@kuhplox_007,
Kung ang panonoorin mo ay original DVD's na upscaled to 720p or higher, at gamit mo ay non-HD na LCD (malamang ito ay 4:3 monitor para sa PC, or even 16:9 widescreen pero hindi talaga HD resolution), oo kitang-kita ang difference. Sobrang mas ok manood sa HD resolution na LCD.
DVD pa lang yan, lalo na siguro pag Bluray or 720p na game console like Xbox 360 or PS3. So ang suggestion ko sayo, wag ka na bumili ng LCD kung hindi rin lang HD resolution. Ipon ka pa ng konti, tiyaga ng konti, at bumili ka ng widescreen LCD na at least 1280 x 720 ang resolution (720p). Karamihan sa mga "HD ready" na LCD TV ay 1366 x 768 ang resolution, mas mataas ng konti sa 720p so ok lang yun.
Di mo na kailangan ng Full HD (1080p) kung hindi naman malaki ang bibilhin mo (i.e. 40" or bigger). Ang 720p or "HD Ready" ay considered High Definition na, hindi nga lang "full" HD. For 32" screens, hindi mo na makikita ang difference ng 720p at 1080p. HTH