Two years ago, I bought a Coby LCD pero yung 19-inch lang. Yung unang unit, di ko na maalala kung ano yung problem pero pinapalitan ko. Yung pinalit napansin ko na mabagal mag switch ng channel, around 2-3 seconds bago lumabas yung display. Pati yung pag switch ng input mabagal din. I found it annoying kaya dinala ko ulit sa Electronics Boutique sa Shangrila. Ayun nung nag test ng ibang unit pareho din, mabagal mag switch ng channel. We tested three units before I gave up. Sabi ko sa salesman, yung unang unit na nakuha ko mabilis mag switch pero pinapalitan ko kasi may ibang problem. Sabi ng salesman, napansin din nya na mabagal mag switch ng channel yung mga bagong dating na units kaya di na ako nangulit.
Ayun buhay pa naman yung unit hanggang ngayon. Ang pangit lang dito hindi intuitive yung remote. For example, kung mag iinput ka ng 2-digit channel, kelangan mo muna i-press yung "-/--/---" button. Naalala ko yung mga lumang TV na meron "10+" button sa remote control. Nakakainis kasi di na lang ni-default sa 3-digit kasi narereset sa 1-digit pag turn off ng TV. Isa pa, yung input selection. Usually yung OK button sa gitna ng arrows ang pang select. Pero dito sa Coby, yung right button ang ENTER nya. So, up/down then right instead of the usual up/down then OK (middle button). Nakakaloka! Kelangan mo pang magbasa ng manual para malaman kung pano mag switch ng input.
Well, hopefully, hindi ganito ang experience sa bigger units nila like this 55-inch LED.