IMO, quality should start with a good story or plot. Hindi ung me takutan lang at me nakakatawa o kaya me barilan ng bida at kontrabide. Dapat ung me lalim na tipong medyo mag-iisip ka habang pinapanood mo. Ung umiikot ang imahinasyon mo habang pinapanood mo. At tsaka mas maganda cguro pag nai-immerse ka dun sa pelikula na para bang andun ka (and I don't mean the theatre exoerience like Dolby, THX etc.).
At pag maganda ang istorya, dapat ang mga artista na gaganap sa mga karakter ay angkop. Ibig sabihin, kaya nyang ipakita na sya si Danny Rosales at hindi si Johnny Delgado o kaya si Dadong Carandang at hindi si Vic Silayan. Hindi dahil sikat ang isang artista e sya na ang kukunin.
At syempre kasama na dito ang sinematograpiya, paglapat ng angkop na awit o musika at lahat ng mga teknikal na aspeto ng pelikula.
MMFF stands for Metro Manila Film Festival but these past few years it has become MMMF, Metro Manila Movie Festival.