Mga sir nag palit ako ng tv from 3d smart lg tv to samsung uhd tv. Sorry for my ignorance hehe. Ang hirap mag setup sa samsung yata. Yung mcs333 hindi ko mapagana ng husto sa samsung tv. I mean hindi ako makanood ng bluray. Nilipat lipat ko na hdmi slots ayaw talaga. No source naka lagay sa tv. Ang nag function lang ps4. Yung sound niya sa ps4 naging 2.1 na lang. Ano ba dapat ko gawin mga sir para 5.1 pcm pa din ng sound ng ps4, at maka watch pa din ng bluray movies? Salamat mga sir. Hilong hilo na ko hehe hindi ko ma figure out hehe.
Sa dating tv ko 5.1 linear pcm siya, tsaka i-input ko lang sa mcs33 hdmi 1 pag bluray, hdmi 2 pag ps4. Sa samsung tv ayaw ng bluray, ps4 lang nadetect ng tv. Sorry mga sir sa questions, wala din kasi ako makita na kasagutan sa net. Thank you mga sir.