Pete Lacaba on SISTER STELLA L:
"Sa orihinal na istorya ang pangalan ng bida ay Corazon de Jesus o Sister Cora, at isang titulong natatandaan kong iminungkahi ko ay Pasyong Mahal ni Sister Cora. Hindi ito pumasa kay Manay Ichu (Marichu Vera-Perez, producer). Earlier she had rejected SANGANDAAN, the title approved by the Censors. Masyado daw maarte.
Pati pangalan ni Vilma Santos ay iminungkahi na rin niyang baguhin. Kabilang sa mga pinagpilian naming pangalan ang Aurora, Agnes, Rosario, Esperanza, Flora, Socorro, Guia, Caridad at Estrella.
Mula sa Estrella ay lumundag kami sa Stella. Hindi ko alam kung sikat na si Stella Strada sa panahong ito bandang Agosto 1982, pero mas malamang na pumasok sa isip namin ang ilang madre ng Stella Maris na aming nainterbyu.
Nagkasundo kami sa pangalang Sister Stella. Pwede na rin itong pamagat, para maging title role. Pero may kulang pa rin, sabi ni Manay. Kailangan ng titulong pag-uusapan. Iyong may konting misteryo.
Parang Adelle H.? tanong ni Peping (Almojuella co-writer). Parang Umberto D., sabi ng isa pa. O Lady L. L! sabi ni Manay. Stella L.!"