Sir Jojo,
Sinubukan ko yung suggestion mo na separate transformers for cdp and amp. Didn't work.
Sinubukan ko naman yung suggestion mo na i-test yung transformer. Sinukat ko yung voltage dun sa 100v, ang reading 108. Dun sa 110v na socket, 117. Nagtaka ako so sinukat ko yung voltage galing sa mains, 235v!
Inisip ko, may problema nga kung masyadong mataas ang pumapasok na voltage. Pero ito ba ang cause nung thump? Nag-isip ulit ako (dangerous?), di ba merong tolerance sa voltage variations ang mga equipment?(nabasa ko yon sa kabilang thread) Kung sobra ang voltage, ibig sabihin malapit na siya sa upper limit nung tolerance niya. So, baka ito yung dahilan kung bakit sensitive na masyado yung amp sa maliit na fluctuation ng voltage. So I tried to put theory into practice.
wall outlet->surge protector->avr ng computer->transformer->amp->cdp
pero moderate lang ang volume para di masunog yung avr ng computer ko
Ok na! Wala nang effect kahit yung aircon! Also, di ko alam kung imagination ko lang dahil puyat ako, parang mas mababa at malinaw yung bass nung speakers ko and mas clear pero less bright yung treble.
I think pwede ko nang bilhin yung yaden avr (next sweldo) without fear na hindi masosolve ang problema ko.
Sir Jojo, maraming salamat ulit for bearing with me. RU9 thanks din for replying. Atsaka hello nga pala sa lahat ng members