payag ako kung 2 hollywood moviesa month.
tapos magpalabas na lang ng pelikulang hapon,. koryano,instik, prances, at syempre mga pinoy na indie.
mapurol ang utak ni bong at obviously may ulterior motives siya dyan at ubod ng panget ng trailer nung bago niyang
Panday, pero in principle agree ako sa pag-ban ng hollywood films
pang-bobo - - -at nakakabobo - - -kasi 90% ng hollywood films.
(at mukhang hindi din naman nakakatulong sa grammar an pagpapanood ng pelikulang ingles. look around.)
kagaya ng
avatar. gusto ko siyang panoorin pero konting-konti pa lang ang nagkukwento tungkol sa kanyang naratibo , karaktr, structure. puro special effects at aksyon ang pinaguusapan. hanggang doon na lang ba ang kaya ng utak ng manonood? at dahil ba ito sa monopoly ng 'dumbed down" hollywood films? o sa diyeta? pagpapalaki? quality of education?
o ganun lang ba kababaw ang
avatar? feelng ko naman hindi.
of course, mukhang mas masahol ang bagong
panday.
isama na din natin yan sa mga iba-ban. walang ni-katiting na kaibahan ang karamihan ng gawang hollywood sa karamihan ng gawang star cinema/viva/regal. pambobo.