Sa experience ko with my 50" TCL tv, still under warranty, itinawag ko for check up dahil may slight brownish marks sa screen, pinuntahan ng technician after a week, ang diagnostic, dirty defuser. Kailangan daw ipull-out dahil kailangan daw sa clean room nila sa shop bubuksan. Inabot ng 1 month bago i-pull-out, after ng 2x a week ko na kaka-follow up sa call, fb message and email. And inabot ulit ng 1 month bago maibalik saakin, nalinis naman yung defuser, kaya lang nung ibinalik sakin, may 1 buhay na langgam na sandwich sa middle ng lcd at nung screen na mapapansin mo na may tuldok sa screen kapag white ang background, at kapag nilapitan kong tignan, makikita mo talaga na langgam sya dahil sa mga paa nya, hehehe. After ilang araw nalilipat ng lugar yung langgam, that means na buhay nga yung langgam. Bilib din ako sa clean room nila, very clean nga talaga. Baka dun sila kumakain kaya may langgam dun sa clean room nila. Sa ngayon hindi ko na nakikita yung langgam sa screen, namatay na yata at naagnas na.
And ang nakakainis pa, ingat ingat tayo sa gamit natin, nung pull-out nila, pinagpilitan nilang sinaksak sa 40" na box yung 50" na tv ko. Alam nilang 50" ang pick upin nila, hindi sila nagdala ng box para sa tv ko. At ang kapal ng alikabok ng tv nung isinaoli sakin. Ibig sabihin, matagal ng naka tambak sa kanila yung tv bago nila binalik. Hindi man lang nilinisan bago ibalik sa customer.
Nakaka badtrip magpa service sa TCL.