saw this in facebook..
this is my exact sentiments right now..
MULA SA ISANG HATER NI LEBRON
Dear LeBron,
I never liked you.
Siguro nung nagsisimula ka pa lang, pwede pa. Prodigy ka pa non. Tinuturing kang isang henyo sa larangan, the most anticipated high school prospect to come to the NBA. And oo, napahanga mo ko nung mga unang taon mo, nung binago mo yung landscape ng NBA, nung pinakita mo yung selfless brand ng basketball mula sa isang point guard na nakakulong sa katawan ng isang power forward. Hinangaan kita, pero mula sa malayo naramdaman ko yung pagkainis sa dami ng mga taong humahanga din sayo. Hindi kasi ako bandwagon fan. Kaya siguro, dahan dahan, nawalan ako ng paghanga sa mga nagagawa mo.
Then nangyari yung The Decision. Lumipat ka Miami. Gumawa ka ng Big 3. Ano nga ulit sinabi nyo noon bago magsimula season? Not 1, not 2, not 3... maraming championships ang dadalhin nyo sa South Beach. Pero hindi nangyare. Well, nung unang taon na magkakasama kayo, nakalaban nyo ang paborito kong koponan and pinaka humble na player na sobrang hinahangaan ko sa mundo. It was Dirk vs the Big 3. Kayo ang villains ng NBA during that time. And nung nagkasakit si Dirk sa Finals, nagawa nyo pang gawing katatawanan yung nangyare. Hindi ko sure kung dala ng kapusukan ng kabataan, o sadyang hindi kayo nagiisip ng mga panahon na yun. Pero mabilis si Karma. Digital. In 6 games, Dirk and his merry men put you away. And until today, isa iyon sa mga moments in NBA history kung saan hindi isang dinastiya ang nanalo ng championship.
After that, nag champion ka din. Pero hindi ko pa din magawang matuwa sayo. Every year, dagdag ka ng dagdag sa grupo mo. Kuha ka ng kuha ng malalakas na players na kung tutuusin, parang lugi na ang kahit sinong makakatapat nyo, dahil bukod sa kanila, andyan ka. Ikaw ang The King, at every year marami kang Knights na nakukuha na pumaligid sayo. Pero tulad ng isang fairytale, hindi din nagtagal ang paghahari mo.
Nandito na ngayon tayo sa pagbalik mo sa pang apat na Finals, kaharap ang nakakatakot na makinarya ng Kanluran. Golden State is monstrous in so many different ways, pero ito ang unang pagkakataon na IKAW ang nagiisang nagbubuhat ng buong team mo. IKAW at IKAW lang. Halos bitbitin mo ang buong CAVS sa eastern play offs. At nabugbog ka ng husto sa Boston.
Pero nung nakita ko yung larawan ng isang hari na tila napagod na sila ilang taon na pagsisikap maging pinakamahusay sa kanyang kaharian, dun ko naramdaman na hindi ka din pala naiiba sa amin. Hindi ka pala HARI. Katulad ka din naming mga normal na tao - OO, mahusay, pero hindi palagi, at hindi sa lahat ng oras. Hindi ka isang Basketball God katulad ng mga nagtipon-tipon sa Golden State. Isa ka lang mandirigma na puno ng sugat, at nagpapahinga dahil alam mo sasabak ka na sa pinaka mahaba, pinaka mabalasik, at pinaka nakakapagod ng laban ng iyong buhay.
Dahil sa pagkakataong ito, Lebron, alam na ng lahat, tao ka lang. Hindi ka King, hindi ka Phenomenal, hindi ka Indestructible. Hindi ka All Powerful. Katulad ka lang namin. At dahil dyan, sa unang pagkakataon, humahanga ako sayo.
LeBron, hindi ka si Dirk, na sa aking mga mata ang pinakamahusay at humble na European player in NBA history. Hindi ka si Jordan, who is still the GOAT, kahit ano mang sabihin ng mga fans mo na ikaw na yun. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko manalo ka. Gusto ko mag champion ka ngayon. Gusto ko patahimikin mo ang mga kritiko mo, at ipakita mo sa kanila na kahit wala ng natitira sa lakas at gilas mo bilang mandirigma sa gitna ng digmaan, lalaban at lalaban ka pa din. At magwawagi ka.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nasa side mo ang mga taong dati ay ayaw sayo. Dahil lahat kami, gaya mo, ay gusto ding manalo, kahit na tambak na at dehado sa buhay.
I never liked you Lebron. Cause I never liked myself, and I never liked the fact that your greatness exposed how weak I was personally. But now, seeing how human you are, I want you to know....
I am behind the King this time around. Go Cavs.
-Jed-