Hi,
May nae-experience ako minsan pag ino-on ko yung TV ko. My unit is a Panny 32LX77.
Pag i-non ko sya, green yung LED nya for a few seconds, tapos walang display - blank lang yun screen. Tapos yung LED magiging red na nagbi-blink. Blank pa din yung screen. Ang ginawa ko, i-noff ko via main switch sa taas.
Pag pindot ko uli ng main switch, mag o-on yung TV at andun na sya sa channel na pinag iwanan ko. Hindi sya dumaan sa standby mode.
Twice na nangyari ito eh. Symptom po ba ito ng low voltage?
Nakasaksak yung TV ko sa 500w AVR. Pati yung PS3. Eh hindi naman naka-on yung PS3 ko nun...