PinoyDVD: The Pinoy Digital Video & Devices Community

Home Theater => General => HT Picture Gallery => Topic started by: ledrahc on Jan 31, 2007 at 03:18 PM

Title: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Jan 31, 2007 at 03:18 PM
Mga Kagamitan
HT Room

TV : Panasonic TH42PV70 Viera
AVR: Harman Kardon AVR 335
DVD Player: Pioneer DV-600AV-S
Fronts: Wharfedale Diamond 9.5
Rear: Wharfedale Diamond 9DFS
Center: Wharfedale Diamond 9CM
Sub: Velodyne VX10 Series II
Game Console : Sony Playstation II
Turntable : Pioneer PLJ-2500
Audio Rack : Crescendus A
Plasma Rack : Gecko GKR-685BC

Mga Dating kagamitan, inilipat sa Silid Tulugan
TV : Samsung Slimfit CS-29Z40HE
DVD Player: Philips DVP5965k-98

wish list ko sa taong 2008
1. Velo CHT12-R

Pasko, pasko, pasko na namang muli!!! Bagong Mukha, bago mag-Bagong Taon
(http://img179.imageshack.us/img179/7341/htcurrent20071212eg0.jpg)

x
Bagong mukha kuha ngayong Nobyembre taong 2007
(http://img142.imageshack.us/img142/5825/htcurrent20071120vv0.jpg)

Nadagdag nung mga nagdaang buwan
Crescendus A A/V Rack
Sony Playstation II
Pioneer Turntable
(http://img518.imageshack.us/img518/5350/htavrackcrescendusaed7.jpg)

 :) ;) ANG KWENTO  ;) :)

Isang simpleng tao na ang hilig ay sa Computer. Mangalikot at mag-upgrade. Bagamat mahilig din makinig ng musika at manood ng pelikula, eh kuntento na sa mga nakagawiang kasangkapan tulad ng Sony, JVC, etc.
Isang araw, bigla na lang akong may nabasang anunsiyo sa madalas kong pinupuntahang website, na kung saan ang mga miyembro ay nagbebenta at naghahanap ng mga piyesa ng computer.
Isang nilalang ang nagbebenta ng kanyang mga napagsawaang speakers.

Dito nagsimula ang lahat.  :o
Sa kagustuhang malaman ang kaledad ng mga speaker na binebenta, ay nagawi ako sa website na ito... "pinoydvd".
Nagbasa, nagmasid, at natuto. Hindi nagtagal, binili ko din ang mga mga speaker na yaon.

Bose Acoustimass SE-5 Subwoofer
(http://img187.imageshack.us/img187/6638/bosesubia3.jpg)

Wharfedale Diamond 8.1
(http://img295.imageshack.us/img295/9018/wharfedale81dj0.jpg)

Kenwood CRS-156(R) Center and Rear Speaker
(http://img256.imageshack.us/img256/5404/kenwoodcenterandrearqs0.jpg)

 ;D Sa isang iglap, biglang nagbago ang aking mundo, mula computer, nalipat ako sa A/V. mula sa www.@@@@@PC.com, nababad ako sa pinoydvd... Parang may kung anong nagtutulak sakin na pasukin ko ang mundo ng HT...
 ::) Sa tuwing nagagawi sa mall, hindi maiwasang magawi sa mga tindahan ng audio at video equipment. Nagmamasid, nakikinig, nangangarap, na sana'y magkaroon din ako ng ng sarili kong setup.

Hanggang sa.... isa isa ko nang binuo ang aking mga (simpleng) kasangkapan..  :P

"Kung bibili ka ng kasangkapan, piliin mo na ang pinakamagandang gamit na kakayanin ng iyong pinakasagad na budget.".

Ito ang ginintuang aral na aking natutunan sa mga forum. Mga katagang naging gabay ko sa aking
paghahanap.

Una, ang Receiver..
Sa mga panahong iyon, ay wala pang silbi ang aking mga speaker, palamuti lamang sa aking munting silid. Kaya't nung ako'y magawi sa tindahan ni "RM" sa megamall. Sumubok at nagmasid, at mas lalong nanabik, ng sa kauna-unahang pagkakataon, ay nasubukang mag-audition, gamit ang aking napupusuang Harman Kardon AVR 335 na nakakabit sa milyong halagang speaker.
Nakakuha ng isang magandang diskwento, at umuwing may ngiti sa aking mga labi.

Harman Kardon AVR 335
(http://img456.imageshack.us/img456/8710/hk3351iue1.jpg)

Di kinalaunan, naawa ang aking asawa  ;), napansin na hindi bagay ang aking 14" na TV sa aming silid. Tumungo muli ng megamall, bumili ng TV, ang modelo na noon pa may inaasam asam na ng aking asawa dahil sa kakaibang tindig. Ang Slimfit TV ng Samsung.

Samsung CS-29Z40HE
(http://img384.imageshack.us/img384/8643/tv1smallqn4.jpg)

At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang malubhang sakit na kumakalat sa PinoyDVD ay tila nararamdaman ko na, mukhang dinadapuan na ako ng sakit na SARS...  :o
Sa aking ilang linggong pakikinig at panunuod, ay naramdaman kong parang may kulang, parang bitin. Muli'y nagbasa at naghanap sa forum ng pamalit sa aking speaker, na bukod sa naangkop sa pinakasagad kong budget, e tiyak na hindi ako magsisisi, at matatagalan bago ako atakihin ng nakakatakot na sakit na SARS.
Doon natagpuan ko ang aking hinahanap. Pati ang taong aking pagbibilhan ay doon ko din nakita.
Salamat kay SGT at binigyan nya ako ng diskwento sa aking bagong Wharfedale Diamond 9.5. Salamat din sa pagkusang loob nya na pagbigay sakin ng payment terms, para sabay ko na daw na makuha ang Wharfedale 9CM speaker para mas lubos daw akong masiyahan sa aking pamamahinga sa loob ng aking munting silid.

Wharfedale Diamond 9.5
(http://img258.imageshack.us/img258/4140/wharfedale95ph9.jpg)

Wharfedale Diamond 9cm
(http://img305.imageshack.us/img305/527/centernocoveryc4.jpg)

At sumapit na ang unang pasko (2006) kapiling ang mga bago kong pinagkakaabalahan. Hindi maiwasang sila'y kuhaan.

(http://img161.imageshack.us/img161/6679/htitc0.jpg)

Makalipas ang ilang buwang pag-iipon. Muli'y naghanap, target naman ay pamalit sa aking surround at pandagdag bayo na Subwoofer. Sa kagustuhang makuha ang pinakaaasam asam na Velodyne CHT series subwoofer, ay nagdesisyon akong ipagpaliban muna (sana) ang pagbili ng subwoofer. Akin muna itong pag-iipunan. Pagkat pakiwari ko'y kung bibili din naman ako ng pansamantalang subwoofer, e baka hindi din ako matuwa. Baka higit pang mas maganda ang bayo ng aking kasalukuyang speaker.
Ngunit saking pagantabay sa mga forum, e nabasa ko ang bagong labas na budget subwoofer ng Velodyne. Bagamat hindi interesado, e hindi ko naiwasang itanong ang presyo nito sa aking suking tindahan.. Ang Home Theater, kasabay ng aking pagbili ng Wharfedale 9DFS.

Wharfedale Diamond 9DFS
(http://img107.imageshack.us/img107/4134/9dfsyo6.jpg)

Nang aking pickupin na ang aking rear speaker, ay muli kong nakausap si SGT, at naitanong ang bagong labas na Velodyne speaker. At doon napagtanto ko na sa munting halaga, e makakakuha ako ng subwoofer na halos kasing ganda ng pinapapangarap kong Velo CHT subwoofer.
At nangyari ang hindi inaasahan (hehe). Muli, ako'y nabigyan ng pagkakataon na maiuwi agad (salamat kay SGT) ang bagung bagong VElodyne VX10 series II subwoofer, na syang kukumpleto (sana) sa aking "Munting Silid Pahingahan".

Velodyne VX10 Series II
(http://img300.imageshack.us/img300/9608/subrearfx3.jpg)

At ngayon, ako, kasama ng aking asawa, ay madalas na masayang nagpapahinga, sa mumunting silid na ito..... Salamat, PINOYDVD...

Kuha Sa Gilid
(http://img123.imageshack.us/img123/4625/fullviewnocover7rz3.jpg)

Kuha Sa Harap
(http://img371.imageshack.us/img371/2979/fullviewcover7iez9.jpg)

Kuha Sa Likod
(http://img161.imageshack.us/img161/4998/surroundiu2.jpg)

Thank you for viewing!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: juneaki on Feb 01, 2007 at 07:13 AM
Maganda ang iyong simula.   :) Ako'y bigla ring nagmuni-muni kung papaanong ako ay nagsimula.  ::) At patuloy kung binasa ang iyong kwento subalit alalaon baga'y  >:( bigla mong winakasan ang iyong paglalahad at ako'y nabitin!  ???
Aabangan ko ang iyong pagpapatuloy. Datapwat ako'y natatakot na ang lahat ay mauuwi din sa "SARS"!  ;D ;D ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: jackncokehere on Feb 01, 2007 at 09:38 AM
congratz pare! welcome to the world of HT... ingat lang sa SARS...  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Feb 01, 2007 at 01:28 PM
salamat po... hehe, sana bukas matapos ko na ang aking kwento..
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Feb 02, 2007 at 02:18 PM
natapos ko din.. nyahahaha.. salamat po  ;D ;D ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: John E. on Feb 03, 2007 at 03:17 AM
 :'( That was a very touching and emotional story... I hope may cure ka pa  ;D

Napaka supportive ng wife mo, bilib ako! Sana wife ko ganyan din.

Nice set-up sir Ledrahc congrats!  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Zitr0 on Feb 03, 2007 at 06:18 AM
Maligayang bati sa iyo kapatid sa bago mong laroan.
Ako ngayo'y magbibigay pugay sa iyong nabuong kagamitan ng HT! ;D

Congrats Sir! :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ricky on Feb 03, 2007 at 07:25 AM
Congrats bro, job well done ;)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Vhongbiker on Feb 08, 2007 at 12:41 PM
maganda, maayos!!!
binabati kita kaibigan. ;)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: gregg on Feb 08, 2007 at 01:24 PM
 ::)Bro nasaan na yung mga pinagsawaan mong speakers? :-*
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: edboy7 on Feb 08, 2007 at 08:09 PM
salamat din sa inyo nakagandang kwento :) iyong namnamin ang kaginhawan ng iyong munting sinehan ;)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: shuttertrigger on Feb 08, 2007 at 09:38 PM
congrats bro...2 channel set up naman...hehehe  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Superman on Feb 09, 2007 at 04:10 PM
congrats!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: maximusIII on Feb 09, 2007 at 04:28 PM
akala ko mga gears ko to. parehong pareho ata tayo ng setup pare. 9.5 + 9.1 + vx10 + 9cm. balak ko rin bumili dfs. maganda ba dfs
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: newbie pa rin on Feb 13, 2007 at 03:14 AM
Salamat sa magandang paglalahad.

Enjoy your gears.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Feb 16, 2007 at 07:14 PM
:'( That was a very touching and emotional story... I hope may cure ka pa  ;D

Napaka supportive ng wife mo, bilib ako! Sana wife ko ganyan din.

Nice set-up sir Ledrahc congrats!  ;D

nyahaha  ;D salamat po. noong una hindi, pero nasiyahan e... kaya ayun, nahilig na din A/V
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Feb 16, 2007 at 07:16 PM
::)Bro nasaan na yung mga pinagsawaan mong speakers? :-*

nakatago po. am planning to sell it, pero wala pa akong idea kung magkano.. wala din sa plan ko kasing mag 7.1.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Feb 16, 2007 at 07:20 PM
akala ko mga gears ko to. parehong pareho ata tayo ng setup pare. 9.5 + 9.1 + vx10 + 9cm. balak ko rin bumili dfs. maganda ba dfs
hehe, napansin ko nga..
anyway sir, malaki naman naging improvement.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: frootloops on Feb 16, 2007 at 08:10 PM
Thumb's UP for you Sir. Very nice!!  Just be careful, the cat might move and bring down your TV. c",)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Mr.H on Feb 16, 2007 at 10:09 PM
salamat po... hehe, sana bukas matapos ko na ang aking kwento..

Bro ledrahc...Sana'y madagdagan pa ang iyong mga laruan at magkaroon ka uli ng nakaaaliw na kwento sa amin... :D

Nice story and Nice Gears! ;) ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: AlvinladeN on Mar 03, 2007 at 09:25 AM
Quote
Isang simpleng tao na ang hilig ay sa Computer. Mangalikot at mag-upgrade. Bagamat mahilig din makinig ng musika at manood ng pelikula, eh kuntento na sa mga nakagawiang kasangkapan tulad ng Sony, JVC, etc.
Isang araw, bigla na lang akong may nabasang anunsiyo sa madalas kong pinupuntahang website, na kung saan ang mga miyembro ay nagbebenta at naghahanap ng mga piyesa ng computer.
Isang nilalang ang nagbebenta ng kanyang mga napagsawaang speakers.

Dito nagsimula ang lahat.  Shocked
Sa kagustuhang malaman ang kaledad ng mga speaker na binebenta, ay nagawi ako sa website na ito... "pinoydvd".
Nagbasa, nagmasid, at natuto. Hindi nagtagal, binili ko din ang mga mga speaker na yaon.

hehe! parehong pareho tayo sir  :) from PC to HT  :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Apr 19, 2007 at 04:51 PM
sir AlvinladeN, salamat.

Anyway, got myself a new PS2 machine almost a month ago ;D ;D ;D Medyo busy lang kasi e. Post ko pics pag nagkaroon time.
Hehe, kala ko nde ako mag-eenjoy sa PS2 :-\. Nde kasi ako natuwa sa PS1 e, and nasanay kasi ako sa PC games , hilig ko pa naman e mga strategy games like command and conquer.. pero nung nalaro ko yung God of Wars 2. :o... ayos.. the best... pinaka-maganda and entertaining na  game na nalaro ko so far... both graphics and gameplay wala ako masabi... no wonder, one of the best games ever sya sa mga reviews...
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: NongP on Apr 20, 2007 at 05:06 PM
Congrats sir! keep it up  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: audiojunkie on May 23, 2007 at 08:23 PM
 ;D ;D Very nice & neat set-up. . congratz   8)  8)

Visit my set-up also. ..   :D  :D

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Nov 20, 2007 at 04:41 PM
finally, 'got time to update my HT profile.  ;D ;D
eto po list ng mga nadagdag sa setup ko..

Crescendus A A/V Rack
Sony Playstation II
Pioneer Turntable
(http://img510.imageshack.us/img510/1716/htavrackcrescendusafs1.th.jpg)

nde ko na sinama yung DTX 4.15 na subwoofer na nabili ko (group buy), nde naman akin yun e.. hehe, xmas gift para sa tatay..

hayyy... kelan kaya mapapalitan ng Plasma/LCD yung TV ko????
at yung matagal ko nang pinapangarap na CHT-12R Velo sub, kelan kaya sya dadating..  :o :o
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Marl☆1 on Nov 20, 2007 at 05:03 PM

Ganda ng HT mo bro... ganda rin ng iyong pagsasadula ng iyong istorya.   :D
Hope you get your panel wish this Xmas!  ;)

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Nov 20, 2007 at 06:17 PM
salamat bossing... nawa'y magdilang-anghel ka... :D :D :D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: blackie on Nov 21, 2007 at 07:37 AM
Go WharfedalE!!! ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: kt on Nov 21, 2007 at 11:32 AM
wow nice setup bro! keep it up!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 12, 2007 at 04:39 PM
thanks mga bossing...

yahoo...yahooo!!! got my wish this xmas na.... salamat sa aking mahal na asawa... ;D ;D
panasonic plasma 42"
pioneer 600 dvd player
Gecko Plasma rack

(http://img179.imageshack.us/img179/7341/htcurrent20071212eg0.th.jpg)

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: trackers888 on Dec 12, 2007 at 04:53 PM
thanks mga bossing...

yahoo...yahooo!!! got my wish this xmas na.... salamat sa aking mahal na asawa... ;D ;D
panasonic plasma 42"
pioneer 600 dvd player
Gecko Plasma rack

(http://img179.imageshack.us/img179/7341/htcurrent20071212eg0.th.jpg)

Upload na agad ang bagong upgrade :D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 12, 2007 at 05:01 PM
hehe, actually, mag 2 weeks na sya.. am almost done na sa 100 hrs breakin.. pwede na i-tweak sa recmnded settings..
medyo sa ngayun, alalay muna sa kulay/contrast
(http://img265.imageshack.us/img265/6964/htcurrent20071212mjscrexy4.jpg)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: scaglietti on Dec 12, 2007 at 05:05 PM
ganda sir.  congrats!  :D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Philjonc on Dec 12, 2007 at 05:17 PM
moral of the story...Love Thy wife.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: reynold on Dec 12, 2007 at 05:26 PM
Lakas Mambola ;D ;D ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: kt on Dec 12, 2007 at 06:22 PM
wow very nice upgrade bro!!!! hehe ano pa kasunod nyan? hehe
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 12, 2007 at 06:28 PM
nyahaha, Reynold.. tama ka dyan.. sa lakas kong mambola, mukhang mas enjoy pa sya kesa sakin, both HT and Audio.. hehe.. sya na nga tumitingin ng LP sa suking tindahan natin sa cubao e.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: blackie on Dec 12, 2007 at 08:36 PM
Congrats on the new gear!!!! :o
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Marl☆1 on Dec 20, 2007 at 01:56 AM
Nice 1!  Grabe ang bilis mo bro mag-upgrade... ayan na nga yung panel mo. Kumpleto na yung wishlist  ;)
Happy holidays bro!  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 20, 2007 at 10:54 AM
hehe, salamat sir.

will try to post pix nung speaker na nakuha ko kay Antony (Nerveblocker/DIY_Master, cant remember exact handle)
unfortunaltely, nde ko pa madala sa house ng parents ko, wala pang receiver, kaya sa bahay ko muna para ma-test..  for 12k, may 5 speaker set ka na pang HT..
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: MAtZTER on Dec 20, 2007 at 11:30 AM
Congrats! Very nice evolution!  :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 20, 2007 at 11:35 AM
salamat idol Matz... next upgrade ko sana speaker.. kaso mukhang malabo pa, dahil eto medyo nde ko pa kayang i-prove kay kumander.. nyahaha ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Marl☆1 on Dec 20, 2007 at 12:08 PM
hehe, salamat sir.

will try to post pix nung speaker na nakuha ko kay Antony (Nerveblocker/DIY_Master, cant remember exact handle)
unfortunaltely, nde ko pa madala sa house ng parents ko, wala pang receiver, kaya sa bahay ko muna para ma-test..  for 12k, may 5 speaker set ka na pang HT..

That should be Anthony - DIY_master.  ;D  Ayos yun, he's an exceptional guy and value-for-money seller, partners with Nerveblocker I believe.  They do have excellent speakers I gather from the other forum threads... ;)  Keep us posted once you install em!  Happy holidays bro!  :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 20, 2007 at 02:09 PM
ok sir, will do..
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: danrd on Dec 20, 2007 at 02:17 PM
Very nice upgrade bro. Congrats. That's what I call "Money well spent"  ;)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Brian_mico on Dec 20, 2007 at 02:39 PM

sir ledrahc, 
               inggit ako sa 'yo ang lakas mo sa wifey mo... konting tip naman dyan kung paano mo binola si kumander ;D ;D ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Dec 20, 2007 at 03:23 PM
nyahaha.. sana nga alam ko secret recipe.. nakatsamba lang talaga.. pero cge, ganito ginawa ko... ;D ;D ;D

bumibili din ako gamit na gusto nya, tulad halimbawa nung mini-chandelier type... hehe nilagay ko sa gilid ng upuan namin, para pag nanood kami, yun lang ilaw.. para dim at romantic.. tapos magsasalang ako ng love story, at sabay kami manonood... nyahaha.. lambing lang siguro talaga katapat... kaya enjoy din sya...
pero lately, napansin ko, mas enjoy na sya sa suspense na movie... nde daw nakakaantok... hehe at dahil malaki na screen, at malakas yung sound.. bigla na lang napapasigaw pag nagugulat... nyahaha... kaya enjoy talaga sya

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: eklok on Mar 22, 2008 at 05:45 AM
Wow parang pocketbook story at ang ganda ng setup, mga bossing pa tulong naman... noon gusto ko lang ng malaking screen sa panonood ng movie kaya from 21" Sharp TV (10yrs. of usage) eh nangutang ako kay ermats(bayad na) ng pambili ng Samsung 32R81B sa S&S(thanks Mark), may LG DVD player ako w/ progressive scanning at kuntento na ako dito... Sa kagustuhang makumpara ang TV ko sa ibang 32inch na TV napadpad ako dito sa PDVD ilang buwan na nakakaraan, katatambay napunta ako sa Sources thread dhil sa HD na noon ay wala akong idea kung ano.. hanggand dito sa HT, para pa ngang nagsisisi ako dahil noon ay kuntento na ako ngyon ay parang maraming kulang sa aking hobby, nauwi sa pagbebenta ko ng dvd player ko para maidagdag sa pambili ng HTIB dahil madali itong i-setup sa maliit kong kwarto at mura pa.. pero bago ako bumili eh nabasa ko na lahat ng maga Master at Guru dito ay hindi recommended ang HTIB at mas pabor sa Seperates, ngayon di ako makabili-bili ng HTIB dhil bka pagsisihan ko ito.. in short may SARS na rin yata ako, pa quote naman ng entry level na reciever, speakers (front,rear,center at sub di gaanong kalakasan (maliit lang kwarto), dvd player(sayang at nabenta ko pa). (wala sa budget and hd palyer) Maraming Salamat.
---(Budget 20-25K sagad na at may utang pa)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Vhongbiker on Mar 22, 2008 at 09:57 AM
sir LedrahC congrats! ;)

ektok try to open this, baka makatulong bro.
http://pinoybazaar.forumotion.com/a-v-bazaar-f4/fs-teac-51-home-theater-system-t566.htm
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: bagetz on Mar 22, 2008 at 06:20 PM
hi eklok.. ask quote from E-reply (Sights & Sounds).. very accomodating sya, am sure he can help you what do you really want with your setup.  :)

Wow parang pocketbook story at ang ganda ng setup, mga bossing pa tulong naman... noon gusto ko lang ng malaking screen sa panonood ng movie kaya from 21" Sharp TV (10yrs. of usage) eh nangutang ako kay ermats(bayad na) ng pambili ng Samsung 32R81B sa S&S(thanks Mark), may LG DVD player ako w/ progressive scanning at kuntento na ako dito... Sa kagustuhang makumpara ang TV ko sa ibang 32inch na TV napadpad ako dito sa PDVD ilang buwan na nakakaraan, katatambay napunta ako sa Sources thread dhil sa HD na noon ay wala akong idea kung ano.. hanggand dito sa HT, para pa ngang nagsisisi ako dahil noon ay kuntento na ako ngyon ay parang maraming kulang sa aking hobby, nauwi sa pagbebenta ko ng dvd player ko para maidagdag sa pambili ng HTIB dahil madali itong i-setup sa maliit kong kwarto at mura pa.. pero bago ako bumili eh nabasa ko na lahat ng maga Master at Guru dito ay hindi recommended ang HTIB at mas pabor sa Seperates, ngayon di ako makabili-bili ng HTIB dhil bka pagsisihan ko ito.. in short may SARS na rin yata ako, pa quote naman ng entry level na reciever, speakers (front,rear,center at sub di gaanong kalakasan (maliit lang kwarto), dvd player(sayang at nabenta ko pa). (wala sa budget and hd palyer) Maraming Salamat.
---(Budget 20-25K sagad na at may utang pa)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: bagetz on Mar 22, 2008 at 06:28 PM
btw sir Ledrach.. you're very lucky indeed to have a supportive wifey.. nice setup you got there  ;) :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: eklok on Mar 22, 2008 at 07:35 PM
hi eklok.. ask quote from E-reply (Sights & Sounds).. very accomodating sya, am sure he can help you what do you really want with your setup.  :)

thanks... nakausap ko na si Paul of S&S, punta ko dun bukas, dun ko rin kasi nabii TV ko.
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Jairus on Mar 23, 2008 at 08:06 PM
Very nice upgrade lehdrac!  Sorry, ngayon lang ako nag back read, naaliw ako sa kwento mo  ;D ;D ;D Part time writer ka ba sa Tiktik haha joke  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Mar 18, 2009 at 12:30 AM
waaa.. halos isang taon ko ding nde to na-update a..  may kunti na nadagdag, pero bukas yung medyo malaki laki.. hehe..

some of the gadgets i've acquired last year.. will post pics soon..
karaoke system
Konzert AV-502A
Pensonic Videoke Player
Audio Pro

Audio Setup
AMX Tube Pre-Amp
Bada 2 Channel Power Amp
B&W DM 601

Bedroom Setup
Rada X3
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Gwenael on Mar 18, 2009 at 01:53 AM
Uyy! Congrats sir LedrahC daming bagong gears ah mukhang naipon at meron pang susunod... Ayos, may aabangan na naman.... :o

waaa.. halos isang taon ko ding nde to na-update a..  may kunti na nadagdag, pero bukas yung medyo malaki laki.. hehe..

some of the gadgets i've acquired last year.. will post pics soon..
karaoke system
Konzert AV-502A
Pensonic Videoke Player
Audio Pro

Audio Setup
AMX Tube Pre-Amp
Bada 2 Channel Power Amp
B&W DM 601

Bedroom Setup
Rada X3

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Mar 18, 2009 at 10:54 AM
Something Very Special!  ;D

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Mr.H on Mar 18, 2009 at 12:27 PM
Something Very Special!  ;D

W :o W !!!  

Something Very Special nga talaga yan!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Mar 19, 2009 at 05:47 PM
W :o W !!!  

Something Very Special nga talaga yan!

hehe, thanks Sir.
Sabi pala ni Mike, mas nauna pa pala kayo kesa sa kanya na nagkaroon ng Something Very Special..  :D :D

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Mar 19, 2009 at 05:48 PM
The Eagle Had Just Landed!!!

(http://img207.imageshack.us/img207/9184/zbox1g.jpg)
(http://img207.imageshack.us/img207/2435/zbox2v.jpg)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Mar 19, 2009 at 05:53 PM
Byebye my old but very reliable Velo
Hello "My PreciouSVS!"
Side-by-Side

(http://img207.imageshack.us/img207/6425/zcomparefrontj.jpg)
(http://img207.imageshack.us/img207/9000/zcomparetopl.jpg)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: gunblade977 on Mar 19, 2009 at 05:58 PM
huwaw! Congrats sir on your Something Very Special purchase.

Musta performance compared to the Vx102 sir? layo ba ?
I also have the velodyne vx-10 kasi  ::)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Mr.H on Mar 19, 2009 at 09:39 PM
hehe, thanks Sir.
Sabi pala ni Mike, mas nauna pa pala kayo kesa sa kanya na nagkaroon ng Something Very Special..  :D :D

nauna lang po ng ilang tulog......hehehehe :D
congrats brader ledrahc!!! ;)
hinay-hinay lang at bka magalit sayo mga neighbors nyo...  ;D :D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: mike c on Mar 19, 2009 at 10:31 PM
congrats and thanks sir richard!

please share your comments as soon as you are able :)

(ledrahc has a PB12NSD btw)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Jun 23, 2009 at 04:04 PM
Sorry sir mike, sobrang busy.. i can't even take a picture of my gears, sobrang gulo e, dyahe, nde ko maayos..
Anyway, laki talaga improvement sa setup ko. i even tried watching again those movies na napanood ko na dati.. kakatuwa lang, kasi yung mga scene na ok ok lang dati, yun pala may punch yung mga scene na yun.. specially mga gunfights.. ramdam talaga, nde lang dinig.. hehe

will try to post pics soon

Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Jun 23, 2009 at 04:06 PM
got several new gears
B/S Clones c/o anthony a.k.a. diy_master
marantz cd5001 @ 50% off (7.9k++ na lang) from Multicom, robinsons forum..
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: mike c on Jun 23, 2009 at 04:12 PM
Sorry sir mike, sobrang busy.. i can't even take a picture of my gears, sobrang gulo e, dyahe, nde ko maayos..
Anyway, laki talaga improvement sa setup ko. i even tried watching again those movies na napanood ko na dati.. kakatuwa lang, kasi yung mga scene na ok ok lang dati, yun pala may punch yung mga scene na yun.. specially mga gunfights.. ramdam talaga, nde lang dinig.. hehe

will try to post pics soon

long time no hear sir ledrahc!  i'm glad very noticeable yung difference :)
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: iiinas on Jun 23, 2009 at 04:13 PM
got several new gears
B/S Clones c/o anthony a.k.a. diy_master
marantz cd5001 @ 50% off (7.9k++ na lang) from Multicom, robinsons forum..

wow, congrats sa new acquisitions. audio naman.  ;D
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Jun 23, 2009 at 08:14 PM
mukha nga e.. hehe, nahihilig na din ako sa audio.
ipina-mundorf ko pa yung B&W ko kay Anthony, kaso pambihirang anthony ito, sabi sakin, sir, baka gusto mo madinig yung clone... ayun, pagkakuha ko nung pinagawa kong B&W, may kasama nang Clone.. nyahaha
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: iiinas on Jun 23, 2009 at 08:31 PM
mukha nga e.. hehe, nahihilig na din ako sa audio.
ipina-mundorf ko pa yung B&W ko kay Anthony, kaso pambihirang anthony ito, sabi sakin, sir, baka gusto mo madinig yung clone... ayun, pagkakuha ko nung pinagawa kong B&W, may kasama nang Clone.. nyahaha

hehehe, ayus yan sir, sa recent shoot out nga namin, mas prefer ng mga attendees yung clone kaisa sa b&w 685... anyway. bang for the buck. walang sisi yan sigurado. congrats uli!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: ledrahc on Jun 23, 2009 at 09:19 PM
thanks Sir..
ilang beses na akong nag-attempt na sumama.. nataon lang talaga na busy... next time sana
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: John E. on Jun 24, 2009 at 12:55 AM
mukha nga e.. hehe, nahihilig na din ako sa audio.
ipina-mundorf ko pa yung B&W ko kay Anthony, kaso pambihirang anthony ito, sabi sakin, sir, baka gusto mo madinig yung clone... ayun, pagkakuha ko nung pinagawa kong B&W, may kasama nang Clone.. nyahaha

congrats on you new acquisition sir! ganda talaga tumunog nung clones!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: tein on Jun 28, 2009 at 09:34 PM
nabasa ko story mo bro, im a newbie here sa real home theater systems, i was using HTPC nadin for a time with logitech z5500 speakers sadly 2 years palang eh nasira sya wala na warranty plus nag rerepair so nabasa ko din tong site sa ibang website sa tpc so lurk muna ako research muna ako about sa setups ng mga tao ..
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: Mr.H on Dec 25, 2009 at 02:53 PM
(http://i164.photobucket.com/albums/u28/hdc1/santa-claus.jpg)

Merry Christmas to you & your family Brader!!!
Title: Re: Ang Munting Silid Pahingahan ni LedrahC
Post by: stickfighter on Dec 26, 2009 at 08:25 PM
(http://i214.photobucket.com/albums/cc250/banksescrima/merry-christmas-with-tree.gif)