from Pete..
Isa ako sa mga tangang miyembro ng CEB.
Miyembro din sa ngayon sina Eddie Romero, Doy del Mundo, Roy Iglesias, Nestor Torre, Joyce Bernal, Leo Martinez, June Keithley, Maan Hontiveros, Leah Navarro, Mitch Valdez, Juaniyo Arcellana, Chinggoy Alonzo, Tommy Abuel, Salve Asis, atbp. Ang kasalukuyang chair ay si Jackie Atienza, dating producer for
Bancom (nakatrabaho namin nina Lino Brocka at Ricky Lee sa pelikulang Jaguar).
At one time or another naging miyembro din ng CEB at ng predecessor nitong FRB sina Lourd de Veyra, Boots Anson Roa, Armida Siguion-Reyna, Bibeth Orteza, Marra PL. Lanot, Gina Alajar, Ricky Lee. Dating chair ang yumaong si Bibot Amador.
Hindi miyembro si Laurice Guillen, although ang CEB ay administratively part of the Film Development Council (ni hindi ako sure kung ito nga ba ang tamang pangalan). The only time I saw Laurice at a CEB function was when we were all new appointees and she welcomed us. Early on, I seem to recall that there was a kind of workshop cum group discussion to orient us on the functions of CEB.
Marami ring miyembro na hindi connected sa film industry. Pero kung connected ka sa film industry at involved ka in any way sa isang production, ang rule dito ay hindi ka puwedeng manood at bumoto.
Halo-halo ang tao sa CEB at may iba-ibang panlasa sa pelikula at ang decisions are by a majority vote. Hindi ako laging kaisa ng majority, pero ganyan naman ang botohan. Ika nga, win some, lose some.
Ewan ko kung mabuti ito o hindi, pero walang miyembro ng CEB sa ngayon na below 30 years old, at inaamin kong marami sa amin ang jurassic na (bago matapos ang taong ito ay senior citizen na ako) at maaaring jurassic na rin ang panlasa namin sa pelikula. Ang rating din kung minsan ay depende kung sino
ang present sa isang CEB review session. Bago mag-review ay hindi naman sinasabi sa amin kung ano ang ipapalabas, kaya hindi kami puwedeng pumili ng panonoorin.
Absent ako nang rebyuhin ang dalawa sa mga binanggit mong pelikula, pero nandoon ako ng rebyuhin ang Noon at Ngayon at ang Crying Ladies. Hindi ko maalala kung ano ang boto ko sa Noon at Ngayon. Hindi ko ikinahihiya ang desisyon kong bumoto ng A para sa Crying Ladies.
Hindi lahat ng pelikulang gawa dito sa atin ay isinusumite sa CEB.
May hindi na isinusumite at all dahil sa tingin naman ng producer ay walang pag-asang maka A or B rating.
May pelikulang hindi naisumite dahil hindi agad natapos at kailangan nang ipalabas sa sinehan (ang CEB review ay kailangang bago ipalabas sa sinehan, dahil ang punto rito ay pagbibigay ng tax rebate).
Maaaring may pelikulang hindi isinumite dahil walang pambayad ang producer ng review fee. (Ewan ko kung me
nangyari nang ganito.)
Maaaring mayroon ding hindi isinumite dahil hindi bilib ang producer sa CEB. (Ewan ko rin kung me nangyari nang ganito, pero hindi imposible.)
Maraming isinumite na hindi nakaka-rate ng either A (100-tax rebate if CEB majority during review session thinks all aspects of the film are of high quality) or B (60-percent tax rebate if CEB majority during review session thinks the film may be flawed in some aspects but is still generally well-made, especially in the context of current filmmaking in the Philippines).
Isusumite ba sa CEB ang mga indie films na nabigyan ng grant para sa Cinemalaya festival? Kung isusumite, maka-rate naman kaya batay sa pamantayan ng kasalukuyang kasapian ng CEB? Ewan ko, pero pipilitin kung huwag umabsent, puwera lang doon sa isang pelikula ni Sig Sanchez na dakilang extra ako.
Ang masasabi ko lang, indi naman komo indie ay magaling. Marami akong sinulat na experimental na tula noong bata ako na ikinahihiya ko ngayon, at nagpapasalamat ako na hindi na sila na-publish. Pagtanda n'yo at titingnan n'yo ang mga pinaggagawa n'yo ngayon, baka sakaling maintindihan n'yo ang ibig kong sabihin.