Noli de Castro gets flak for comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde weddingHindi nagustuhan ng ilang netizens ang tila wala sa lugar na komento ni Noli de Castro sa closing spiels nila sa TV Patrol kagabi, July 28, 2023.
Ang huling balita kasi ay ang tungkol sa kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde at matapos ang balita ay oras na para sa closing banter ng hosts na sina Noli, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz.
Hirit ni Noli, “Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo.”
Dagdag pa ni Noli ukol sa bagyong Egay na kakatapos lamang manalasa sa bansa, “Si Egay na kalalabas lang ay may papalit na naman na si Falcon.
“At ang possibility na maaring ang dinaanan ni Egay ay daanan din ni Falcon, at mabigat yang pasanin para sa ating mga kababayan na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon.
“Andun pa rin sa lugar kung saan napinsala sila ng bagyo at binabaha.”
https://www.pep.ph/news/local/174843/noli-de-castro-maine-arjo-wedding-a718-20230729