Nasubaybayan `ko itong thread na to' mula umpisa hanggang pahina trenta'y siyete.
Noong una, may sirang TT gusto ipagawa, tumulong si Superman, hindi ko na alam kung ano at saan na nakarating ang kanilang pagkikita.
Nag post ng audio gears, sa madaling panahon nag post ulit ng HT, mula dito nagpaiba-iba na ang speakers.Mula sa simpleng FS/Center na Mission umabot sa Mission Impossible.... na para kay pareng Jake ay walang imposible.
Nagkaroon ng kataaakut-takut na hapgreyd, ngayon sa nababasa ko tumawatid na sa hypertriode na dati ay dito lang sa B/S section makikita si pareng jake. dating mini pancake lang ang gamit ngayon at pizza pie na. Meron akong pizza pie din pero naka-imprenta si Jichael Mackson, collectible yun! May pula,orange,dilaw at kung anu ano pa.
Ngayon ang tanong, Hibernation mode ba talaga o Re-boot mode? Tingin ko re-boot ito at pag nag start up na ulit....daig pa ang XP o Vista sa ganda at tindi.
Kaya payong kaibigan pareng Jake.........
ibili mo na ng LV bag si Misis!!!!
salamat ng marami sa iyong masugid na pagsubaybay sa thread na ito brader Don. napakalayo na nga pala ang narating. susubukan ko po sana talaga mag pizza pie na black, nuong una...ngunit nahimasmasan ako ng husto pagkatapos pagaaralan ang yugtong aking tatahakin kung sakali mang mag pizza pie. napakarami na po kasi ng mga naipon kong mini pancake...umabot na po sa mahigit apat na libo kaya't akoy napaiisip kung itutuloy ko pang mag pizza pie. nagpasya po akong iwanan ang yugtong yan.
kakamasid ng mga samu't saring kundisyon dito ng ating mga kapatid, ako po ay nabahiran ng sakit. kaya't ninais kong tuparin ang aking mission na akala ko po ay impossible.
mabuti na lang at may ospital dito sa forum natin. at gaya ng lahat na ospital, dito mo matatagpuan ang lahat ng lunas at sakit! merong tinatawag na SARS, meron ding MARS. merong simple lang, merong entry level ang sakit, meron din naka hibernate. sari saring kundisyon.
sa pharmacy mo naman makikita ang mga gamot. napakaraming gamot sa iba't ibang klaseng sakit. madalas itong tawagin ng mga pasyente na market place. muntik ng maghurumentado ang mga pasyente dito nang mawala ng panandalian ang pharmacy na yan! aba e mawalan ka ba naman ng gamot! nalintikan na!
ngayon po ay nakabili na ako ng mga gamot na mainam sa aking sakit, kaya't nagpasya muna akong magpahinga, magpakasaya at magpalakas ng konti...
kaya payong kaibigan din pareng Don...
si hatorni jess ang alukin mo ng bag na LV! sinasabi ko sa iyo siya ang nangangailangan niyan! balita ko ay ireregalo niya yan kay mam lux dahil nangako siya at gaya ng lahat ng pangako - ito ay hindi basta basta pwedeng bawiin!