Mga sir! Ask ko lang, nakita ko kase sa SM Hypermarket yung MyView 50" Smart LED TV. Di ko sure kung anong model eh kung yung SX150 or PX150. Basta yung tig 30k .. Labeled sya sa Full HD, nagandahan ako dahil maganda yung bigayan ng kulay nya, nung nag black yung screen dahil magpapalit na ng video, nagulat ako dahil sya lang yung nagiibang black sa lahat ng TV naka-display dun. As in dead black yung kanya, hindi yung grayish or bluish black. As in black na black sya. 3D animated kase yung naka-play kaya di ko rin masabi na accurate nga ba talaga yung colors, but still dun sa nakita ko, tamang tama lang talaga yung pag display nya ng kulay, hindi masyadong matingkad. Halos parang plasma ang dating. Gusto ko na rin sana sya ilagay sa choices ko sa pagbili ng TV pero dun sa nakita ko sa site nila, yung SX150 is labeled sa Full HD pero sa specs nakalagay 1366x768. Pahabol ko lang din dun sa nakita ko sa SM Hypermarket. Clear and crisp naman yung display at sinubukan kong tumutok ng mga 3 feet, i didn't recognize pixels. Meron siguro slight but not sure, i am not the videophile lol. Pero ang pinaka na-elibs talaga ako is yung performance, smooth yung display pero hindi interpolated. Kumbaga meron syang pinaka slight na motion blur, basta kung para saken. Bang for the buck yung MyView na sinasabi ko. Di ko lang sure kung durable ang TV. Kung guaranteed na magtatagal yung TV ng 10 years. Pwedeng pwede na talaga. Di naman din ako magdamagan sa TV. 8hrs lang naman pinaka-sagad kong gamit, hindi pa araw araw. Durability na lang siguro paguusapan.