PinoyDVD: The Pinoy Digital Video & Devices Community

Home Theater => Audio => Speakers => Topic started by: zoom-zoom on Dec 14, 2011 at 10:45 PM

Title: About AV502 KonZert Amplifier Speakers
Post by: zoom-zoom on Dec 14, 2011 at 10:45 PM
Hello po. New member po ako :). Nakabili po ako ng AV502A na Konzert amplifier. Kinumpleto ko na yung mga speakers nya sa "A" at "B" channel, bale 4 speakers na tig-500watts ang nilagay ko. Nilagyan ko rin ng surround speaker na 100watts per channel. Medyo naguguluhan lang ako dun sa Center speaker, ano po bang function nun? bakit isang channel lang yung nasa amplifier?Kelangan pa po bang lagyan ito?
Isa pa po sadya bang merong parang humming sound(yung parang grounded sound) na mahina yung sa surround speaker kahit nasa zero level ang volume at naka-off ang surround?
Title: Re: About AV502 KonZert Amplifier Speakers
Post by: jerix on Dec 16, 2011 at 06:52 AM
Zoom -- dahil center lang yan isang channel lang talaga yan aT walang left and right center. Ang Center channel usually pang dialog yan, diyan lumalabas ang sound kung nag uusap ang character sa TV. Kung pang karaoke purpose mo gagamitin ang amp pwedeng do mo na lagyan ng speaker yan. kung walang signal na pumapasok sa surround mo such as kung stereo lang ang sound mo, meron kaunting humming siguro. Try mo na A+B channel ang gamitin mo para me signal na papasok sa surrounds mo. 
Title: Re: About AV502 KonZert Amplifier Speakers
Post by: zoom-zoom on Dec 16, 2011 at 11:36 PM
Thanks sir Jerix, now i know ;D

Pwede bang gamitan ng 2 speakers yung center(parallel connection)? Yung nabili ko kasi na dapat sana ay sa surround ay pang-center speaker pala. Kaya pag nilakasan ko ang volume basag ang tunog ng surround pero nung nilipat ko sa center okey naman ang tunog niya.

Yung amplifier ko ay may on/off function ng surround pero bakit kasama ding nawawala yung sound ng center kapag ini-off ko siya(yung surround)? Iisa lang ba ang connection ng speaker ng surround at center internally?