1st of all, inamin ng secretary nagkamali ng schedule as I recall. Humingi kami ng pasensya for 1 day of mistake.
Anong schedule ito? Anong 1 day of mistake?
2nd yung plasma na nasunog niyo due to power 42pv7 PINALITAN NAMIN NG 42PV70 W/OUT CHARGE KAHIT FAULT NIYO.
Nasunog namin? Sigurado ka sa sinasabi mo? Hindi ba't tuner ang sira nung plasma? Pinuntahan pa ng mga tauhan mo dito iyan diba? Ni hindi na nagamit ng sibling ko iyan, plus, baka nakalimutan mo na kung ilang line conditioner na ang kinuha namin sa iyo. Saan naman namin gagamitin ang mga iyan, sa mga alarm clock?
Kasalanan ba namin kung wala kayong stock ng 42PV7? Baka nakalimutan mo ng kayo ang nag-alok niyan dahil for the nth time hindi niyo nanaman nasunod yung commitment niyo.
3rd nasunog din yung Projector due to walang regulator or line conditioner, PINALITAN DIN w/o Question.
Kami ulit ang nakasunog? Anong tingin mo samin? At sa totoo lang, common sense, bakit niyo papalitan kung kami ang may kasalanan? Hindi ba't ang naging problema nung projector eh nagkaroon ng red hue sa bottom part of the screen na lumaki katagalan? Kung hindi niyo naayos, anong obvious na next course of action? Hindi ba't replacement kasi under warranty pa naman?
Yung repair its not our fault, we sent the unit to the service center. My secretary is on leave nanganak hindi nya nabilin kay Belen about your projector. Nakausap ng wife ko father mo and apologized for the hassle and promise to deliver your projector asap. So she advice our driver to pick up your unit at panasonic service center and deliver to you right away. I have inform panasonic service about this and they promise to call you tom.
Malinaw naman ang tanong ko. Bakit hindi niyo man lang tinest yung item? Alam niyo naman yung problema diba? Kaya kayo nagmamadali kasi hindi niyo nanaman nasunod yung commitment niyo. Kasalanan pa ba namin iyan? Katulad ng nabanggit ko, kayo ang nagbigay samin ng schedule. Mabuti sana kung diniktahan namin kayo na ganitong oras o araw niyo ideliver.
We treat you as a valuable and respected customer like anyone else. People make mistake...pantay pantay lang trato ko sa inyo, kahit anak ng Presidente o congressman pareperahas lang trato ko, wala akong pinipili. Naka tsinelas ka o naka Bally iisalang tingin ko sa inyo kaibigan. huwag mo naman sabihin pinabayaan ka, alam mo naman kung ano ginawa naman para sa inyo sa dami ng pinalusot ko para sa inyo, puro pagkakamali lang ang nakikita mo. We still respect you, especially your mom and dad.
Anong pinalusot? Paki linaw naman.
Paanong hindi makikita ang mga pagkakamali, eh tignan mo naman ginawa niyo samin. Anong nangyari dun sa theater seats? Mukhang hindi mo nasagot. Tama bang
lumagare sa delivery?
Kung ang intensyon namin ay siraan kayo, last year pa namin ipinost ang mga ito. Isipin mo, pati father ko napuno niyo na. Ang buong akala kasi namin eh magbabago kayo, kaso mukhang hindi.
Jeff, get your facts straight muna next time. Mahirap kasi yung puro na kayo problema, babaliktarin niyo pa kami. Parang ang hirap paniwalaan nung nanunog kami ng appliances; dalawa pa. Bakit yung dalawa pang plasma na kinuha namin sa iyo eh buhay pa? Nasa iisang bahay lahat iyan, FYI, at sabay sabay binili. Kung hindi kami umasa ng maayos na business relationship with your store, hindi kami maglalabas ng ganyang kalaking pera, at nitong mga nakaraang buwan eh hindi kami bibili ng iba pang items. Ganyan ba ang bitter o may galit? Bibili ulit? Kaso sumobra na kayo.
Katulad ng nabanggit ko, mahirap magpakatao kapag inaabuso ka.