Maganda sana kung accessible ang mga natatanging Filipino Films para magamit mo itong panghikayat sa iba, hindi lang sa isang foreigner, kungdi pati na rin sa kapwa Pinoy na walang alam o walang tiwala sa pelikulang Pilipino. May mga ibang paraan para makapanood kayo kasama ang iyong kaibigan, lover, ina-alagaan, kasama sa trabaho, ka-mahjong,mapa foreigner man o taga ibang kapuluan sa Pilipinas.
Saan Ka man sa mundo, pumunta kayo sa
www.atomfilms.comANINO(Shadows)
13 Minutes-Short Film ni Raymond Red-nanalo ng 2000 Palm D'Or sa Cannes
Kung nasa States kayo:
mag member kayo ng
NETFLIX(pumunta kayo sa
www.netflix.com):Ang mga DVD's ninyo ay darating sa inyo via USPS, returning them is just a mailbox away. Just monthly dues, no late fees. Opo, may mga Pinoy movies na dito, tulad ng:
Relasyon (Ishmael Bernal),
Markova (Gil Portes),
Muslim Magnum .357 (Ronwaldo Reyes),
Macho Dancer (Lino Brocka),
La Visa Loca (Mark Meily),
Naglalayag (Maryo J. De Los reyes),
Pa-Siyam(Erik Matti) at marami pang iba. Subtitles, if available, are loosely translated.
Kumuha kayo ng The Dish network at umorder kayo ng The Mabuhay Channel-kakaiba ang mga pelikula dito:
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Feb 4 7pmPT
Annie Sabungera, Feb 5 5pmPT
Room Boy, Feb 11 7pmPT
Perlas Ng Silangan, Feb 16 3pmPT
ICU Bed #7, Feb 18 7pmPT
Big Time, Feb 25 7pmPT
Here's to hoping that they show these movies, uncut.
Kung may DirectTV na kayo at TFC, ilipat niyo naman sa CinemaONe:Ipapalabas ngayong buwan ang
BADJAO, at sa mga sumusunod na buwan ang iba pang LVN Classics. Ipinalabas na ang
Biyaya ng Lupa, pero tiyak na ipalalabas uli ito. Dito mo din mapapanood ang mga piling pelikula nila Brocka, Romero, Mike De Leon. Na censor na ang mga masamang pilipino na salita, ngunit ang nakakatawa ay minsan ay nakakaligtaan nilang i-censor ang mga masasamang Ingles na salita.
Kung nasa Manila naman kayo:
Huwag kaliligtaan ang
Pelikula at Lipunan na nagpapalabas ng mga sineng luma sa SM Cinemas nationwide
Pumunta kayo sa
Cultural Center of the Philippines-may bayad ngunit pwede ninyong panoorin ang mga sine na nasa library nila na nasa iba't ibang medium. Ganoon din sa
UP Diliman.
Sa 48 West Avenue, sa tapat ng Petron, mag member kayo ng
VIDEO48, may mga VHS na luma doon.
Sa Cornell University, hindi extensive ang collection, pero may
BATCH '81 sa Library. Ganoon din sa UWMadison, maraming Pinoy videos sa library.
Kung nanood kayo ng "Don't Give Up On Us" sa L.A. at Chicago at nagbayad kayo ng $12(walang bargain), sana ay panoorin niyo din ang
CAVITE sa darating na theatrical release nito.