Ang haba agad ng sinulid na to! hehe, very active.
Salamat po sa pagtanggap nga masters Onkyo606, JoeyGS, Cjtjader at Nizmo (Father Jim). I could only imagine what we missed. Kapa pinilit parin namin kahit pumapara ko sa tabi ng Nlex para bumaba si Jojo na may dalang basahan para magpunas ng windshield.
Sabi nga ni Jojo, post ko lang mga queries ko dito at maraming magshe share ng kanilang knowledge. Kung meron man consequential benefit yun late arrival namin ay nakaiwas daw ako sa kulam, at marami akong natutunan kay jojo habang nagiintay sa talyer.
I agree with you sir Cjtjader, ibang level ang precedent ni Father Jim sa audio. Its a tough act to follow.
At di ko na kelangan ng search warrant or writ of amparo pagbalik ko sa kubo ni Father Jim, meron na siyang writ of kalikasan! Likas na mabait, matulungin at mapagbaubaya Salamat po Father Jim sa inyong generous offer para lubos na maunawaan at ma enjoy ang ating kinahuhumalingan.
Sa susunod po mag aabsent ako sa trabaho para makasama sa kubo.
More power sa inyong lahat at muli, salamat po.
naku sir wala din po akong alam sa mga audio audio na yan, nakikinig lang ako, patanong tanong ng konti hanggang dumugo ang ilong hehehehe, ibang mundo kase ako eh, HT ang sa akin pero syempre madaming kaalaman din ang aking napupulot sa mga talastasan pag mag kaka sama
kunwari si cal, alam mo bang dating parlorista yan? napakahusay mafg kulot ng buhoy nyan nung araw, minsang naka day off sa parlor, nakakita ng kable, pinag tripang i braid, nagandahan tapos naisipang gamitin sa speaker at sa amplifier, ayun nag simula na yung Cal's famous interconnects at speaker cable. Kung ano ano design na ang nagawa nya, at sa isang ginawa nya, nilabas nya yung pag kahumaling nya sa kulay na pink, iginawa ako ng center speaker cable na kulay pink
si jojo... ahhhhh yannnn madaming accomplishments yan, magaling yang mag butingting nung araw pa, nag sunog ng kilay sa mga electronics awa ng Diyos eh gumaling naman sa kung ano anong bagay, nga pala kung di pa nya naikwento sa yo, dati yang kubrador ng huweteng kaya tingnan mo ang usapan dito puro numbers, KT 88, MV 52,6DJ8,12AU7 at kung ano ano pa, mahilig din yan sa trumpo nung araw, pag bato nya sa lupa nung trumpo, tuwang tuwa sya guhit nung pako sa lupa, kaya ayun nainspire sya sa trumpo, nag imbento ng ibang klaseng trumpo, gumuguhit sa PCB at dyan na ipinanganak yung CNC na laruan nya,
minsan nag sideline din yan nag rerepair ng linya ng tubig, mag tubo ng gripo na nabubutas, sa madaling salita tubero, ang problema nasarap ng kain lumaki, minsan may gagawin sa ilalim ng lababo di nagkasya kaya ayun naghanap ng ibang tubo na pwede nyang gawin na di kailangang sumuot sa ilalim, ayan gumaling na din sa tubo ng amplifier.
yung iba, sa mag susunod na araw ko na lang ikwento para may aababngan ka