PinoyDVD: The Pinoy Digital Video & Devices Community

Home Theater => Displays => Flat Panels => Topic started by: Darkilong on Jul 28, 2012 at 12:39 PM

Title: Help naman guys sa set ng time
Post by: Darkilong on Jul 28, 2012 at 12:39 PM
Guys bat ganun nag set na ako ng time and date pero pag binunot ko na sa saksakan ung tv mga after 24 hours wala na ung date and time uli. Samsung ua42eh5300 ung model ng tv. Hinde naman sya na ka store demo and i even set the date dun sa setup. Any idea guys?
Title: Re: Help naman guys sa set ng time
Post by: 45caliber on Jul 28, 2012 at 01:22 PM
sakit na yata ng samsung yan na nawawala ang set ng oras kapag nahugot sa saksakan.. wala yatang back up pagdating sa time settings.. sa audio at video settings lang may back up ang memory..
Title: Re: Help naman guys sa set ng time
Post by: Darkilong on Jul 29, 2012 at 01:30 AM
so wala akong pedeng gawin? simple lang naman yung depekto hinde pa nila ginawan ng paraan. tsk tsk
Title: Re: Help naman guys sa set ng time
Post by: kinyo on Jul 30, 2012 at 09:25 AM
isa rin itong frustration ko sa samsung namin 40D6400 ... smart tv daw ito, pero hindi marunong mag-set ng time mag-isa ... kung tutuusin software update lang ang solusyon nito

 ???
Title: Re: Help naman guys sa set ng time
Post by: usbslave on Jul 30, 2012 at 11:54 AM
so wala akong pedeng gawin? simple lang naman yung depekto hinde pa nila ginawan ng paraan. tsk tsk

same with my LG 42LW5000. nawawala din ang time and date pag tinanggal ang plug so di ko na pinagtyagaang i set tuwing i on ko yung unit.