Hello! Ask ko lang kung nakaka-sama ba talaga na palagi ka sa PS3 nagba-bala ng Blu-Ray movies? May mga nabasa na ko dito sa PDVD na nakaka-sira daw, yung iba naman hindi. Hindi ko sure kung bakit masisira yun dahil Blu-Ray naman yung PS3 diba, ano ba pinagkaiba ng games sa movies kung pareho naman ang disc? Ibig ko lang sabihin eh, kung madali ba masira kung ginawa mo ng regular BD player ang PS3? PS3 super slim yung akin eh nabili ko lang nung Dec. 2013. Eh since TV muna yung mabibili ko para sa kwarto, mahuhuli muna yung standalone BD player. Pero kung okay lang naman yung PS3 super slim yung gagawin mong BD player, okay na saken yun. 3 movies tops naman yung pinaka madami kong movie na pinapanuod pag nagma "marathon" ako eh. Tsaka bihira yun siguro mga isang beses lang sa isang buwan. Minsan nga hindi pa eh, basta each night talaga ko nanonood ng movie. Kase pag naka-bili na ko ng TV, magiging legit na ko. Magsisimula na ko bumili ng Blu-Ray, di na ko magda-download ng movies.