Kung kay Titanium yung 337ESD, '(yun yata ang na-test diyan na sweet-sounding?), siguro may karapatan sa P5K. Kung ako rin at talagang maganda ang unit ko, mataas din ilalagay kong asking price, kasi hindi ako mapapahiya kahit i-test ng ilang beses. Ang bottom line kasi, kahit hindi mo mabenta, hindi ka talo.
Superman,
Medyo mahina na ang dating ng surplus audio gears dito, lalo na CDPs, compared with last two years. Ang sabi sa akin ng Hapon ang demand daw ng China at Vietnam for surplus audio biglang umakyat. That only means one thing: tumaas din ang disposable income ng mga Intsik at Vietnamese, samantalang tayo bumaba pa. Tapos marami na ring local traders - yung may mga shops - na nag a-advance ng cash sa importer, kaya talo tayo - latak na lang ang natatambak sa warehouse. Yung TTs, binibigay na sa "give-away price", problema 5 na ang units ko sa bahay. Puwede kong gawin dito, pipiliin ko yung good models, kunin ko ng P500 each, tapos dis-assemble ang tonearm and motor, lagyan ng bagong chassis na hardwood. tsaka benta ko ng mahal. ano kaya? problema wala na akong panahon para diyan.