Atty may tanong po ako. Baka pwede mo ako tulungan. Base kasi sa mga narinig ko mula nung ako po ay bata pa, ang Diyos ay hindi kumikiling sa dami ng bilang ng kaanib ng kanyang bayan.
Sa madaling salita, ayon sa aking unawa, ang tanong mo ay --- Ang pamantayan ba para masabing sa Diyos ang isang samahan ay paramihan lang ng bilang ng miyembro?
Mas magaspang ang pagkakasabi, pero mas malinaw, di ba?
Ang simpleng sagot ay hindi. Hindi paramihan ng miyembro ang labanan diyan.
===================================
Eto yung mga naaalala kong sitwasyon sa Bibliya, please correct me if im wrong in some of these examples:
1. Noah at kanyang pamilya, at tig iisang pares ng mga hayop. Sila lang ang natira, at ang buong sanlibutan ay napawi ng dahil sa baha
2. Panahon ni Moses at Abraham
3. Panahon ng Israel, ang Bayan ng Diyos.
4. Panahon ni Cristo at ng mga Apostol.
Dito po sa mga nabanggit ko, hindi po sila ang majority na matatawag, pero sila ang itinaguyod ng Diyos.
Tama. Pero hindi ako nasisiyan sa iyong batayan na sa tingin ko ay manipis pa. Bibigyan kita ng matibay na sitas.
Sa Old Testament, ang tipan ay sa pagitan ng Diyos at ng mga Israelitas.
Tama na pagkatapos ng baha, nag-umpisa ang lahi kay Noe at kanyang pamilya, tuloy kay Shem na anak ni Noe, na naging apo si Abraham. Si Abraham ang binigyan ng pangako, naging anak si Isaac, na naging anak si Jacob, na binigyan ng panibagong pangalan na "Israel," na nagkaroon ng 12 anak, na naging ninuno ng 12 tribo ng bayang Israel.
Totoong mas kaunti ang bilang ng Israelitas kung ihahambing sa bilang ng mga bayan na nasa paligid nila. Nguni't sapat na batayan na ba na mas kaunti sila para sabihing hindi kumikiling ang Diyos sa bilang?
Hindi sapat iyon. Kailangan natin ng mas matibay na batayan.
Kung ikaw ay kaanib ng INC, alam mo na may disiplina ang pag-aaral ng bibliya, na hindi maaari na haka-haka lang ang batayan.
At ang sitas na ito ang mas matibay na batayan ---
7 The Lord did not set his love upon you, nor choose you, because ye were more in number than any people; for ye were the fewest of all people: (Deut. 7:7) ==================================
At ano po ang nangyari sa mga tao noon na hindi kasama sa mga grupo na nabanggit ko sa itaas? Paano kung naging mabait naman sila, naging malinis ang kanilang mga hangarin, pero hindi sila nakasama sa Bayang Israel nung una?
Mag pag-asa pa rin sila sa kaligasan.
Natalakay ko na ang temang iyan sa thread na ito. Sa tingin ko ay masisiyahan ka na sa aking ginamit na batayan:
Tama yun sir.
Saan mo nakuha yon sir? Bihira kong marinig yan sa iba, e. Ang madalas kong marinig, "kami lang ang maliligtas..."
Para eksakto, eto ang sitas:
12 All who sin apart from the law will also perish apart from the law, and all who sin under the law will be judged by the law. 13 For it is not those who hear the law who are righteous in God’s sight, but it is those who obey the law who will be declared righteous. 14 (Indeed, when Gentiles, who do not have the law, do by nature things required by the law, they are a law for themselves, even though they do not have the law. 15 They show that the requirements of the law are written on their hearts, their consciences also bearing witness, and their thoughts sometimes accusing them and at other times even defending them.) (Rom. 2:12-15)
Pag hindi mo pa alam ang aral ng Kristiyano at hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi mo nalaman ang aral, you "do not have the law."
If you do not have the law, how will you be judged?
Not by the law that you don't have, because that would be unfair. You will be judged by the law written in your heart, meaning by what your conscience dictates.
Therefore, if you have the law, you will be held to a higher standard. Pag alam mo na ang aral, pero paulit-ulit kang lumalabag, yari ka.
Mabuti pang hindi mo na natutunan ang aral Kristiyano (through no fault of your own), kasi ibang standard sana ang naging para sa iyo, para fair.
Yan yung sinasabi sa sitas na ito:
20 If they have escaped the corruption of the world by knowing our Lord and Savior Jesus Christ and are again entangled in it and are overcome, they are worse off at the end than they were at the beginning. 21 It would have been better for them not to have known the way of righteousness, than to have known it and then to turn their backs on the sacred command that was passed on to them. 22 Of them the proverbs are true: “A dog returns to its vomit,” and, “A sow that is washed returns to her wallowing in the mud.” (2 Peter 2:20-22)
==================================
Meron po ba nakasaad sa Bibliya na may itataguyod pa na Huling Bayan ang Diyos sa mga panahon ngayon?
Wala nang huling bayan.
Ganito ang plano ng Diyos ukol sa kaligtasan ng tao:
Ang Diyos ay nagkaroon ng tipan sa Israel. Pero dahil lumabag ang israel sa kasunduan, tinapos ng Diyos ang tipan, kaya't ito ay tinawag na Lumang Tipan. Kaya rin naman nagkaroon ng Bagong Tipan -- ngayon sa pagitan ng Diyos at ng mga Kristiyano.
Kung ang lumang tipan ay batay sa lahing Israel, sa bagong tipan ay wala nang batayang lahi. Kahit sino, maaari nang maligtas. Hindi na kailangan na ikaw ay kalahi ng sinumang ninuno.
16 For I am not ashamed of the gospel, because it is the power of God that brings salvation to everyone who believes: first to the Jew, then to the Gentile. (Rom. 1:16) First to the Jew, then to the Gentile. Samakatuwid baga --- Sa Hudyo muna (Lumang Tipan); pagkatapos ay sa Hentil, na ang ibig sabihin ay hindi Hudyo (Bagong Tipan).
Wala nang bagong bayan pa ng Diyos. Sa panahon ng Bagong Tipan, lahat ay may pag-asa sa kaligtasan, pantay-pantay, walang pagtatangi.
34 Then Peter began to speak: “I now realize how true it is that God does not show favoritism 35 but accepts from every nation the one who fears him and does what is right. (Acts 10:34-35)