Hindi naman bago ang Panasonic 42x30 ko, last year ko pa binili (April 2013). Kaya lang ngayon lang na-approve ang membership ko dito, siguro kasi ang username ko ay "2ndhandman." Baka akala ng moderator ay trader ako...hehehe. Nagkataon lang na puro 2ndhand ang DSLR na gamit ko kaya ganun ang username ko...hahaha.
Anyway, dito una akong nagbasa ng reviews ng 42x30 bago ko binili as gift to my wife last year. After 1 year watching on the plasma ang masasabi ko lang ay hindi na ako nanonood ng movies sa sinehan. Hahaha...gandang manood lalo na at naka-set-up ng home theater.