konti nalang sir
Ahhhh. Kasalanan ko patawad. Kasi hindi ko alam kung anu ang lubos na kahulugan ng 'text speach'. Mali ako sa puntong hindi ako nagtetext speach. Patawad uli. Katawa tawa tuloy at madali mo agad naituro at naiquote ang mali ko. Akala ko iyon ung mga 'IRRC, LOL, IMAo, etc. etc.', yung mga ganyan. Pero ngayon alam ko na. Salamat. Pero eto lang masasabi ko. IDC. I don't care. Wala akong choice, kasi nangungupahan lang ako ng computer time. Kailangan kong magtype ng mabilis. Sorry I did not mention this earlier because I din't feel it would add to the context of what I am saying.
Kung nakaka-BOBO, e nasa iyo na iyon. Pagkakatanda ko kasi walang pagtitik na nakaka-BOBO e. Kasi nakakaintindi pa naman ako ng mga post dito na hindi text speach. At sa side mo naman din naiintindihan mo naman din ako? O di naman kaya awtomatiko bang nagtatype yung kamay mo ng text speach habang binabasa yung post ko? Paanu ba nakaka-BOBO? Nalilito ako. Sino ba yung na-BOBOBO? Nakaka-bobo, I concede, sa side ko siguro? nahihirapan na ako magtype ng diretso? pero in all intents and purposes, ako naman yung nagtetxt speach diba? So kawalan ko kung na-BOBO ako. So anung pake mo? It will count on nothing. Parang kumakain tayo tapos pagusapan natin yung dumi ng kabayo. Text speach per se, is a form of shorthanding. Accept it. It's reality dude. People are not robots. They will do what is convinient in there own perspective. It might compose .1% percent something of my intellect and wont deserve a discussion aimed at HOW A SPEAKER SOUNDS. REMEMBER: HOW SPEAKER SOUNDS IS MY QUESTION and be it text speach or not will not make any difference!
By the end of the day, Kailangan pa ba itong pagdiskusyonan? Hayst. Dyosko po kompulsaryo ba ang magtitik ng maayos ang sangkaterbang kalipunan ng mga taong di sigurado ang identidad at nagtatago sa pangalan na joe548, batik23, chicken_eater_dad77 at jjhon2212? Kalokohan. Kung ako sayo wag ka magreply kung ayaw mo magreply, hindi mo ako kailangang pangaralan. Hindi kita binigyan ng karapatan, at ganun din naman ako sa iyo. Hindi ko dinidikta kung anu ang dapat mong gawin sa buhay mo. Kaya pakiusap lang. Walang naitutulong sa punto ng topic na ipinost ko eh. Kung sa hinugot ay magdulot ito ng pagdami ng isda sa manila bay at pagkabaog ng mga tupa sa Alps. Baka makinig ako sayo. Sa kasamaang palad ilang taon lang akong mabubuhay sa mundong ito. Pagtuunan ko nalang ng pansin yung hilig ko sa tunog at mga bagay na magpapalago sa buhay ko, keysa paghirapan kung ideretso yung isang bagay na marami namang nakakaintindi (text speach). Kaya ikick man ako sa mga kadahilanang gramatiko ng moderator dito wala akong pake. Too much to do, to little time, then waste it on text speach? Ireport niyo na lang ako para matapos na to. Please. . . Magbabasa nalang ako ng mga forum dito. Mas ok pa yun kesa magkaroon ng pseudo parent. :-)