"Sa ngayon, sa Philippine Box Office,
ang #MAIDinMALACAÑANG po ay ang pangatlong (3rd) Pinakapatok na Pelikulang Pilipino; pangwalo (8th)naman kung kasama ang mga Foreign Films—at patuloy pa rin po tayong showing,umaasang baka may itataas pa.
ngunit ang tunay na ikinagagalak ng aking puso,
kasama ng aking team ay ang record na nagawa nito para sa aking father studio-
Maraming Salamat po sa lahat ng nakapanood at patuloy na tumatangkilik sa aming munting pelikula; SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY NG KARANGALAN SA MAID IN MALACAÑANG BILANG PINAKAPATOK NA PELIKULA NG VIVA Films SA ATING KASAYSAYAN.
ipinagmamalaki po naming ang lahat ng ito ay ating nakamit sa panahon ng pandemya; bitbit ang karangalang wala nang mas prestihiyoso sa suporta at pagtangkilik ng sambayanang Pilipino."
- Darryl Yap, 7 Sept 2022