PinoyDVD: The Pinoy Digital Video & Devices Community

Entertainment => Film & TV Talk => Pinoy Entertainment => Topic started by: piperstorm on Aug 14, 2005 at 11:41 AM

Title: TV SOAP REVIVAL
Post by: piperstorm on Aug 14, 2005 at 11:41 AM
Kung hindi import, revival naman ang ginagawang mga soap ngayon.
Ginagawa daw ng DOS ngayon ang GULONG NG PALAD- kung saan nagsimula si Romnick Sarmienta (aka Peping). My gosh-- nasa prep pa yata ako nang ipalabas ito.
Hmmmm... baka naman pati Flor de Luna (kung saan nakilala at sumikat si Janice de Belen) e maisipan na rin nilang i-revive. Kung saka-sakali, sino kaya ang magiging Tita Jo, Wilma at Donya Aguida?  ;D
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: Mr. Big Boy on Aug 17, 2005 at 11:46 PM
Pag nag click yung "Gulong ng Palad" siyempre gagayahin na naman ng competition yung pag rerevive ng soap.  It happened na before sa case ng Marina, yung nag click itong Fantaserye na ito ginaya agad.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: piperstorm on Aug 20, 2005 at 03:34 PM
Oo nga-- grabe ang bandwagon effect dito sa Pilipinas. Parang noon- nang mauso ang lechong manok, bawat limang hakbang may nagtitinda ng lechong manok. Nang mauso ang shawarma, tabi-tabi din ang nagtinda ng shawarma.  :D

Actually nakaka-disappoint na nga ang mga palabas kasi wala na akong original na napapanood-- yung tipong bagong ideya naman sana ang ipakita at hindi galing sa mga dating ipinalabas na.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: Mr. Big Boy on Aug 21, 2005 at 10:23 PM
Idagdag mo na rin ang mga Pearl Shakes like Zagu, Orbitz and Frio Mixx, etc... yung na saturate yung market lahat sila bumagsak, well almost all.  Now it's the coffee house craze, everywhere you go may sumusulpot na coffee house.  Ganyan rin sa ibang business, the sad thing lang eh yung gumaya binabaliktad pa at sila pa ang may mukhang magsabi sila orig, for example yung latest Going Bulilit ginaya ng Bubble Gang Jr.   I heard pati yung Big Brother may local version daw ang GMA na ilalabas o kukuha rin ng franchise ng ibang foreign REALITY shows, as usual bandwagon overkill na naman ang mangyayari.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: piperstorm on Aug 25, 2005 at 08:27 AM
Sana i-revive nila si JULIAN TALISMAN (starring JC Bonnin), hehehe.  :D
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: Mr. Big Boy on Aug 26, 2005 at 08:31 PM
Oo nga, mukhang ok yun irevive.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: Ek-ek on Sep 02, 2005 at 08:51 AM
 ::) Sana maisip din ng mga producers na maiksi lang ang run ng mga episode ng "Gulong ng Palad" mga 6-8 months or even shorter
Fast phased kumbaga
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: bumblebee on Sep 02, 2005 at 08:58 AM
Iskul Bukol and TODAS rin sana.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: Ek-ek on Sep 02, 2005 at 09:11 AM
 ;D Batibot![/color]
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: butsoy on May 11, 2006 at 10:11 AM
Even "Bituing Walang Ningning" will be revived.. My Gosh... Wala na bang maisip na bago ang mga staff at head ng mga tv networks na ito..
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: aldrinpsx on May 11, 2006 at 10:15 AM
Mga batang yagit..eheheheheeheh


peace!!!
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: jekoy on May 11, 2006 at 12:47 PM
Even "Bituing Walang Ningning" will be revived.. My Gosh... Wala na bang maisip na bago ang mga staff at head ng mga tv networks na ito..

Butuin Walang Ningning is not a soap opera naman before. Magkakarun lang ng TV adaptation kumbaga.
Title: Re: TV SOAP REVIVAL
Post by: viper on May 18, 2006 at 10:00 PM
Butuin Walang Ningning is not a soap opera naman before. Magkakarun lang ng TV adaptation kumbaga.

Korek!