Nag last day sale na kahapon ng dibidi sa Poquia. Tigil na daw (muna?), utos daw ni yorme sabi ng vendor. 'Di lang natin alam kung maibabalik pa. Kung dati pagkatapos na pagkatapos ng Raid, magbubukas din agad ang mga tindahan dun, kahapon talagang nag kusa na silang mag limas ng mga paninda nila. Parang 'yung narinig ko dati sa radyo, ang sabi, dati daw sa Japan at Hong Kong me parang Quiapo din, kung saan me bentahan din ng mga "knock offs" at "pirated", pero nalinis din daw 'yung mga lugar na 'yun. Ngayon daw meron pa din bentahan, pero patago na sa mga nabanggit na bansa. Marami din siguro dito ang makaka "miss" sa pag "score" sa Poquia na ilan taong din namayagpag sa pag benta ng "dibidi ma'am, dibidi sir, dibidi, dibidi, dibidi x.