Hello po mga kapatid.
First time owner po ng flat panel. Puro CRT lang po ang gamit namin before eh.
Kakabili ko lang ng Sony 42ex410 para sa living room.
Sa ngayon po, USB playback and cable tv palang naeenjoy ko.
Kaso mejo bitin.. kasi yung mga nalalagay ko palang sa USB flash disk ko,
mga HD Trailers and Music Videos palang; approx 50mbs lang yun from youtube.
Masyadong malaki kasi yung full/tru HD movies para i download!
(currently downloading cars2. almost 8gb!)
So ang tanong po is, what's next para ma enjoy ko ang bagong tv ko?
>Ps3? (For gaming and bluray playback, di po ba? Kaso from what I've heard limited ang file format support and hanggang fat32 lang siya)
>Simpleng dvd player? (Applicable pa po ba ito sa era ngayon? Pag nabibisita ako sa mga tindahan ng dvd, may minamarket silang bluray daw pero playable sa mga dvd player.. 1080p kuno... What's that about?)
>Bluray player? (for straight up bluray disc playback. alam ko meron under 4k sa cd-r king? tama ba?)
or
>yung mga NMT that I've been hearing so much about? (Clueless po ako about NMTs. Di ko nga alam yung ibig sabihin ng abbreviation eh. Basta ang alam ko player siya na pwede mo lagyan ng usb flash disk or hard drive mismo and siya na mageencode ng files mo para ma display yung video/audio sa mga tv natin)
And last question.. Kelangan ko ba talaga yang mga yan^?
Hindi po bat pwede ko naman i connect ang pc ko sa hdtv ko thru either a) vga to vga b)dvi to hdmi c)hdmi to hdmi? I don't mind the hassle of doing it everytime I wanna watch some flicks anyway.
As a matter of fact natry ko na nga po i connect using option A! ok naman po yung games.
Ayun nga lang walang audio. Haha. Hopefully may audio na sa option B and C (will try later)
And more importantly,
iba po ba yung quality ng video playback pag ps3/dvd player/bd player/nmt to hdtv compared with
pc to hdtv (using vlc or media player classic) or same lang rin?Pasensya na po, confused lang talaga ako
TIA PinoyDVD brethren!