newbie320, nabasa mo yung sa post ko. mahirap makita yung bleeding pag medyo well lit ang area kung saan mo i-test. kaya nga ako,yung unang unit,pag uwi ko na lang nakita.same with the 2nd unit kasi sa store,parang wala talaga pero nung naiuwi ko na,ayun meron pa rin. and with the 2nd unit i was kinda confident na wala na sigurong issue kaso meron pa din.
pag isipan mo na lang maigi kung gusto mo pa din ng same model or kung gusto mo pa din mag LED. backlight lang pagkakaiba nyan sa LCD. ako masaya na sa LCD kasi tama lang ang lighting sa dimmed room unlike LED na nung una medyo masakit sa mata pero pwede naman i-adjust ang settings to your liking.
basta,pag isipan mo maigi kasi prone talaga ang LED TV's sa bleeding. iilan lang ang mga members dito na may ganitong model.iilan lang din ang may alam ng backlight bleeding sa ilang libong bumili ng ganitong TV. yung iba,oblivious sa issue.which is good for them i guess. and yung iba nasa well lit rooms so di talaga mapapansin na.
sa SnS,pwede nila patayin yung ilaw while you check it.pero mahirap pa din kasi yung ilaw from the other TV's on display e nakaka distract din. set mo na lang siguro yung viewing mode. i forget setting na yun. basta yung picture size select mo yung smartview ata. yung nasa center lang ang picture na maliit then black na lahat sa paligid.from there makikita mo yung corners.
tsaka yung pag nag switch over yung menu screen nang channels list back to TV.may parang 2 seconds na mag black screen sya.dun makikita mo din kung meron. pero you have to click it mabilis para mag black screen ulit agad.
yung pag set ng channels madali lang naman.autochannel lang ginawa ko then move na lang yung mga channels.basta,madali lang yan.
yung pagiging punggok naman na sinasabi,normal TV is viewed kasi 4:3. may ganyan namang picture size setting yung TV pero makakasanayan naman manood sa 16:9. di naman ganun kapangit or sobrang stretched.
wag ka muna mag isip tungkol sa mga new technology.matagal pa yan bago dumating sa atin.ang laki ng ipupuhunan ng mga local providers to switch over. hindi nila agad agad magagawa yun at hindi feasible sa ngayon o anytime soon ang ganung technology sa atin.
good luck.kung decided ka pa din sa same model na yan,i hope you get a clean one.