MGA BOSS, PATULONG NAMAN!Newbie ako pagdating sa pagbili ng TV. Gusto ko lang mapalitan na yung TV namin simula nung pinanganak ako. HAHAHA. Eto po mga hinahanap ko:
1.
LED TV. Mga boss, totoo bang tipid sa kuryente ang LED? Kung oo, sa LED na ako. Parang outdated na kasi ang LCD (for me), tapos masyado namang "high class" ang PLASMA at SMART TV.
2.
SIZE: 32" - 40" lang. Parang maliit para sa divider namin ang 32" pero masyado na ata malaki ang 40". Kaya naghahanap din po ako ng sizes in between. Meron po bang 35", 37" o 39"?
3.
BRAND. Mga boss, wala akong ka-ide-idea kung anong brand ang pinaka-okay. Pero sa ngayon, ang pinagpipilian ko lang eh Samsung, LG at Sony. Suggest pa nga kayo mga boss.
4.
BUDGET: 18K - 20K. Siguro kaya pa ng budget ko ng 22k, pero sagad na ako dun! HAHA.
5.
FOR WHAT: Pang bahay lang, mga boss. Pang panood lang ng movies at teleserye para sa nanay ko. HAHA. Super dalang lang ang maglalaro, panay matatanda naman na ang gagamit eh. Kaya mostly, panonood lang pero pwede ding pang-videoke minsan. HAHA. Yung pwede po sanang pasakan ng hard drive, yung pwedeng pang-cable, yung aabot ng isang daang taon (haha. biro lang) at yung may madaling pagpapagawaan kung may sira man.
6.
WHERE TO BUY: Mga boss, obvious namang mura ang hanap ko. HAHA. Willing po ako magcanvass sa iba't ibang store kaya sana may ma-suggest kayong storesssss.
7.
ANY PROMOS??? Hindi naman ako nagmamadali bumili, mga boss. Siguro hanggang bago mag-pasko. Kaya kung may mga promo na paparating inform nyo naman po ako.
NAPAKA-DEMANDING KONG NEWBIE! HAHAHA.
Pagpasensyahan nyo na mga boss. Sana may makatulong.