Rene,
Ang hirap lang, Dual ULM na yung kay Kulapong, hindi tulad nung mga units natin nuon na ginawa panahon pa siguro ni Macapagal (e.g. my 1219 bought in mid '80s was Dual's TOTL changer during the mid-60s pa, kasabay ng Thorens 124)
Kulapong,
Kung green wire ang problema mo, dapat maayos ang sound ng left channel at no sound, or hum, ang right channel. Kasi yung green wire ay ground ng right channel. Pwede mong gawin siguro kung hindi maso-solda dahil naputol sa puno ng adaptor/cartridge holder (na fixed), talupan mo ng konti yung green wire na putol, tapos isaksak mo sa shaft ng adaptor. Kung properly installed na siya, i-play mo at kung maayos na ang sound (complete contact of the connectors), lagyan mo ng glue yung green wire shaft para fixed na rin sya. Sayang kasi kung hindi mo magagamit yan. Suspetsa ko, talagang ginawa ng Dual/Ortofon na integrated yan.