.

Anyway, since indi pa pwede ma prime yung speaker enclosure, plan ko na muna yung enclosure para sa amp. Back to Google sketchup.



10mm plywood lang ang gamit ko para sa enclosure. Indi rin naman recommended daw na i-connect to chassis ground yung RCA inputs, so ok lang na all wood yung enclosure. Naka cut na yung wood, for assembly na lang later tonight pagka uwi.

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #40 on: May 21, 2012 at 02:38 AM »
Hmm ... tagal ko din pala nawala. >_< Busy din sa office, last day of work nung thursday sa dating job ko, so may mga habol pa for turnover. Friday ... sama sa company outing (kahit indi na technically empleyado. LOL).

Anyway, progress report : tapos na sa color coat pareho yung amp enclosure at saka yung speaker enclosure, ready for clear lacquer finish na. Ang balak ko sana was matapos na yung 1 or 2 coats ng clear finish kagabi, yun lang, sa taas ng humidity nagkaroon ng "blush" yung lacquer finish. Tumaas din kasi siguro ang humidity dahil umulan kaya ganun. Will finish the clear coating tomorrow morning. After matapos ng finishing ng amp enclosure, ikabit ko na yung components ng amp. :)

Offline ninjababez®

  • Trade Count: (+77)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 9,373
  • I know what poverty is.
  • Liked:
  • Likes Given: 1040
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #41 on: May 21, 2012 at 02:57 AM »
nice project bro.
btw is that a 3" full range driver?
ninjababez online ..

Offline shoktongxxx

  • Trade Count: (+43)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 3,543
  • Liked:
  • Likes Given: 80
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #42 on: May 21, 2012 at 03:55 AM »
Quote

nice headphone sir, please reserve. ::) ::)
joke lang po. :)

inspiring naman tong mga ganitong thread..sana matutunan ko rin yan, bookmark ko na ito..
looking forward to this project of yours sir.  8)
« Last Edit: May 21, 2012 at 03:56 AM by shoktongxxx »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #43 on: May 22, 2012 at 09:11 AM »
May mga pics pa pala ako from previous updates na indi na i upload, ihabol ko lang muna ngayon :)





Ito yung itsura nya after putty work and several primer coats.


Ito naman after application ng ilang base coat. Medyo rough ang surface nya from overspray, pero ok na ang kulay. :)




After several layers ng clear coat and final sanding with 1000 and 2000 grit pads (indi ko na natuloy yung 0000 wool + polishing paste), ito na itsura nya. Gloss nga ang dating, reflective yung surface. Indi halata sa malayuan na tingin, pero may mga imperfection sa clear coat layer. Maalikabok ata nung nag spray ako ng clear coat (outdoors ako kung mag spray), kaya pagdating sa sanding may "pits" yung coat.

Anyway, yung huling dalawang pic na yun, kinuha nung turn over ko na dun sa ka office ko yung speakers. Kahit indi perfect ang labas, masaya naman sya sa kinalabasan. LALO na nung pinatugtog ko na sya.  ;D  ;D  ;D Sobrang above expectations daw yung naririnig nya na tunog. Nahalata rin nya agad yung ability ng driver + enclosure combo na ito na mag "disappear" : parang indi nanggagaling sa speakers yung tunog, parang magic na lang na meron boses sa harap mo. Natatawa nga ako kasi nung demo, nasa gitna ng speakers yung laptop ko na music source. Akala ng ibang mga tao na dun sa laptop speakers nanggagaling yung tunog.   :D

Isa lang ang problema ko ngayon : after marinig nang iba kong ka opisina yung speakers na to, nagpapagawa na din sa akin ng para sa sarili nila. Mukhang yung extra driver pair na meron ako for personal ko e dun muna mapunta.

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #44 on: May 22, 2012 at 09:16 AM »
nice project bro.
btw is that a 3" full range driver?


Thanks . :D

Actually, 3.5" sya. Isa sa mga gusto kong subukan na sunod na project, gamitin yung 3" na Fostex FF85WK. Around 60% lang ng price nung Markaudio na drivers, pero maganda rin daw ang tunog (pero mas kulang sa bass)

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #45 on: May 22, 2012 at 09:54 AM »
May kulang pa nga pala ako nung turnover ko sa ka office ko yung speakers: kasama kasi sa usapan namin na ibuo ko din sya ng amp na kasama nun. Nagka problem ako sa finishing nung amp enclosure, parang gusto kong ulitin from scratch para mas pulido ang dating. Ang ginawa ko na muna nung turnover, bumili na muna ako ng Dayton DTA-100 T-Amp kina sir Vic sa Sights N Sounds. Yun na muna ang iiwan ko sa ka office ko habang tinatapos ko yung amp enclosure.

Kasama nga din pala sa napagusapan namin nun yung speaker cables na gagamitin nya. Preference daw nya yung indi ganun ka kapal na cable para malamig lang sa mata tignan yung buong setup. So, ito ang ginagawa ko :







Nag source ako ng 99.99% pure copper foil, nag prepare ako ng 4 na 5 foot pieces. For connectors, nag source ako ng Rhodium plated Tellurium copper na banana plugs.



I "plantsa" ko pa yung mga foil para flat na flat sila, bago ko ibalot sa tape. Ang plan ko din is mag provide ng cloth sleeve na itim para maganda talaga tignan, yun lang indi ko ata kaya i extend ang DIY powers ko sa pag tahi. :P

Offline Fernan19

  • Trade Count: (+16)
  • Collector
  • **
  • Posts: 123
  • Dreams Never End
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #46 on: Jun 04, 2012 at 01:02 AM »
Nice work bro
Marantz PM6006
Marantz CD6006
B&W 685 S2
Technics SL1200
Pioneer SA 7800ii

Offline Nelson de Leon

  • Trade Count: (+141)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 10,084
  • Let us lead by example
  • Liked:
  • Likes Given: 291
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #47 on: Jun 04, 2012 at 03:13 PM »
Baka pwede din ang metal varnish for the copper foils. Yun ginagamit na varnish sa transformers.

Offline ryan750

  • Trade Count: (+3)
  • Collector
  • **
  • Posts: 350
  • Dai-1chi!
  • Liked:
  • Likes Given: 1
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #48 on: Jun 11, 2012 at 07:48 PM »
sir pa dinig! hehehe

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #49 on: Jun 13, 2012 at 07:52 PM »
Naku, ang tagal ko na palang indi na update yung thread ko na ito ... Maraming adjustment din kailangan sa bagong trabaho, and since medyo mas management role sya marami kailangan maasikaso. Thankfully, work from home naman yung bagong work, so once na makapag settle down ako dun, pwede ko mas ma-tuloy tuloy ang thread na to. :D

Update ko lang with some additional progress na indi ko pa na post.





Gumagawa ako dito ng enclosure para dun sa amplifier part nung project. Simple lang, made from wood, tho sa tingin ko ililipat ko sa isang aluminum enclosure para mas maganda. Gamit ko dito yung medyo bagong dating ko na box clamps. HIGHLY RECOMMENDED! Sobrang pinadali yung paggawa nung enclosure, nagsisi nga ako na kung bakit 2 lang yung binili ko. Maganda sana na 8 na agad, 2 per corner, para isang glue up tapos na agad yung enclosure. ( Nag order na ako uli, ganun sya ka ok :D )





Indi ko na nakunan ng picture yung intermediary steps para sa amp ... Ito na yung pinaka current na iteration nya. Tinanggal ko yung Epcos nya na input caps, pinalitan ko ng Russian military PETP capacitors. Actually, nung una, ang pinalit ko sa kanya was Russian K75-10 na paper / lavsan in oil capacitors, with FT-3 (Teflon) na bypass. Naging mas "airy" ang tunog compared sa original, nawala yung talas sa highs, naging mas malambing sa voice. Yun lang, indi ko gusto yung tunog nya sa cymbals saka sa ibang mga track. Recommended din naman ng iba yung PETP na capacitors. Nung sya pinalit ko, na retain yung pagkawala ng talas ng highs, nabawasan ung pagka lambing ng boses (pero better than yung nauna). Mas gusto ko ang tunog nya overall.

Nilagyan ko rin ng maliit na PETP film bypass yung main power reservoir cap nya. 0.1uF value, pang bypass sa 10000uF na power cap. Wasn't expecting a big change, pero sinubukan ko pa rin since highly recommended sya sa ibang threads online. Result : a LOT more bass, without being boomy.

I think wala na akong ibang tweaks na gawin sa amp na ito and i-finalize ko yung enclosure within this weekend. Paliitin ko yung enclosure, tapos i-sakto yung mga wires para wala masyado slack. Plus, heat-shrink tubing for strain relief and protection. Still debating kung mag order ba ako (at maghintay dumating) ng AC line rated na capacitor to filter yung mains power bago sya dumating sa switching PSU.
« Last Edit: Jun 13, 2012 at 07:56 PM by Stark3 »

Offline geriboy

  • Trade Count: (+69)
  • DVD Addict
  • ***
  • Posts: 864
  • Liked:
  • Likes Given: 13
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #50 on: Jun 13, 2012 at 09:12 PM »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #51 on: Jun 14, 2012 at 03:06 AM »
Had a bit of a scare earlier.

Part of my work schedule falls under the night shift ( work shift ko pa ngayon actually. :P ), at naisip ko sa sarili ko, why not setup the speakers and amp to have good music while I work? Plugged everything in near my work area, loaded the usual tracks, and settled down to listen to good music.

Or so I thought. Pero first few notes pa lang, parang may iba na. Walang decay mga guitar notes. As in, parang after the first second or so ng tunog ng gitara, parang naglalaho na lang bigla. Very unnatural. Bass output seemed off too. After the first few minutes of hoping na case lang ito ng warm up blues, tinanggal ko sa pagka plug yung amplifier. Ikakabit ko muna sana sa Parasound amp ko yung speakers, then for some reason, naisip ko na ilipat yung pagkasaksak ng amplifier. Nung una kasi, sa extension cord sya nakakabit, yung tipong sobrang haba na naka roll. Nilipat ko sya sa output ng isolation transformer ko, tapos power on.

Voila! Everything was back to what I last remembered. For some reason, nung nakalagay sya sa extension cord instead of directly plugged in sa power outlet or dun sa isolation transformer ko, iba yung naging tunog. Baka dahil ang nipis lang nung cord na gamit nung extension, pero ang haba? Anyway, lesson learned : may effect kung san nakasaksak ang audio gear sa resulting sound. Nakakabaliw naman ang hobby na ito. Hahaha

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #52 on: Jun 14, 2012 at 03:09 AM »
sir pa dinig! hehehe

x2! :D

:D Katuwa naman interest nyo mga sirs. Anyway, nasa sa akin pa yung amp at speaker combo ng friend ko. Since pareho na kaming resigned sa dating office namin at may pagka busy pa daw sya, baka sa isang linggo ko pa maiabot sa kanya yung setup. So I guess possible na mag sked ng listening session. ^^

Offline timber715

  • Trade Count: (+29)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,998
  • join us at www.cab1net.com
  • Liked:
  • Likes Given: 16
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #53 on: Jun 15, 2012 at 10:09 PM »
Nakaka-addict talaga ang woodpeckers/incra.... They do make nice accessories and precision tools.
Ako, although I'm interested in hearing the sound your new gears produce, Iam. More interested to see your shop and other tools... ;D

Offline geriboy

  • Trade Count: (+69)
  • DVD Addict
  • ***
  • Posts: 864
  • Liked:
  • Likes Given: 13
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #54 on: Jun 16, 2012 at 09:56 AM »
:D Katuwa naman interest nyo mga sirs. Anyway, nasa sa akin pa yung amp at speaker combo ng friend ko. Since pareho na kaming resigned sa dating office namin at may pagka busy pa daw sya, baka sa isang linggo ko pa maiabot sa kanya yung setup. So I guess possible na mag sked ng listening session. ^^

kelan po kaya? :D

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #55 on: Jun 16, 2012 at 11:42 PM »
Hmm ... pasensya na sir timber. Medyo mas mahirap i arrange yung mapakita yung area ko kesa ipa-audition yung speakers, may pagka sensitive ang aunt ko sa kung sino ang pinapapasok sa compound namin.

@Sir Geriboy San po ba kayo nakatira sir? I'm thinking since mas mahirap na kayo ang dalhin sa speakers, ung speakers na lang ang dalhin ko sa inyo. :P Very curious din ako na marinig sya with other audio setups, pati na rin marinig ang impression ng ibang tao sa kanya. :D

Offline timber715

  • Trade Count: (+29)
  • PinoyDVD Legend
  • *****
  • Posts: 2,998
  • join us at www.cab1net.com
  • Liked:
  • Likes Given: 16
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #56 on: Jun 16, 2012 at 11:47 PM »
Hmm ... pasensya na sir timber. Medyo mas mahirap i arrange yung mapakita yung area ko kesa ipa-audition yung speakers, may pagka sensitive ang aunt ko sa kung sino ang pinapapasok sa compound namin.

no worries brader... ;D

Offline geriboy

  • Trade Count: (+69)
  • DVD Addict
  • ***
  • Posts: 864
  • Liked:
  • Likes Given: 13
Stark3's DIY fullrange bookshelf speakers - my personal impressions :)
« Reply #57 on: Jun 24, 2012 at 10:14 AM »
...



...

i was able to audition sir dan's (stark3) bookshelf speakers, and was also able to compare it with my current setup. gusto ko i-share yung experience ko :)

source: PC laptop, playing various FLAC files. using foobar as media player
DAC: buffaloII DAC from twisted pear, DIY c/o sir jojo.
USB-SPDIF interface: m2tech hiface
pre-amp: JojoD's BabyT, with stock 5670 tubes
power amp: JojoD's BabyG & sir stark3's DIY T-amp
speakers: sir stark3's DIY 4" FR bookshelf speakers & AAudio's Daniel bookshelf speakers

my general impressions:
- maganda tumunog yung FR bookshelf speakers, maganda yung details na lumalabas sa sound output. i'm impressed sa FR nya, lalo na it is about 1/2 the size/volume of my daniel speakers, and yet malakas yung tunog nya. i remember the pre-amp volume pot was set at around 10-11 o-clock max, yet malakas at malinaw yung output nya. i was kinda worried yesterday na baka may magsabi na malakas kami magpatugtug kahapon, buti na lang wala :D
- i prefer the FR bookshelf speakers to be powered by the BabyG more than the T-amp. using the T-amp, masyadong matinis yung highs and kulang sa separation yung tunog ng FR speakers. mas buo yung bass and yung overall sound niya if paired with the BabyG-BabyT combo.
- compared with the daniel speakers, may kulang sa bass/low frequency yung FR speakers. although in some of the tracks that we played, I think mas lamang ng konti yung FR speakers sa ilang high frequencies. there were some details na narinig ko with the FR compared with the daniel. i think the daniel sounds warmer compared to the FR speakers.
- using the sound sig of the Grado headphones (based on my previous auditions of these headphones) as a comparison
1. FR speakers + T-amp = grado sr60(i)
2. FR speakers + BabyG/BabyT = grado sr325is
3. Daniel + BabyG/BabyT = probably a mspro or rs1

maganda talaga yung FR speakers ni sir stark3. i would choose it over other available computer speakers if gagamitin ko siya as my desktop speakers. it would also be a great speaker setup for those having limited space for their audio setup (tulad sa akin, maliit lang yung lugar na tinutuluyan ko). the speakers will really shine if properly paired with a good amplifier. very limited lang ang mga na-try ko na mga audio stuff, but I honestly think that it would be properly driven by the BabyG (malamang kaya na ito kahit integrated amp, if walang budget for a separate power amp+pre-amp combo).

YMMV! :)

congrats sir Dan! and thank you very much for the opportunity to audition your setup. hope to get the chance to listen to your future works (speakers, ?amp, etc).

happy weekend!
« Last Edit: Jun 24, 2012 at 10:17 AM by geriboy »

Offline Stark3

  • Trade Count: (+6)
  • Collector
  • **
  • Posts: 216
  • Liked:
  • Likes Given: 0
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #58 on: Jun 24, 2012 at 11:44 AM »
Thank you for the kind words sir Gerry. Sayang lang pala at indi tayo nag experiment ng speaker placement nung nag audition tayo. One of the things that the 3.5" FR does VERY well (actually, what any full range speaker's advantage is over a multi way; mas ok lang ang 3.5er na narinig nyo dahil na rin sa enclosure design) is soundstaging; the illusion that the singer is right there in front of you performing, with instruments coming distinctly from well defined locations. A full ranger doesn't have to deal with phase / impedance changes in the crossover region since it doesn't have any crossovers, and having just a single driver ensures smooth power transfer.

When we were trying it out in your place, naghahanap hanap ako ng pwesto ko kung san ko pwede marinig yung effect na yun, pero indi ko masyado nakuha. When I tried again at home, it was there. I think that the placement of the speakers very near the wall caused early reflections that minimized the effect. Next time, (if ever :P), I'll try and bring along some absorbers we can place at the rear of the speaker to reduce that problem.

I think you hit the nail right in the head when you described the BS speaker's sound : very clear, almost analytical, unexpected dynamic range and output for its size. As with almost any audio setup, kailangan ng ok na matching: since ganun na nga ang sound character ng speakers, nung tinapat sya sa T-amp na na-tune ko with capacitors that favored clarity over warmth, naging sobrang analytical nung tunog. Sir Jojo's amp I think was a better match.

Anyway, thanks for your feedback sir. :) I think I'll pursue a different direction in tweaking the T-amp, make it provide the warmth that's needed for the setup, maybe add a RIFA PEH200 capacitor to increase / stabilize the bass output.

Sa uulitin!

Offline geriboy

  • Trade Count: (+69)
  • DVD Addict
  • ***
  • Posts: 864
  • Liked:
  • Likes Given: 13
Re: Stark3's audio DIY
« Reply #59 on: Jun 24, 2012 at 12:07 PM »
I think tama kayo re: speaker placement and making your "environment" (whether your apartment, office, audio lair) optimal for listening purposes. I would assume na magbabago yung listening experience sa place ko if I make some changes sa place (absorbers, thick carpets, propably some thick curtains, placing the speakers farther away from each other - these are all based sa pakikipag-usap ko with one of our members here at pdvd, roundface ata yung id nya, he's a staff at Audiophile sa eton cyberpod).

tama rin kayo re: the FR speakers being analytical. but it was too analytical if it was paired with the T-amp; another description would be "manipis yung tunog nya" for the FR-Tamp combo.  I may be biased, though, given the fact that I'm a newbie when it comes to audio listening at konti pa lang ang napakikinggan ko na audio setup. but listening to your speakers was a welcome change for me. dahil dito, gusto ko na tuloy mag-audition ng iba pang mga audio setup :D

speaker placement is also important, too. If I were to use your FR BS speakers at my apartment, I would place them on high bookshelf speaker stands, or maybe even some good wall mounts. sana pala na-try natin na mas mababa yung height ng BS speakers mo :D

good luck with tweaking your T-amp, too :)