Ito ay para ... alam niyo na kung sino kayo ...
Kung iniisip ninyo na zero resistance iyung ideal voltage source at infinite iyung resistance ng
current source (ibig sabihin lumilihis na kayo sa mga original na pi-nost ninyo at baka iba rin
kasi iyung inisip ninyo sa sinulat ninyo), ang tanong ko ay ganito.
- Paano kung zero resistance ang voltage source? Oo, iyung series resistance niya puwede
maging zero gaya ng nasabi ninyo kamakailan - agree ako dito. Pero tandaan natin V = I x R.
Puwede bang maging zero ang voltage sa voltage source?
- Paano magiging current source kung infinite ang kanyang resistance? Paano kung naglagay
ako ng infinite resistance na load? Saan ngayon pupunta ang kuryente galing sa current source?
Humihingi ang load pero ayaw magbigay ng current iyung current source?
Sa totoo lang kaya ako sumagot dito sa thread na ito dahil napansin ko lang na parang wala ng
kinakakatakutan isa sa inyo. Palibhasa siguro may backer siya kaya kahit anong i-post okay
lang. Lagi nga niya sinasabi "Thanks for the confirmation" ... Ganoon naman ang kalakaran ninyo
hindi ba? Isa susulpot kapag sumagot ang isa. Hindi kaya dahil sa pursyento sa sales? Haaa!!!!
Eh kung ganoon, puwede bang sama na rin ako ...
good boy na ako sa susunod ...
Tungkol naman sa tunog lalo na sa mga mahilig magkalikot tulad natin ... para hindi OT ...
Kung sa pagkakalikot ay wala kayong narinig na improvement eh di sabihin ninyo paulit ulit ...
wala kasing tunog ang capacitors ... este bypass capacitors pala. Wala naman problema iyon basta
kaya niyong panagutan mga sinabi ninyo. Hindi naman lahat tayo focus sa magandang tunog ...
... lalo ako kasi ... guilty as charged ako sa mga graphs, plots at anu ano pa ... wala ring tunog ang
mga ito ... hehehe