hmmmm....
i remember nung nakumpleto mo HT mo, sabi mo sa akin - "di ko na kailangan separate audio, i can play my music with the harmans anyway."
tapos bumili ng X10D, sabi ko "bakit", sabi mo - "gusto ko ma-experience yung tubes pero ok na ako", sabi ko "ok".
tapos bumili ng Cayin tube CDP, sabi ko "kala ko wala kang SARS", sabi mo - "iba pala talaga tunog ng dedicated CDP and with Mullard tubes at that! pero ok na ako", sabi ko "ok".
tapos bumili ng B&W 602s3, kasabay ng Xindak speaker cables, at nagpagawa ng speaker stands, sabi ko "oh ano siguro iiihwalay mo na yang audio mo!", sabi mo "matagal pa siguro yan, ok pa ako". sabi ko "ok".
tapos bumili ng Cayin tube amp! at! nagpaDIY na din ng separate audio rack! sabi mo sa akin - "
" . sabi ko "sabi ko na nga ba ihihiwalay mo din eh at hindi ka talaga ok at mapapakali!"
hay naku pareko! ewan ko lang pero ganyang ganyan yung mga kinain kong salita! ganyan din yung storya at linya ko - "ok pa ako", "ok na to", "last na to!", "eto talaga last na!", napakahirap talagang pigilan ang ninanasa ng dibdib, tenga at mata! talagang pagsubok ang pagtingin sa forums. oras oras na sulyap sa mga threads ay natatanging mga temptasyon at paglalaway sa mga kaaya-ayang litrato ng hapgreyds...subukan mong balikan yung araw kung kailan mo sinabi na di mo gagawin ihiwalay yang audio mo at ngayong nakumpleto mo na ihiwalay siya, magugulat ka sa sarili mo kung papano mo siya nagawa. sa bilis ng pangyayari...
pare, pareho na tayong "the boy who cried wolf"
sirang sira na ang kredibilidad natin pag nadinig yang istetment na yan!
ang pinaka pampalubag loob ay ang pag enjoy...yan ang madalas ko talagang malimutan... habang ginagawa mo lahat yan brader...alalahanin mong balikan ang pag dinig at pagnood ng masugid...mag enjoy kasama ang pamilya! yan ang pinaka importante at sa palagay ko, pinakamasayang mangyari sa napaka haba't punong puno ng pagsubok na lakbay na ito!
kailan kaya tayo titigil? hmmmm.... ang tamang tanong ay "nag-eenjoy ba tayo?"