Kailangan mas may training yung mga guards sa paligid. Minsan kasi ang security guards dito satin pang display lang. Pag may totoong security issue na, hindi sila equipped to respond appropriately. Fistfight pa lang yun nagkagulo na, papano pa kung armed ang mga yan.
Pero it's also obvious na hindi alam nung guards ang gagawin nila because they normally do not encounter these things. Normal people don't do these things, lalo na sa public places. Masyadong marami na lang talagang uncivilized egomaniacs sa showbiz, media at politics satin, when they should be protecting their reputation.
It's funny how we still see endorsements from people with such bad records. O kaya how we elect officials na alam ng lahat na di maganda ang nakaraan. Hindi ko alam kung may effect pa ang morality sa image ng tao sa society natin. Mga popular celebrities at yung mga taong nakikita mo sa billboards sa edsa, di ko alam sa dinadamidami ng pwedeng pagpilian bat sila pa. Parang kelan lang eh na senate hearing pa yung isa due to indecency, tapos ngayon sikat na endorser ng products? May dalawang rebelde sa senado, at humahabol ng pagkamayor ang ex-president na convicted of plunder (at malaking chance manalo). Parang ang short-term ng memory ng madami. Just saying...