I started in April 2001 with pirated discs. Back then, p-discs were bit-perfect replicas of the real thing. In fact, wala pa ngang mga dvd-5 noon. Would you believe, may mga insert pa? - talo pa nga ang Viva!
As expected, the quality of subsequently-released pirated titles quickly deteriorated. Lahat na ng klase ng depekto makikita mo sa mga japeyks: madilim ang video, severe pixellation, out-of-sync ang audio, humihina ang audio during scenes where the sound should be much louder (e.g.: explosions), sobrang lakas (distorted) ang LFE, skipping, hanging, etc., etc., etc., ad nauseam.
Sabi ng vendor, papalitan pag may sira. Kaya lang, magsasawa ka naman kakapalit at kakapabalik-balik. Bakit nga ba hindi, e sira din yung binibigay na kapalit. Minsan nga, nakabili ako ng defective disc sa Greenhills; nang bumalik ako para magpapalit, wala na yung binilhan ko!
Sa sobrang buwiset, original na lang ang binibili ko. Walang problema. May delivery pa sa mga R1 (suki ako ni Parc).