About dun sa mga girls claiming na na-harrass sila ni Vhong few years ago, I understand kung bakit ngayon lang. It's not easy for someone na lumabas at sabihin na na-harras sila specially sa culture ng bansa natin. sila lang ang lalabas na may kasalanan (most of the time). like bakit sexy ang suot, bakit late na nasa ganitong lugar pa, bakit pumunta sa lugar na delikado, bakit sumama sa taong ganito, bakit nagimbita ng taong ganito, bakit hindi pumalag, bakit di agad nagsumbong.
mailagay ka sa isang situation na nakakahiya, di madaling sabihin sa iba yun. sample, ako mismo, naholdap ako nung 1st year college na may kasamang threat sa buhay ko at sinaktan pa ko physically, never ko sinabi sa mga magulang ko yun or kahit kanino man. its only after 17 years nung mangyari yun, tsaka ko lang naikwento sa parents ko. di ko kayang harapin nung mga time na yun yung kahihiyan, at pagtatanong sakin kung anong nangyari which is like relieving the experience again. yung trauma na naidulot nun which made me to bring a knife with me everytime lalabas ako just to make me feel a little more safe.
Lalo na siguro to sa mga biktima ng pangaabuso at sexual harrasment. I was actually amazed sa mga lumalabas para aminin yun, some of them might not be telling the truth...but what if sinasabi naman talaga nila yung totoo? maaaring ngayon lang sila nagkalakas ng loob dahil may mga iba nang lumabas para sabihin ang ginawa sa kanila.
Halata naman na set up talaga ginawa nila Cedric and dapat sila managot sa batas, pero dapat din managot sa batas yung taong nangharass sa mga nagrereklamo (kung totoo man).