share ko s'yo:
yesterday, pinareserve ko na ang oppo pero after a few minutes binura ko rin. inisip ko muna ang ibang gastusin sa bahay. ako lang ang nagtatrabaho para sa asawa at dalawang anak kasama na ang mga aso at isda
kahit may pera ka pa kailangan mo pa ring pag-isipang mabuti ang gagawin o pagkakagastahan. e di lalo na kung kagaya kong limitado ang panggastos. anyways, ang lahat ng iyan ay babagsak sa isang salita.
kaligayahanang taong nabuhuhay sa maliit na komunidad ay maaaring limitado ang kaalaman subalit kung s'ya ay masaya ay sapat na. sa kabilang banda, ang taong nakatira sa malaking komunidad ay sa malamang maraming kasalamuha kung kaya't malawak ang nalalaman.
maaaring noong una ang nais mo lang na makarinig ng magagandang musika o makapanood ng magagandang pelikula sa sariling tahanan. dahil likas sa tao ang pagtuklas ng mga bagong anik-anik, natutunan mong magsaliksik sa kung saan-saan hanggang sa mapadpad ka sa pinoydvd! nakakaaliw, nakakalibang, maraming natututunan at nakikilala. subalit lingid sa iyong kaalaman, lumilihis ka na ng landas kung saan sa halip na musika at pelikula ang atupagin ay nauwi na sa pagtuklas at pagbili ng mga kagamitan na.
masaya. magastos. ako rin ay "biktima"
![Wink ;)](https://www.pinoydvd.com/Smileys/default/wink.gif)
ang tanong:
ano ba ang mahalaga sa iyo?